21/08/2026
๐โค๏ธ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐-๐๐๐? ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐, ๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) ay isang kampanya para sa dagdag proteksyon ng mga batang 6โ59 months old laban sa Measles (tigdas) at Rubella (German measles).
Pero bakit kailangan pa ng dagdag na bakuna kung nabakunahan na ang bata?
๐ ๐ฟ๐๐๐๐ก ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐๐ช๐จ๐ฉ๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐๐ฎ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐ ๐๐ง๐ค๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ค๐ช๐ฉ๐๐ง๐๐๐ ๐๐๐๐ค ๐ฉ๐๐ฎ๐ค ๐ ๐ช๐ข๐๐ก๐ค๐จ. ๐ผ๐ฃ๐ ๐๐-๐๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ฉ๐ช๐ข๐ช๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐๐จ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐ง๐ค๐ฉ๐๐ ๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐ฉ๐ ๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐๐ช๐ค๐ฃ๐ ๐ ๐ค๐ข๐ช๐ฃ๐๐๐๐.
๐ฆ ๐๐ก๐ข ๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ฆ?
Ang Measles o tigdas ay hindi simpleng lagnat at pantal lamang. Napakadali nitong makahawaโkapag may taong may measles, maaaring mahawa ang maraming taong walang immunity na malapit sa kanya.
Maaaring magkaroon ng:
๐ค Mataas na lagnat
๐คง Ubo at sipon
๐ P**a at matubig na mata
๐ด Pantal sa katawan
At sa ilang bata, maaari itong mauwi sa pneumonia, matinding diarrhea at dehydration, impeksiyon sa tainga, pagkabulag, pamamaga ng utak (encephalitis), at maaari ring ikamatay. Mas mataas ang panganib ng complications sa mga batang wala pang 5 taon.
๐ธ ๐๐ก๐ข ๐ก๐๐ ๐๐ก ๐๐ก๐ ๐ฅ๐จ๐๐๐๐๐?
Ang Rubella ay maaaring mild lamang sa mga bata, kaya minsan ay hindi ito gaanong kinatatakutan.
Pero may mas malaking dahilan kung bakit kailangan natin itong pigilan.
Kapag ang isang buntis ay nahawa ng Rubella, lalo na sa unang bahagi ng pagbubuntis, maaaring magkaroon ng miscarriage, fetal death, o congenital rubella syndrome (CRS) ang kanyang baby.
Ang batang may CRS ay maaaring magkaroon ng problema sa pandinig, paningin, puso at development.
Kaya kapag pinoprotektahan natin ang ating mga anak laban sa Rubella, nakakatulong din tayong protektahan ang mga magiging sanggol at buntis sa ating komunidad. โค๏ธ
โ ๐๐ก๐ข ๐๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐ ๐๐ก๐๐ฌ๐๐ฅ๐ ๐๐จ๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐ ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐จ๐ก๐?
Hindi ibig sabihin na siguradong magkakasakit ang isang batang hindi nabakunahan. Pero mananatili siyang mas vulnerable kapag na-expose sa Measles o Rubella.
At kapag may batang hindi protektado, maaari siyang:
โก๏ธ Mahawa kapag may infected person
โก๏ธ Magkaroon ng complications
โก๏ธ Mahawa ang ibang bata na hindi pa maaaring mabakunahan o may medical conditions
โก๏ธ Maging bahagi ng pagkalat ng sakit sa pamilya at komunidad
Hindi natin kailangang hintayin na mangyari ito bago kumilos.
๐ ๐๐จ๐ก๐ ๐ ๐๐ฌ ๐๐๐๐จ๐ก๐, ๐๐๐๐๐ง ๐๐๐ก๐๐ ๐ก๐๐ง๐๐ก ๐ฆ๐๐ ๐๐ก๐ง๐๐๐๐๐๐ก?
Ang bakuna ay tinuturuan ang immune system na makilala at labanan ang virus nang hindi kailangang pagdaanan ng bata ang mismong sakit at mga komplikasyon nito. Ang Measles-Rubella vaccine ay ginagamit bilang isang ligtas at epektibong paraan ng prevention.
Maaaring magkaroon ng pananakit o pamumula sa injection site, bahagyang lagnat, o mild rash pagkatapos ng bakuna. Ang seryosong adverse reactions ay napakabihira.
๐จโ๐ฉโ๐งโ๐ฆ Mga Nanay, Tatay, Lolo, Lola, at Guardians:
Kung ang inyong anak ay 6โ59 months old, samantalahin ang MR-SIA. Lumapit sa inyong BHW, Midwife, o Municipal Health Office para malaman ang schedule at vaccination site.
โค๏ธ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐๐๐ ๐ช๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ฃ๐๐ ๐๐๐๐๐ก ๐ฉ๐๐ ๐ค๐ฉ ๐ฉ๐๐ฎ๐ค ๐จ๐ ๐จ๐๐ ๐๐ฉ. ๐๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐๐๐ ๐ช๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐จ๐๐ก๐ ๐๐๐๐๐ก ๐ข๐๐๐๐ก ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐จ๐๐ก๐ ๐๐ฉ ๐๐ช๐จ๐ฉ๐ค ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐จ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐ง๐ค๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐ฃ ๐๐๐๐ค ๐ฅ๐ ๐๐ช๐ข๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ ๐๐ฉ.
๐๐๐๐จ๐ก๐ ๐ก๐๐๐ฌ๐ข๐ก. ๐ฃ๐ฅ๐ข๐ง๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก ๐ก๐๐๐ฌ๐ข๐ก.
๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐ง๐๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐ก๐๐, ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐ง๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐๐๐ฌ๐, ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐ง๐๐ก๐ ๐๐ข๐ ๐จ๐ก๐๐๐๐. ๐