08/10/2026
๐๐๐ซ๐ ๐๐ซ๐๐๐๐ก๐จ, ๐? ๐๐๐ ๐ ๐๐จ๐ ๐
๐๐ข๐ซ ๐ง๐๐ ๐ก๐๐ญ๐ข๐ ๐ง๐ ๐,๐๐๐ ๐ญ๐ซ๐๐๐๐ก๐จ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ฆ๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ง
Nagbakasakali lang sanang makahanap ng trabaho si Marjo Antonio, 23, ng San Fernando. Sa pagpunta niya sa โTara Trabaho, G?โ Mega Job Fair, nauwi ang kanyang paghahanap sa isang oportunidad matapos siyang ma-hire on the spot.
โSalamat po sa ganitong oportunidad sa aming mga Kapampangan. Makatutulong na ako sa pamilya ko,โ ani Antonio.
Kabilang si Antonio sa libo-libong job seekers na dumagsa sa job fair ngayong Oktubre 8 sa Bren Z. Guiao Convention Center, na nag-alok ng 3,143 job vacancies, kabilang ang 2,163 local at 980 overseas positions.
May mga oportunidad para sa Japan, United Kingdom, Saudi Arabia, United States, Nigeria, Qatar, New Zealand, Australia, Guam at Taiwan.
Pinangunahan ang aktibidad ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region III, sa pakikipagtulungan ng Office of Senate President Sherwin โWinโ Gatchalian, bilang bahagi ng pagtutulungan upang mailapit ang disente at makabuluhang trabaho sa mga Pilipino.
Kabilang sa mga dumalo at sumuporta sa programa sina DOLE Region III Regional Director Atty. Sarah Buena S. Mirasol, DMW Region III Regional Director Atty. Marion Sevilla, Assistant Regional Director Alex Cruz, Pampanga 1st District Board Members Cherry Manalo at Christian Halili at Pampanga PESO Manager Luningning Vergara.
Katuwang din ang ibaโt ibang government agencies at service partners na naghatid ng one-stop government services para sa mga job seeker.
Co-organized ang aktibidad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga, sa pamumuno nina Governor Lilia โNanayโ Pineda at Vice Governor Dennis โDeltaโ Pineda, kasama ang mga katuwang na ahensya at stakeholders.
๐ธMatt De Lara, Ivanne Manarang, Gerald Gloton/ Pampanga PIO