Regional Legal Office 1-Philippine National Police

Regional Legal Office 1-Philippine National Police Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Regional Legal Office 1-Philippine National Police, Government Organization, Camp BGen Oscar M Florendo, Parian, City of San Fernando, La Union, San Fernando.

21/04/2025

PNP NAGLUNSAD NG DALAWANG BAGONG KOMITE KONTRA KIDNAPPING AT PEKENG BALITA

Sa layuning mapatatag ang kapayapaan at katotohanan sa bansa, opisyal na binuo ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang bagong committees: ang Joint Anti-Kidnapping Action Committee (JAKAC) at ang Joint Anti-Fake News Action Committee (JAFNAC).

Pangungunahan ni PLTGEN Edgar Alan Okubo, Deputy Chief PNP for Investigation (TDCI), ang JAKAC, na tututok sa pagtukoy, pagsugpo, at pag-neutralize ng mga organisadong kidnap-for-hire na operasyon sa bansa. Samantala, si PLTGEN Robert Rodriguez, Deputy Chief PNP for Operations (TDCO), ang mamumuno sa JAFNAC na layong labanan ang lumalalang problema ng maling impormasyon at disimpormasyon sa publiko.

“Hindi lamang ito mga bagong komite. Ito ay mga konkretong hakbang upang tugunan ang mga modernong banta. Mula sa mga kidnap-for-hire syndicates hanggang sa mga fake news campaigns—kumikilos ang PNP para protektahan ang mamamayan. Ito ang aming ambag sa Bagong Pilipinas—siguruhing mananaig ang batas at katotohanan,” ani PNP Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil.

Naitatag ang JAKAC kasunod ng matagumpay na paglutas sa kaso ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at sa kanyang driver na si Armanie Pabillo—isang krimeng planado at pinaniniwalaang pinangunahan ng Chinese national na si David Tan Liao.

Pinuri ni Gen. Marbil ang Special Investigation Task Group (SITG) sa pangunguna ni PLTGEN Okubo dahil sa mabilis na koordinasyon at epektibong pagtugon. Tatlong suspek na ang nasa kustodiya ng PNP habang hinahabol pa ang dalawa. Tiniyak ng PNP na patuloy nilang wawasakin ang mga sindikatong sangkot sa kidnap-for-hire.

Bukod sa mga kasong kidnapping, isa ring malaking hamon sa kaayusan ang paglaganap ng fake news. Nitong mga nakaraang linggo, kumalat ang mga ulat sa social media ukol sa diumano’y pagdukot sa ilang kilalang negosyante—na agad pinabulaanan ng PNP bilang walang basehan.

Bilang tugon, binuo ang JAFNAC sa pamumuno ni PLTGEN Rodriguez. Layunin nitong palakasin ang koordinasyon at estratehiya upang sugpuin ang fake news sa lahat ng platform.

“Hindi biro ang fake news—ito ay maaaring magdulot ng takot, kaguluhan, at maling paniniwala. Sa ilalim ng Bagong Pilipinas, hindi natin papayagan ang kasinungalingan. Lalabanan natin ito,” ayon kay Gen. Marbil.

Ayon sa lider ng pambansang pulisya, ang pagbuo ng mga bagong komiteng ito ay tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maghatid ng makabago at makataong pamamahala. Naniniwala ang PNP na ang ligtas, mapagkakatiwalaan, at mulat na mamamayan ang susi sa isang maunlad na bansa.


21/04/2025

CPNP MARBIL: NAGING PAYAPA SA KABUUAN ANG PAGGUNITA NG SEMANA SANTA 2025 SA BUONG BANSA

Iniulat ng Philippine National Police (PNP) ang naging mapayapang pagunita ng Semana Santa 2025 sa buong bansa. Walang naitalang malalaking insidente na nakasira sa tahimik at makabuluhang paggunita ng Mahal na Araw. Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagtutulungan ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas, mga lokal na pamahalaan, at higit sa lahat, ng mamamayang Pilipino, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang ligtas at maayos na pagdiriwang ng Mahal na Araw.

Mula Abril 13 hanggang alas-6 ng umaga ng Abril 21, 2025, nakapagtala ang PNP ng kabuuang isang daan at dalawampu (120) na insidente sa buong bansa. Kabilang dito ang animnapu't apat (64) na kaso ng pagkalunod, labinlimang (15) insidente ng sunog, at labing-apat (14) na aksidente sa kalsada. Naitala rin ng mga awtoridad ang tatlong (3) kaso ng acts of lasciviousness, dalawang (2) kaso ng alarm and scandal, isang (1) kaso ng pagnanakaw (theft), at isang (1) kaso ng robbery. Bukod pa rito, may dalawampu (20) na insidente na napabilang sa ibang mga kategorya.

Sa kanyang mensahe sa Monday Flag Raising Ceremony, lubos na pinasalamatan ni PNP Chief Police General Rommel Francisco D. Marbil ang lahat ng pulis na nanatiling naka-duty noong Semana Santa. Binati niya ang kanilang dedikasyon sa pagbabantay sa mga transport terminals, pangunahing kalsada, simbahan, at mga tourist spots upang masiguro ang kaligtasan at kaginhawahan ng mga mamamayang nagbakasyon.

“Habang nagpapahinga ang buong sambayanan, kayo ay patuloy na nagbantay. Dahil sa inyong dedikasyon at presensya, naging mapayapa at ligtas ang buong pagdiriwang ng Semana Santa. Ito ay patunay ng inyong katapatan, propesyonalismo, at malasakit sa inyong tungkulin,” ani General Marbil.

Bukod dito, pinuri rin ni General Marbil ang Special Investigation Task Group (SITG) sa mabilis at matagumpay na paglutas sa isang high profile case ng kidnapping at pagpatay. Tatlong suspek na ang naaresto at kasalukuyang nasa pangangalaga ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG). Ayon sa kanya, “Hindi kayo nagpahinga—araw at gabi kayong nagtrabaho upang matiyak na walang kasong maiiwan at ang hustisya ay ating makakamtan.”

Binigyang-diin din ni General Marbil ang kahalagahan ng pagiging alerto ng buong PNP habang papalapit ang National and Local Elections sa 2025. Aniya, dapat manatiling neutral ang kapulisan at paigtingin ang mga operasyon upang mapigilan ang anumang banta na maaaring sumira sa demokratikong proseso ng bansa.

“Napakahalaga ng panahong ito para sa ating organisasyon. Kailangan nating tiyakin sa publiko na ang kanilang kapulisan ay handa at may kakayahan upang pangalagaan ang integridad ng halalan,” pahayag ni Marbil.

Iginiit niya na hindi papayagan ng PNP ang anumang uri ng karahasan, pananakot, o tangkang sirain ang boses ng taumbayan. Aniya, “Patuloy tayong magiging patas, propesyonal, at mapagmatyag sa mga susunod na araw.”

Pinasalamatan rin niya ang publiko sa kanilang disiplina at pakikiisa ngayong Semana Santa, at binigyang-diin na ang kapayapaan at kaayusan ay mas madaling makakamit kapag nagtutulungan ang pulisya at komunidad.

Nanatiling nakatuon ang PNP sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa pamamagitan ng maagap na pagpapatrolya, pakikipag-ugnayan sa komunidad, at tuloy-tuloy na mga hakbang para sa kaligtasan ng publiko sa lahat ng mahahalagang pambansang okasyon.


21/04/2025

MESSAGE OF THE CPNP DURING THE MONDAY FLAG RAISING CEREMONY

APRIL 21, 2025



21/04/2025
21/04/2025

Gospel: Matthew 28: 8-15
Reflection: Called to be Prophet
April 21, 2025

Address

Camp BGen Oscar M Florendo, Parian, City Of San Fernando, La Union
San Fernando

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5am
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Regional Legal Office 1-Philippine National Police posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share