DOH Central Luzon

DOH Central Luzon This is the official page of the DOH Central Luzon Center for Health Development Corazon I.

The Department of Health (DOH) Central Luzon is the principal health agency in Region III. It is responsible for ensuring access to basic public health services to all Filipinos in Central Luzon through the provision of quality health care and regulation of providers of health goods and services. THIS PAGE IS NOT FOR CONSULTATION AND RESEARCH.

** For complaints against health professionals, pleas

e communicate with the Professional Regulations Commission.

** For concerns regarding health facilities in Central Luzon, please address your letter to our Regional Director Ms. Flores, MD, MPH, CESO IV.

** This page will direct comments/concerns to appropriate agencies.

DOH: WALANG SUGAT PERO LUMUSONG SA BAHA? MAGPAKONSULTA PA RIN KONTRA SA LEPTOSPIROSIS!Detalye sa comment section:
06/09/2026

DOH: WALANG SUGAT PERO LUMUSONG SA BAHA? MAGPAKONSULTA PA RIN KONTRA SA LEPTOSPIROSIS!

Detalye sa comment section:




Pangalagaan ang Kalusugan sa Panahon ng Tag-ulan: Iwasan ang Leptospirosis!Paalala ng Department of Health: Kapag lumuso...
05/09/2026

Pangalagaan ang Kalusugan sa Panahon ng Tag-ulan: Iwasan ang Leptospirosis!

Paalala ng Department of Health: Kapag lumusong sa baha, agad maghugas gamit ang malinis na sabon at tubig, at agad magpakonsulta sa pinakamalapit na health center para sa tamang pag-inom ng prophylaxis laban sa Leptospirosis.

Department of Health (DOH) Secretary, Dr. Edwin Mercado, siniguro ang Kalusugan ng mga nasalanta ng habagat sa Pampanga....
05/09/2026

Department of Health (DOH) Secretary, Dr. Edwin Mercado, siniguro ang Kalusugan ng mga nasalanta ng habagat sa Pampanga.

Ngayong araw, September 5, 2026, Sabado, tumungo ang Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan, Dr. Edwin Mercado, sa Pampanga upang personal na makita ang kalagayan ng mga pasyente sa DOH hospital at evacuation area sa probinsya. Kasama sa pagbisita si DOH Central Luzon Regional Director, Dr. Corazon Flores, Pampanga Governor, Hon. Lilia Pineda, Nanay Partylist Representative, Hon. Florabel Yatco, Municipality of Santo Tomas Mayor, Hon. Johnny Sambo, Bacolor Mayor, Hon. Eduardo “Diman” Datu at Provincial Health Officer of Pampanga, Dr. Dax Tidula.

Unang nagpunta ang Secretary sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital (JBLMGH), DOH hospital sa Pampanga. Sa pangunguna ni Medical Center Chief, Dr. Monserrat S. Chichioco, pinag-usapan ang mga kasalukuyang aksyon, medical equipments, gamot, at makabagong pasilidad na ginagamit at binibigay upang matugunan ang mga kaso ng leptospirosis. Naglaan ng leptospirosis fast lane at mga dedicated na hospital beds ang JBLMGH para sa mga kaso ng leptospirosis. Tinalakay din kung paano pa maisusulong na magkaroon ng mas advance na mga equipment ang JBLMGH para sa mga mas malulubhang kaso ng leptospirosis. Nag-ikot din si Sec Mercado sa mga leptospirosis units ng JBLMGH upang kumustahin ang mga pasyente at magbigay ng payo para sa kanilang mas mabilis na paggaling.

Nagtungo rin ang kalihim sa evacuation center sa Bacolor at nagpayo sa mga pamilyang lumikas doon na gawin ang mga hakbang upang makaiwas sa sakit ngayong panahon ng tag-ulan. Sinigurado rin ni Sec Mercado na sapat ang mga gamot at handa ang mga health facilities ng DOH, katuwang ang mga lokal na pamahalaan, upang tugunan ang anomang pangangailangang medikal ng mga nasalanta.

“Kung mayroon po kayo nararamdamang di maganda, agad po kayo lumapit sa ating mga health workers na handang magbigay ng konsultasyon at mga gamot para di lumala ang inyong kondisyon,” -wika ni Sec Mercado.



DOH: ‘WAG MALIGO O MAGLARO SA BAHA, NAKAMAMATAY ANG LEPTOSPIROSISDetalye sa comment section.
05/09/2026

DOH: ‘WAG MALIGO O MAGLARO SA BAHA, NAKAMAMATAY ANG LEPTOSPIROSIS

Detalye sa comment section.



Pangalagaan ang Kalusugan sa Panahon ng Tag-ulan: Siguraduhin na Malinis ang Inuming Tubig!Payo ng Department of Health:...
05/09/2026

Pangalagaan ang Kalusugan sa Panahon ng Tag-ulan: Siguraduhin na Malinis ang Inuming Tubig!

Payo ng Department of Health: Sundin ang tamang pagpapakulo ng tubig at paggamit ng chlorine tablets.

04/09/2026

HEALTH TIPS: KALUSUGAN MO, USAP TAYO! | SEPTEMBER 5, 2026

National Adolescent Immunization Month

Tumutok sa 𝗗𝗢𝗛 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻.
(facebook.com/DOHCentralLuzon).

-



04/09/2026

DOH, TINIYAK ANG SAPAT NA SUPLAY NG DOXYCYCLINE PARA SA PUBLIKO; 3.1 MILYONG RESERBA NG GAMOT, NAKAHANDA

Tinitiyak ng Department of Health (DOH) na nananatiling sapat ang suplay ng doxycycline sa mga public access sites, kabilang ang mga health center, YAKAP clinic, at pampublikong ospital.

Bilang bahagi ng maagap na pagtugon ng ahensya, ipinag-utos ni Health Secretary Edwin Mercado ang maagap na pamamahagi ng doxycycline sa mga komunidad na higit na naapektuhan, para matiyak ang agarang access ng mga nangangailangan.

Bukod dito, may 3.1 milyong stockpile o reserbang doxycycline ang DOH at mga Regional Office bilang agarang pandagdag sa suplay ng public access sites kung kinakailangan. Sa huling tala nitong Setyembre 4, 2026, 1.2 milyon na rito ang matagumpay na naipamahagi bilang karagdagang gamot sa iba't ibang apektadong komunidad.




Pangalagaan ang Kalusugan sa Panahon ng Tag-ulan: Alamin ang mga Dapat Gawin upang Makaiwas sa Panganib ng Pa-agos ng No...
04/09/2026

Pangalagaan ang Kalusugan sa Panahon ng Tag-ulan: Alamin ang mga Dapat Gawin upang Makaiwas sa Panganib ng Pa-agos ng Non-eruption Lahar.

Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng habagat, nagbabala ang DOST-PHIVOLCS sa posibleng pag-agos ng lumang deposito ng abo at putik o non-eruption lahar sa ilang bayan sa Central Luzon.

Upang maprotektahan ang kalusugan ng inyong pamilya mula sa mga banta ng mga maaring maputik na agos, mahigpit na ipinapayo ng DOH Central Luzon ang mga sumusunod:
✅Iwasan ang Direktang Kontak sa Putik at Baha
✅Siguruhing malinis ang Tubig-Inumin
✅Protektahan ang Baga mula sa Alikabok
✅Agad magpakonsulta sa mga Health Centers

Hinihimok ng DOH Central Luzon ang mga residente—partikular na sa mga downstream communities sa iba’t-ibang probinsya sa rehiyon—na manatiling kalmado, mapagmatyag, at handang sumunod sa pre-emptive evacuation measures ng inyong lokal na pamahalaan (LGUs).

Para sa anumang medikal na emergency o pangangailangan, mangyaring makipag-ugnayan agad sa pinakamalapit na health facility sa inyong lugar. Maari din macontact ang 24/7 DOH CLCHD OpCen Hotline sa mga sumusunod na numero: 0919 089 4231 o 0917 808 2944.

Pangalagaan ang Kalusugan sa Panahon ng Tag-ulan: Labanan ang W.I.L.D Diseases, Sundan ang mga Paraan upang Makaiwas sa ...
04/09/2026

Pangalagaan ang Kalusugan sa Panahon ng Tag-ulan: Labanan ang W.I.L.D Diseases, Sundan ang mga Paraan upang Makaiwas sa mga ito!

Waterborne at Food-borne Diseases, Influenza-Like Illness, Leptospirosis, at Dengue (WILD) ang mga madalas na sakit na nakukuha tuwing tag-ulan. Kayang iwasan ang mga ito! Sundan ang mga payo ng Department of Health.


Pangalagaan ang Kalusugan sa Panahon ng Tag-ulan: Alamin ang sintomas ng W.I.L.D diseases at kung paano makakaiwas sa mg...
04/09/2026

Pangalagaan ang Kalusugan sa Panahon ng Tag-ulan: Alamin ang sintomas ng W.I.L.D diseases at kung paano makakaiwas sa mga ito!

Paalala ng Department of Health: Kapag lumusong sa baha o sumama ang pakiramdam ngayong tag-ulan, magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health facility o YAKAP clinic.


Address

Maalaga Street , Diosdado Macapagal Government Center, Brgy. Maimpis, City Of San Fernando, Pampanga
San Fernando
2000

Opening Hours

Monday 7am - 6pm
Tuesday 7am - 6pm
Wednesday 7am - 6pm
Thursday 7am - 6pm

Telephone

+63458613426

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DOH Central Luzon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DOH Central Luzon:

Shortcuts

Share