07/11/2025
Naalala mo pa ba nung nag-RSCT (ROTC Summer Camp Training) at ARAPT (Advance ROTC Academic Phase Training)
1. Yung tamad na tamad kang gumising ng maaga para sa reveille tapos uulit-ulitin panuorin ang Army Transformation Road Map AVP na bida si Juana Change.
2. Sobrang antok ka na sa duty mo lalo na't madaling araw kaya magtatake life kayo ni buddy na salitan matulog.
3. Yung bawat admin time, imbes na maglaba, bumabawi ka ng tulog.
4. Yung madaling araw, gumigising ka ng sobrang aga makaligo lang.
5. Mas madalas na walang ligo kasi nananakawan ng tubig sa timba. Inipon mo at inigib pero iba ang gagamit.
6. Yung reverse meal kayo na ulam itlog na nilaga at tuyo o minsan hotdog tapos pinuno mo canteen bottle mo. (Mamimili ka maliligo ka ng di oras o maeempatso ka)
7. Yung kahit umuulan, nagmamartsa kayo sa field at kung kelan malapit na maperfect dun pa may magkakamali.
8. Yung time na lagi kayong huling kakain kasi lagi kayo may UI o sick call na kasama minsan may nawawala pa.
9. Yung mga time na nagmamaro ka? lalo pag army dozen tapos nasa likod ka at walang bantay.
10. Yung ilang beses kang nauntog sa bakal ng beddings, dahil may biglang sumigaw na talupad?
11. Yung nalate ka na nga sa formation, nadapa ka pa?
12. Yung tipong masyadong malaki yung issue ng BDA at COMBAT na napunta sayo? Nagmuka ka tuloy camouflage na turon.
13. Yung nakakatulog ka sa classroom instruction? Kaya kinukurot mo sarili mo minsan o sinasampal para di ka mahuli.
14. Yung nalublob ka sa tubig dahil nahuli kang natutulog sa klase?
15. Yung nagwawala ka dahil nanakawan ka? Imbes maawa sayo lalo kayo minalas lahat at napunish.
16. Yung road run na akala mo di mo matatapos.
17. Yung time na sinayaw ka ng crush mo sa ROTC Ball.
18. Yung pinag happy happy kayo bago ma one two one two.
19. Yung pagkainis mo sa kabuddy mo na bida bida kaya lagi kayong nadadamay.
Naaalala mo ba yung mga kabuddy mo?
yung nakasama mo sa mga pangyayaring yun?
yung kinaiinisan mo?
yung minahal mo?
yung plinastik mo ?
Sana kahit manatili silang ala-ala, huwag mong kalimutan na naging bahagi sila ng makulay na mundo mo.
SHOUT OUT SA 103RD CDC, CLASS TAGASUPIL 2015 AT SINAG-DIWA 2016 1ST Manaoag Rcdg