01/06/2026
๐๐๐ -๐ซ๐๐ ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ซ ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐!
Gaya ng ating kababayang OFW na si Charina G. Gaon, marami na ang nakatuklas sa kahalagahan at kadalian ng pagpaparehistro sa National ID. Ayon sa kanya, bukod sa napakahalaga ng National ID sa Pilipinas, mabilis lamang makamit ang serbisyo, kaya naman buong-puso niya itong inirerekomenda sa lahat.
Kapag ikaw ay rehistrado na, hindi mo na kailangang mag-antay ng physical card para magamit ito. Maaari mo nang i-access ang iyong *Digital National ID via eGovPH App gamit ang smartphone, o kumuha ng National ID in Paper Form sa mga registration centers para sa mas pinadaling mga transaksyon.
TANDAAN:Ang Digital National ID at Paper Form ay hindi alternatibong ID lamangโang mga ito ay may parehong validity at functionality gaya ng physical card. Opisyal at legal itong tatanggapin sa lahat ng pampubliko at pribadong transaksyon.
Mag-register na sa pinakamalapit na National ID Registration Center sa inyong lugar at i-download ang eGovPH app ngayon!