30/04/2026
DREDGING MACHINE IS BACK!
Naibalik na sa bayan ng Macabebe,Pampanga nitong April 24 ang dredging machine bilang bahagi ng patuloy na hakbang upang mabawasan ang matinding pagbaha sa lugar.
Siniguro umano ni Fourth District Rep. Anna York Bondoc-Sagum na maibalik agad ang nasabing heavy equipment matapos itong hiramin ng DPWH nitong nakaraang linggo upang makatulong sa nangyaring sunog sa Navotas landfill.
Nangako naman ang DPWH na ilulunsad sa Martes, Abril 28, ang โOplan Kontra Bahaโ sa Macabebe at Masantol. Kasabay nito, tiniyak din ng ahensya ang paglalaan ng pondo para sa diesel na gagamitin sa dredging operations.
Layunin dredging operations na linisin at palalimin ang mga daluyan ng tubig gaya ng ilog at estero upang mapabuti ang agos ng tubig, lalo na sa panahon ng tag-ulan at bagyo.
Inaasahang makatutulong ito upang mapabilis na mapalabas ng tubig mula sa mga komunidad at maiwasan ang matagal na pagbaha na nagdudulot ng pinsala sa kabuhayan at kaligtasan ng mga residente.
Sa kasalukuyan, ipinatutupad ang dredging sa ilalim ng administrasyon ng lokal na pamahalaan, habang ang gobyerno ay nagbibigay ng suporta sa pamamagitan ng fuel subsidy.
Samantala, iminungkahi ni Rep. Anna York Bondoc-Sagum na bumili na ang pamahalaan ng mga bagong dredger, dahil ang kasalukuyang kagamitan ay mula pa umano noong 1991 sa ilalim ng Pampanga Delta Project.
via Jenna Lumbang Parungao
๐ธ Rep. Anna York Bondoc-Sagum