02/07/2026
Habang unti-unti nating ibinababa ang mga rainbow flags, habang humuhupa ang sakit ng katawan mula sa Rainbow Games, habang tinatanggal na natin ang ADHIKA profile photos, at habang dahan-dahang kumukupas ang makulay na hangover ng Daloy ng Bahaghariโฆ sana hindi kumupas ang apoy sa ating mga puso. ๐
Hindi lang ito pagtatapos ng isang buwan ng selebrasyon. Ito ay pag-uwi sa mas malalim na dahilan kung bakit tayo nagsimula.
Ang pagdiriwang ng Pride Month ay dahil mayroon tayong mga kwento na matagal nang gustong marinig. May mga pusong matagal nang gustong tanggapin. May mga taong matagal nang ipinaglalaban ang karapatang mabuhay nang may dignidad, may respeto, at may pagmamahal.
Bakit natin isinusulong ang isang Makulay na San Francisco? Dahil naniniwala tayo na mas nagiging matatag ang isang komunidad kapag may puwang para sa lahat โ anuman ang pagkatao, identity, o pinanggalingang kwento. Ang tunay na inklusibong San Francisco ay hindi lang para sa iilan; ito ay para sa bawat isa sa atin.
Ngayon araw na aalisin natin ang mga profile picture, ibababa ang mga bandila, at tatahimik ang mga tugtugin ng Pride Month. Sana, hindi dito matatapos ang ating paninindigan.
Dahil ang Pride ay hindi lang nasa isang buwan. Nasa araw-araw itong pagpili na magmahal nang walang takot, tumanggap nang walang paghusga, at tumindig para sa kapwa.
Kaya habang isinasara natin ang Pride Month, dalhin natin ang diwa nito sa bawat araw na darating. Patuloy tayong maging boses ng pag-asa. Patuloy tayong maging kakampi ng pagkakapantay-pantay. Patuloy tayong magtayo ng komunidad na may puwang para sa lahat.
Tapos na ang selebrasyon, pero hindi tapos ang laban. Ang advocacy ay nagpapatuloy, PATULOY ANG ADHIKA: sa ating mga salita, sa ating mga gawa, at sa ating mga puso.
Sama-sama nating panatilihing MATINGKAD ang KULAY NG BAHAGHARI AT PATULOY NA MAGING LAKAS NG PAGKAKAISA ANG PAGKAKAIBA-IBA.
Maraming salamat. Mahal naman ang lahat!