01/09/2026
LIVE NOW: POPBeat: Populasyon ang Puso ng Pag-unlad
Episode 24, Season 2 | World Contraception Day 2026!
Ngayong Martes, muli tayong magsama-sama sa isang makabuluhang usapan at talakayan sa paggunita ng ating selebrasyon ng World Contraception Day ngayong buwan ng Setyembre.
Makakasama natin live si Dr. Corazon M. Raymundo, President ng The Forum for Family Planning and Development, upang magbigay ng saloobin tungkol sa mahahalagang papel na ginagampanan ng mga Civil Society Organizations bilang partner sa kalusugan at kapakanan ng pamilyang pilipino.
Tara na’t makinig, matuto, at makiisa sa pagtataguyod ng pantay na karapatan at pag-unlad para sa lahat! Tutok na sa Radio Magasin 1278 kHz at The Capital FM 104.3.