01/02/2026
Kailan ka huling beses nagsulat?
Tama na sa pagpapahinga. Subukan mo ulit magsulat—kahit mali ang bantas, mababaw ang paksa, o hindi sakto ang tugma.
Hindi mo kailangan ng mabigat na inspirasyon para magsulat; sapat nang alalahanin mong isa ito sa iyong pangarap.
Wala ka dapat ikabahala, kaya mo pa ring sumulat. May bitaw pa rin ang iyong mga salita. Hindi ka masusukat sa dami ng iyong mambabasa o sa bilang ng reaksyon na pinapaskil mo sa social media.
Balik ka na sa pagsusulat.
- Regina Amit