27/06/2026
TAOS-PUSONG PASASALAMAT
Sa ngalan ng Pamahalaang Barangay ng San Agustin, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng Ms. Teen Gay San Agustin 2026 na ginanap noong Hunyo 26, 2026 sa San Agustin Poro Covered Court.
Una sa lahat, lubos po ang aming pasasalamat sa ating mga hurado na naglaan ng kanilang oras, kaalaman, at patas na paghusga upang maging matagumpay ang patimpalak.
Maraming salamat din sa ating mga sponsors at donors na walang sawang sumuporta at nagbigay ng tulong upang maisakatuparan ang programang ito. Ang inyong kabutihang-loob ay malaking bahagi ng tagumpay ng ating pagdiriwang.
Lubos din naming pinasasalamatan si Punong Barangay Gerry B. Galvez, SBM Janice F. Jarquio (Gender and Development Focal Person),ang buong Sangguniang Barangay, mga opisyal ng SK, mga komite, mga boluntaryo, at lahat ng mga taong naglaan ng kanilang panahon at pagsisikap upang maging maayos at matagumpay ang ating programa.
Sa ating mga panauhin, bisita, mga pamilya, tagasuporta, at mga residente ng Barangay San Agustin, maraming salamat po sa inyong pagdalo at patuloy na pagsuporta sa ating mga gawain.
Higit sa lahat, binabati namin ang lahat ng mga kalahok sa Ms. Teen Gay San Agustin 2026. Kayo ay naging inspirasyon sa pagpapakita ng tiwala sa sarili, talento, kagandahan, at tapang. Nawa'y patuloy ninyong maging inspirasyon ang iba sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay, paggalang, at pagtanggap sa bawat isa.
Muli, maraming salamat sa inyong lahat sa pakikiisa at pakikipagtulungan. Ang tagumpay ng Ms. Teen Gay San Agustin 2026 ay tagumpay nating lahat.
MR. AMOR PUMARES JR principal of SAPES for the venue.
Mabuhay ang Barangay San Agustin! Mabuhay ang pagkakaisa, paggalang, at pagmamahalan.