Brgy Dallangayan Oeste

Brgy Dallangayan Oeste GOD BLESS DALLANGAYAN OESTE

September 3, 2026Isinagawa ang Training Seminar and Refresher Course para sa ating mga Barangay BPAT (Barangay Peacekeep...
05/09/2026

September 3, 2026

Isinagawa ang Training Seminar and Refresher Course para sa ating mga Barangay BPAT (Barangay Peacekeeping Action Team) bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kanilang kaalaman at kakayahan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa ating barangay.

Tinalakay rin ang mahahalagang kaalaman hinggil sa Anti-Illegal Drugs Campaign sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP).

Maraming salamat sa ating mga Barangay Tanod at BPAT sa kanilang dedikasyon at walang-sawang paglilingkod para sa komunidad. 💙

SITE INSPECTION | PROPOSED SLOPE PROTECTION / FLOOD CONTROL PROJECTIsinagawa ang site inspection kasama si City Engineer...
04/09/2026

SITE INSPECTION | PROPOSED SLOPE PROTECTION / FLOOD CONTROL PROJECT

Isinagawa ang site inspection kasama si City Engineering Head Engineer Acosta at City Engineering Staffs para sa proposed Slope Protection/Flood Control Project sa Dallangayan Oeste , bilang bahagi ng ating paghahanda para sa mga proyektong isusulong sa Year 2027.

Layunin ng proyekto na mapalakas ang proteksyon sa lugar laban sa pagbaha, at higit na mapangalagaan ang kaligtasan ng ating mga residente.

Patuloy ang ating pakikipag-ugnayan sa City Engineering Office upang maisulong ang mga proyektong tunay na makatutulong sa ating barangay.

🍚 10 Kilos na Bigas para sa 263 Benepisyaryo ng Ating Barangay! 🇵🇭🤝Matagumpay nating naisagawa ang pamamahagi ng 10 kilo...
02/09/2026

🍚 10 Kilos na Bigas para sa 263 Benepisyaryo ng Ating Barangay! 🇵🇭🤝

Matagumpay nating naisagawa ang pamamahagi ng 10 kilos na bigas sa bawat isa sa ating 263 beneficiaries, mula sa iba’t ibang sektor ng ating barangay:

❤️ PWD
❤️ Solo Parents
❤️ Tricycle Drivers, Jeepney Drivers & Riders
❤️ Farmers
❤️ Senior Citizens
❤️ Indigent

Ang programang ito ay hatid ng National Government bilang suporta at tulong para sa ating mga kabarangay.

Taos-puso ang ating pasasalamat sa National Government at kay President. Bongbong Marcos sa patuloy na pagbibigay ng ayuda at suporta sa ating komunidad. Maraming salamat din sa lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang pamamahagi.🇵🇭💙

Dallangayan Oeste — Walang Imposible, Basta’t Nagkakaisa!

Maligayang Kaarawan, Kagawad Raymond Espinueva! 🎂Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, ...
31/08/2026

Maligayang Kaarawan, Kagawad Raymond Espinueva! 🎂

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, at lakas sa inyong paglilingkod sa ating barangay. Maraming salamat sa inyong dedikasyon at tapat na serbisyo.

31/08/2026

DEADLINE EXTENDED!

Good news, Kabataan! 💙

The deadline for the submission of requirements for the Educational Assistance Program has been EXTENDED until September 2, 2026.

Make sure to complete and submit your requirements on or before the new deadline.

Don’t miss this opportunity!
Para sa edukasyon, para sa kabataan! 🎓✨


Magandang araw po sating lahat! May Announcement po dahil may natanggap po tayong tulong na 10 kilos Rice Assistance Fro...
31/08/2026

Magandang araw po sating lahat! May Announcement po dahil may natanggap po tayong tulong na 10 kilos Rice Assistance From National Government. Ang ating brgy ay makakatangap ng 263 sacks of rice 10kls each. Mabibigyan po ang ating mga vulnerable sectors tulad ng

• PWD’s
• FARMERS
•SENIOR CITIZENS
• TRYC DRIVERS, Jeepney Drivers, Riders
•Indigent
• Solo parent

Attached po sa baba ang mga listahan ng names ng mga mabibigyan. Ang list po ay nagmula sa City Hall. Kung meron po tayong mga tanong or concerns po regarding dito ay. Maari po tayong magtanomg sa araw ng distribution bukas or weds sa mga empleyado ng City Hall dahil sila po ang mag released dito sa barangay natin.

Sa ngayon po ay standby muna tayo for announcement bukas po ay kukunin namin ang mga bigas at mag update po ulit kami kung kailan ang distribution. sa purok tres covered court po tayo ang venue.

REQUIREMENTS:
Magdala po ng mga valid ids at iprint. Kung may ibang kukuha ay gumawa ng authorization letter at ID din ng kukuha. Maraming salamat po.

Yan po ang total ng 263 beneficiaries. Posted lang po para aware po tayong lahat sa mga ganitong activities sa brgy. Kung may concern po ay feel free to message your kagawad and BHW per sector. I assist po nila kayo thankyou

Taos-pusong pasasalamat sa Thunderbird Foundation at kay Liga ng mga Brgy President Sir Ram Ortega sa kanilang kabutihan...
31/08/2026

Taos-pusong pasasalamat sa Thunderbird Foundation at kay Liga ng mga Brgy President Sir Ram Ortega sa kanilang kabutihan at malasakit sa ating mga Barangay WorkForce.

Maraming salamat po sa inyong ipinagkaloob na relief goods para sa ating mga Barangay Officials, Brgy. Tanods, Barangay Health Workers, Brgy Garbage Collectors. Na syang patuloy na naglilingkod para sa ating brgy. Malaking tulong po ito at lubos naming pinahahalagahan ang inyong suporta. ❤️🙏

Congratulations po maam! 👏🙏
30/08/2026

Congratulations po maam! 👏🙏

🌟WELCOME TO ILOCANOS ELEMENTARY SCHOOL!🌟

We warmly welcome our new School Counselor Associate, Mrs. Kristilyn L. Tadifa!💚💙
May your presence inspire, guide, and make a meaningful difference in the lives of our learners. Together, let us continue guiding minds, inspiring hearts, and building brighter futures.💛
Welcome to the IES Family!🤝✨

PROVINCIAL LIGA CONGRESS 2026 LA UNION CHAPTER  🇵🇭Taos-pusong pakikiisa ng ating mga Barangay Officials KAP Jurick Minon...
28/08/2026

PROVINCIAL LIGA CONGRESS 2026 LA UNION CHAPTER 🇵🇭

Taos-pusong pakikiisa ng ating mga Barangay Officials KAP Jurick Minong, SBM Francis Hufalar, SBM Raymond Espinueva, SBM Edwin Rivera sa Provincial Liga Congress sa SMX Convention Center Clark. Isang mahalagang pagkakataon upang matuto, makapagbahagi ng karanasan, at makakuha ng mga bagong kaalaman para higit pang mapabuti ang serbisyo sa ating mga kabarangay.

Address

Dallangayan Oeste
San Fernando
2500

Telephone

+639278954439

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy Dallangayan Oeste posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Brgy Dallangayan Oeste:

Shortcuts

Share