KALAHI-CIDSS PCRP - San Fernando, Romblon

Directions

KALAHI-CIDSS PCRP - San Fernando, Romblon Please be advised that this is NOT the official page of KALAHI-CIDSS MIMAROPA or DSWD MIMAROPA.

This is an independent initiative intended only for up-to-date activities of KALAHI-CIDSS in San Fernando and other community-sharing purposes.

19/09/2026
๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐ˆ๐†๐“๐ˆ๐๐† ๐๐† ๐Š๐€๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐ ๐€๐“ ๐๐€๐๐€๐๐€๐†๐”๐“๐€๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐‹๐ˆ๐†๐“๐€๐’, ๐‘๐„๐’๐๐Ž๐๐’๐€๐๐‹๐„, ๐€๐“ ๐’๐”๐’๐“๐„๐๐€๐๐‹๐„๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐”๐๐‹๐€๐ƒ! ๐Ÿฆบ๐Ÿ—๏ธMula Agosto 24โ€“28...
03/09/2026

๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐ˆ๐†๐“๐ˆ๐๐† ๐๐† ๐Š๐€๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐ ๐€๐“ ๐๐€๐๐€๐๐€๐†๐”๐“๐€๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐‹๐ˆ๐†๐“๐€๐’, ๐‘๐„๐’๐๐Ž๐๐’๐€๐๐‹๐„, ๐€๐“ ๐’๐”๐’๐“๐„๐๐€๐๐‹๐„๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐๐€๐”๐๐‹๐€๐ƒ! ๐Ÿฆบ๐Ÿ—๏ธ

Mula Agosto 24โ€“28, 2026, matagumpay na dumalo si ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฟ. ๐—๐—ฒ๐—บ๐˜‚๐—ฒ๐—น ๐—ฆ๐˜๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป ๐— . ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ผ, ACT Technical Facilitator ng San Fernando, Romblon sa Environmental and Social Safeguard Rollout Training for ACT โ€“ Construction Occupational Safety and Health (COSH) na isinagawa sa OSH Center, Quezon City, Metro Manila, Philippines.

Ang limang-araw na pagsasanay ay naging mahalagang pagkakataon upang higit na mapalalim ang kaalaman, kasanayan, at kamalayan hinggil sa wastong pagpapatupad ng Environmental and Social Safeguards (ESS) at Construction Occupational Safety and Health (COSH), partikular sa mga gawaing may kaugnayan sa konstruksyon at pagpapatupad ng mga community-based projects.

Sa pamamagitan ng serye ng mga talakayan, aktibidad, pagbabahagi ng karanasan, at praktikal na aplikasyon, nabigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ligtas na lugar ng trabaho, maayos na pamamahala sa mga posibleng panganib, pangangalaga sa kapaligiran, at pagtiyak na ang bawat proyekto ay naipatutupad nang may kaligtasan, pananagutan, inclusivity, at paggalang sa kapakanan ng mga manggagawa at komunidad.

Ang bawat konstruksyon ay hindi lamang tungkol sa pagtatayo ng imprastraktura. Higit sa isang pisikal na istruktura, ito ay tungkol sa paglikha ng isang proyektong ligtas, dekalidad, makakalikasan, at tunay na tumutugon sa pangangailangan ng komunidad. Kaya naman, ang pagsunod sa mga pamantayan ng kaligtasan at environmental and social safeguards ay mahalagang bahagi ng pagkamit ng isang proyektong may pangmatagalang pakinabang at positibong epekto.

Patuloy na matuto. Patuloy na magbahagi. Patuloy na maglingkodโ€”sapagkat ang tunay na development ay yaong ligtas, inklusibo, makakalikasan, at para sa kapakanan ng lahat.





Prepared by: Engr. Jemuel Steven M. Mago - ACT TF
Reviewed by: AC Amor M. Ibabao - ACT PDO III

๐Š๐Š๐Š ๐๐จ. 8 | ๐€๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐‘๐ž๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐ž๐ง๐œ๐ž ๐ˆ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐œ๐ž๐ฌ๐ฌ (๐‚๐‘๐ˆ๐) ๐ง๐  ๐๐‚๐‘๐?Ang CRIP ang gabay sa pagpapatupad ng Phi...
05/08/2026

๐Š๐Š๐Š ๐๐จ. 8 | ๐€๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐‘๐ž๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐ž๐ง๐œ๐ž ๐ˆ๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐œ๐ž๐ฌ๐ฌ (๐‚๐‘๐ˆ๐) ๐ง๐  ๐๐‚๐‘๐?

Ang CRIP ang gabay sa pagpapatupad ng Philippine Community Resilience Project (PCRP). Sa pamamagitan ng apat na yugto nito, sama-samang nagpaplano, nagpapatupad, at nagsusuri ang komunidad, Lokal na Pamahalaan, at DSWD upang makabuo ng mga proyektong nagpapalakas ng katatagan ng komunidad.

Alamin ang bawat hakbang sa ating Kaalaman at Karunungan sa KALAHI-CIDSS (K*K) series.

TINGNAN!!ACT at MCT ng San Fernando, Nakiisa sa Arbor Day at Coastal Clean-Up DriveBilang pagpapakita ng malasakit sa ka...
18/07/2026

TINGNAN!!
ACT at MCT ng San Fernando, Nakiisa sa Arbor Day at Coastal Clean-Up Drive

Bilang pagpapakita ng malasakit sa kalikasan at suporta sa mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan, aktibong nakiisa ang Area Coordinating Team (ACT) at Municipal Coordinating Team (MCT) ng KALAHI-CIDSS Philippine Community Resilience Project (PCRP) kasama ang mga Community Volunteers ng Brgy. Mabulo sa pagdiriwang ng Arbor Day at Coastal Clean-Up Drive sa bayan ng San Fernando, Romblon noong Hulyo 17,2026.
Nagkaisa ang mga kawani, kasama ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan, lokal na opisyal, at mga boluntaryo, sa pagtatanim ng mga puno sa Barangay Mabulo at paglilinis ng baybayin sa Barangay Mabini sa pangunguna ni Hon. Mayor Fernando U Marin.
Layunin ng aktibidad na mapangalagaan ang likas na yaman, mabawasan ang polusyon sa karagatan, at mapalakas ang kamalayan ng komunidad sa pangangalaga sa kapaligiran.
Higit pa sa simpleng pakikilahok, ipinakita ng ACT at MCT ang kanilang patuloy na pagsusulong ng community resilience sa pamamagitan ng mga gawaing nagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan. Ang malinis na kapaligiran at masaganang mga puno ay mahalagang bahagi ng pagbawas sa panganib ng sakuna at pagbuo ng mas matatag na mga komunidad.
Ang pakikiisang ito ay sumasalamin sa adhikain ng KALAHI-CIDSS PCRP na hindi lamang palakasin ang kakayahan ng mga komunidad sa paghahanda sa sakuna, kundi hikayatin din ang sama-samang pagkilos tungo sa pangangalaga ng kalikasan para sa kapakinabangan ng kasalukuyan at ng mga susunod na henerasyon.




Today, we celebrate the birthday of our exceptional Municipal Data Analyst, a wonderful woman whose dedication and posit...
07/07/2026

Today, we celebrate the birthday of our exceptional Municipal Data Analyst, a wonderful woman whose dedication and positivity continue to inspire everyone around her. Your hard work behind the numbers helps turn data into meaningful actions that benefit our communities.

May this special day bring you endless joy, good health, and countless blessings. May the year ahead be filled with new opportunities, personal growth, and beautiful moments with the people you cherish most.

Wishing you a birthday as amazing, kind, and remarkable as you are. Keep shining and making a difference. Happy Birthday, ๐Œ๐ฌ. ๐‰๐ž๐ฌ๐ฌ๐ž๐œ๐š! โœจ๐Ÿ’

From: KALAHI-CIDSS PCRP San Fernando Family

๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐Š๐€๐‹๐€๐‡๐ˆ-๐‚๐ˆ๐ƒ๐’๐’ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ซ๐จ๐Ÿ๐ข๐ฅ๐ž ๐•๐š๐ฅ๐ข๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง | ๐‡๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ ๐Ÿโ€“๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”.โœจMatagumpay na naisagawa ang ๐™†๐˜ผ...
07/07/2026

๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐Š๐€๐‹๐€๐‡๐ˆ-๐‚๐ˆ๐ƒ๐’๐’ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ซ๐จ๐Ÿ๐ข๐ฅ๐ž ๐•๐š๐ฅ๐ข๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง | ๐‡๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ ๐Ÿโ€“๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”.โœจ

Matagumpay na naisagawa ang ๐™†๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™ƒ๐™„-๐˜พ๐™„๐˜ฟ๐™Ž๐™Ž ๐™‹๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™š ๐˜พ๐™ค๐™ข๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™๐™š๐™จ๐™ž๐™ก๐™ž๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š ๐™‹๐™ง๐™ค๐™Ÿ๐™š๐™˜๐™ฉ (๐™‹๐˜พ๐™๐™‹) Community Profile Validation noong Hulyo 2โ€“4, 2026 sa labing-dalawang (12) barangay sa bayan ng San Fernando, bilang mahalagang bahagi ng proseso ng ๐™‹๐™–๐™ง๐™ฉ๐™ž๐™˜๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ง๐™ฎ ๐™๐™ž๐™จ๐™  ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™‘๐™ช๐™ก๐™ฃ๐™š๐™ง๐™–๐™—๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐˜ผ๐™จ๐™จ๐™š๐™จ๐™จ๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ (๐™‹๐™๐™‘๐˜ผ) na naglalayong mangalap at mapagtibay ang mga datos na magsisilbing pundasyon sa pagbuo ng mga programang tunay na tumutugon sa pangangailangan ng bawat komunidad.

Sa loob ng tatlong araw, sa pangunguna ng mga ACT Community Facilitators na sina Mr. Aljon Jeremiah Fabonan at Ms. Eurose Mortel, kasama ang mga MCT Community Facilitators na sina Mr. Ernesto Vicente, Mr. Ronnel Rosita, Mr. Dindo Suicon at Mr. Erwin Vicente, nagkaisa ang iba't ibang sektor ng pamayananโ€”mga opisyal ng barangay, mga kinatawan ng komunidad, at iba pang mga stakeholderโ€”upang masusing suriin, beripikahin, at pagtibayin ang mga impormasyong nakalap mula sa isinagawang community profiling. Sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng bawat isa, mas naging tumpak, napapanahon, at kapani-paniwala ang mga datos na magsisilbing gabay sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga proyektong nakatuon sa pagpapabuti ng kabuhayan, imprastraktura, at katatagan ng mga komunidad.

Ang matagumpay na Community Profile Validation ay sumasalamin sa diwa ng pagkakaisa, pakikilahok, at sama-samang pananagutan ng komunidad sa paghubog ng mas maunlad at mas matatag na kinabukasan. Ipinakita rin nito ang kahalagahan ng bukas na konsultasyon at kooperasyon sa pagtiyak na ang bawat proyekto ay nakabatay sa tunay na kalagayan, pangangailangan, at adhikain ng mamamayan.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga kalahok, barangay officials, PRVA volunteers, at iba pang katuwang na naglaan ng kanilang oras, kaalaman, at dedikasyon upang maging matagumpay ang gawaing ito. Ang inyong pakikiisa ay patunay na ang tunay na pag-unlad ay nakakamit sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at aktibong pakikilahok ng bawat miyembro ng komunidad.

Patuloy nating isulong ang isang matatag, inklusibo, at resilient na komunidad sa pamamagitan ng KALAHI-CIDSS PCRP, kung saan ang bawat boses ay mahalaga at ang bawat datos ay nagsisilbing daan tungo sa makabuluhan at napapanatiling kaunlaran.





Prepared by: Engr. Jemuel Steven M. Mago - TF
Reviewed by: AC Amor M. Ibabao - PDO III

"Balancing budgets, meeting deadlines, and making excellence look effortless. Today, the only deficit we approve of is t...
03/07/2026

"Balancing budgets, meeting deadlines, and making excellence look effortless. Today, the only deficit we approve of is the shortage of cake after the celebration."

Happy Birthday to our brilliant and amazing ACT Municipal Financial Analyst, ๐Œ๐ฌ. ๐„๐๐ž๐ฅ๐ฒ๐ง ๐•. ๐ˆ๐ ๐ง๐š๐œ๐ข๐จ!โœจ๐Ÿ’

Wishing you a wonderful birthday and a year ahead filled with joy, peace, and unforgettable moments.

From: KALAHI-CIDSS PCRP San Fernando Family

๐‹๐Ÿ‘€๐Š | ๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฆ๐›๐ฅ๐ฒ ๐’๐ฎ๐œ๐œ๐ž๐ฌ๐ฌ๐Ÿ๐ฎ๐ฅ๐ฅ๐ฒ ๐‚๐จ๐ง๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ž๐ ๐ข๐ง ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐๐จ๐›๐ฅ๐š๐œ๐ข๐จ๐ง, ๐’๐š๐ง ๐…๐ž๐ซ๐ง๐š๐ง๐๐จ, ๐‘๐จ๐ฆ๐›๐ฅ๐จ๐ง.The First Barangay Assem...
02/07/2026

๐‹๐Ÿ‘€๐Š | ๐Ÿ๐ฌ๐ญ ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฆ๐›๐ฅ๐ฒ ๐’๐ฎ๐œ๐œ๐ž๐ฌ๐ฌ๐Ÿ๐ฎ๐ฅ๐ฅ๐ฒ ๐‚๐จ๐ง๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ž๐ ๐ข๐ง ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ ๐๐จ๐›๐ฅ๐š๐œ๐ข๐จ๐ง, ๐’๐š๐ง ๐…๐ž๐ซ๐ง๐š๐ง๐๐จ, ๐‘๐จ๐ฆ๐›๐ฅ๐จ๐ง.

The First Barangay Assembly for the ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ฅ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜ (๐—ฃ๐—–๐—ฅ๐—ฃ) โ€“ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ผ๐˜€ was successfully conducted last June 21, 2026, at the Municipal Plaza of San Fernando.

The assembly served as an avenue to introduce the PCRP, its objectives, and its participatory processes that empower communities to identify risks, vulnerabilities, and priority resilience investments. Community members from various sectorsโ€”including women, farmers, fisherfolks, youths, senior citizens, and Persons with Disabilities (PWDs)โ€”actively participated in the discussions and expressed their strong support for the program, demonstrating their commitment to building safer, stronger, and more resilient communities.

To further strengthen community participation and ownership of the program, Community Volunteers were organized. The group is composed of representatives from each sitio, various community sectors, and key stakeholders from the Barangay Local Government Unit (BLGU), People's Organizations (POs), and Civil Society Organizations (CSOs).
The Community Volunteers, in partnership with the BLGU, will serve as the primary community-based body responsible for facilitating and supporting the implementation of PCRP activities and processes at the barangay level. Through their active involvement, the program promotes an inclusive, participatory, and community-driven approach to resilience planning and development.

The activity was successfully facilitated by the ๐˜ผ๐™ง๐™š๐™– ๐˜พ๐™ค๐™ค๐™ง๐™™๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™๐™š๐™–๐™ข (๐˜ผ๐˜พ๐™), led by ๐˜พ๐™ค๐™ข๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™๐™–๐™˜๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ง ๐™€๐™ช๐™ง๐™ค๐™จ๐™š ๐™ˆ. ๐™ˆ๐™ค๐™ง๐™ฉ๐™š๐™ก, with the support of ๐˜ผ๐™ง๐™š๐™– ๐˜พ๐™ค๐™ค๐™ง๐™™๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ง ๐˜ผ๐™ข๐™ค๐™ง ๐™ˆ. ๐™„๐™—๐™–๐™—๐™–๐™ค, ๐™๐™š๐™˜๐™๐™ฃ๐™ž๐™˜๐™–๐™ก ๐™๐™–๐™˜๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ง ๐™€๐™ฃ๐™œ๐™ง. ๐™…๐™š๐™ข๐™ช๐™š๐™ก ๐™Ž๐™ฉ๐™š๐™ซ๐™š๐™ฃ ๐™ˆ. ๐™ˆ๐™–๐™œ๐™ค, and the rest of the Area/Municipal Coordinating Team.

The community's warm acceptance of the Philippine Community Resilience Project (PCRP) and its implementation approach was clearly reflected in the participants' active engagement, enthusiastic participation, and overwhelming support throughout the assembly. This commitment was further strengthened through the approval of the Barangay Resolution of Acceptance and the Barangay Resolution recognizing and organizing the Community Volunteers, demonstrating the barangay's strong commitment to the successful implementation of the program.

We extend our heartfelt gratitude to all barangay officials, community volunteers, stakeholders, and residents whose invaluable participation, cooperation, and support made this important undertaking a success. Your dedication and collective efforts are vital in advancing a more resilient, inclusive, and empowered community.

Together, we continue to build stronger, safer, and more resilient communitiesโ€”one meaningful step at a time toward a sustainable future for all.





Prepared by: CF Eurose M. Mortel - PDO II
Edited by: Engr. Jemuel Steven M. Mago - TF
Reviewed by: AC Amor M. Ibabao - PDO III

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐Œ๐€๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜ ๐๐€ ๐๐€๐ˆ๐’๐€๐†๐€๐–๐€ ๐€๐๐† ๐”๐๐€๐๐† ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐€๐’๐’๐„๐Œ๐๐‹๐˜ ๐’๐€ ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐๐ˆ๐‹๐ˆ ๐€๐“ ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐‚๐€๐Œ๐๐€๐‹๐ˆ๐๐†๐ŽโœจBilang bahagi ng p...
30/06/2026

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐ | ๐Œ๐€๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜ ๐๐€ ๐๐€๐ˆ๐’๐€๐†๐€๐–๐€ ๐€๐๐† ๐”๐๐€๐๐† ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐€๐’๐’๐„๐Œ๐๐‹๐˜ ๐’๐€ ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐๐ˆ๐‹๐ˆ ๐€๐“ ๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜ ๐‚๐€๐Œ๐๐€๐‹๐ˆ๐๐†๐Žโœจ

Bilang bahagi ng pagpapatupad ng ๐™‹๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™š ๐˜พ๐™ค๐™ข๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™๐™š๐™จ๐™ž๐™ก๐™ž๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š ๐™‹๐™ง๐™ค๐™Ÿ๐™š๐™˜๐™ฉ (๐™‹๐˜พ๐™๐™‹): ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™–๐™๐™ค๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™†๐™„๐™‡๐™Š๐™Ž, matagumpay na naisagawa ang Unang Barangay Assembly sa Barangay Pili at Barangay Campalingo na dinaluhan ng mga opisyal ng barangay, mga kinatawan ng ibaโ€™t ibang sektor, mga community volunteers, at mga mamamayan ng komunidad.

Ang gawaing ito ay pinangunahan ng kanilang mga Punong Barangay at mga opisyales sa tulong at gabay nina ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜ ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ ๐—œ๐—œ ๐—”๐—น๐—ท๐—ผ๐—ป ๐—๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐—บ๐—ถ๐—ฎ๐—ต ๐—™๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—ป at ๐— ๐—–๐—ง-๐—–๐—™ ๐—ฆ๐—ถ๐—ฟ ๐—˜๐—ฟ๐˜„๐—ถ๐—ป ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ, bilang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng pakikilahok ng mamamayan sa proseso ng pagpaplano at pagdedesisyon para sa mga programang magtataguyod ng katatagan at kaunlaran ng kanilang barangay. Sa nasabing pagtitipon, tinalakay at ipinakilala ang Philippine Community Resilience Project (PCRP): Panahon ng PAGKILOS, kabilang ang konteksto, layunin, gabay na prinsipyo, mga bahagi ng proyekto, at ang mahalagang papel ng komunidad sa pagtukoy ng mga angkop na tugon sa mga hamon at panganib na kinakaharap ng kanilang lugar. Tinalakay din ang patungkol sa mga Subproject Categories, Eligible Subprojects, Negative list, at Non-eligible Livelihood sa pangunguna ng ๐—ง๐—ฒ๐—ฐ๐—ต๐—ป๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ na si ๐—˜๐—ป๐—ด๐—ฟ. ๐—๐—ฒ๐—บ๐˜‚๐—ฒ๐—น ๐—ฆ๐˜๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ป ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ผ.

Naipresenta rin ang mga naging resulta ng isinagawang Municipal Orientation at naipaliwanag ang kabuuang proseso ng pagpapatupad ng proyekto. Binigyang-diin sa talakayan ang kahalagahan ng pagkakaisa, transparency, inclusivity, at aktibong partisipasyon ng bawat mamamayan upang matiyak na ang mga programang maisasagawa ay tunay na tumutugon sa pangangailangan ng komunidad.

Sa pamamagitan ng bukas na talakayan at pagpapalitan ng mga pananaw, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na maunawaan ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad bilang katuwang sa pagpapatupad ng proyekto. Naging daan din ang pagpupulong upang higit na mapalakas ang kamalayan ng komunidad hinggil sa kahalagahan ng paghahanda, pag-angkop, at sama-samang pagkilos sa harap ng ibaโ€™t ibang panganib at sakuna.

Ang matagumpay na pagsasagawa ng Unang Barangay Assembly ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng pamahalaang barangay, lokal na pamahalaan, DSWD KALAHI-CIDSS, at ng buong komunidad sa pagsusulong ng isang ligtas, matatag, at maunlad na kinabukasan para sa lahat.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa, pakikilahok, at sama-samang pagkilos, patuloy nating itinataguyod ang isang komunidad na handa, matatag, at may kakayahang harapin ang anumang hamon ng panahon.





Prepared by: CF Aljon Jeremiah Fabonan - PDO II
Edited by: Engr. Jemuel Steven M. Mago - TF
Reviewed by: AC Amor M. Ibabao - PDO III

29/06/2026

Day 3 Successfully Concluded! ๐ŸŽ‰

Another productive day of learning, collaboration, and shared commitment has been successfully completed last June 26, 2026.



Address

Poblacion, Romblon
San Fernando
5513

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KALAHI-CIDSS PCRP - San Fernando, Romblon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share