21/07/2019
Mag-ingat sa mobile/social media apps (pampabata, pampatanda, kelan mamatay, kamukhang artista, at iba pa na nakakaaliw na apps), ginagamit na pain ng mga hacker ang mga apps para nakawin ang personal na impormasyon ng mga inosenteng netizens upang higupin o kunin ang laman ng kanilang banko, simutin ang laman ng debit card o gamitin nila ito sa pagnanakaw o panloloko (Identity Theft). Magtataka na lang ang biktimang netizen bakit ubos na pera nya sa banko, malaki na utang sa credit card o kaya ay inirereklamo na sa paglabag ng RA 10175 (Anti-Cybercrime Law).
Kung nabiktima ka, lumapit agad sa himpilan ng PNP at agad agad ding tawagan o puntahan ang inyong Banko upang ipakansel ang cards. May mga PNP Anti-Cybercrime Units sa bawat rehiyon na matatagpuan sa mga PNP Regional Offices upang mag imbestiga sa mga paglabag sa Cybercrime at Financial Fraud Laws.
Think before you click, be cybersmart and cybersafe always!