30/03/2025
Seguro Naman ay nagising na
Seguro Naman ay naranasan na
Ng bawat Isa Ang pinagkaiba
Kapag Ang ating boto ay binayaran nila
Hindi ba kau nagtataka
Mga proyektong galing pa sa mga nauna
Ano Naman ba Ang bagong nagawa
Kundi Ang magpa-cute sa social Media
Gising kabayan , gising!
Piliin Ang tatangkilikin
Huwag Ang halos makibeso-beso Ang piliin
Ang Puso at isipan natin Ang pairalin
Madaling magkunwari sa social Media
Yaong kunwari nagmamalasakit at makamasa
Ngunit kung Ang katutuhanan ay dadaing ka
PalusotDOTcom kahit halos magmakaawa ka na
Hindi lang nakikita o Ramdam natin
Ano na nga ba Ang nagawa sa Buhay natin
Sila ba ay totoong naglingkod sa ating bayan?
O sumasahod lang ng perang galing sa buwis ng bayan
Huwag magpalinlang sa pagbabakat-kayo
Pupuntahan Kang karamay kapag mayroong lalamayan sa Inyo
Dahil batid nilang mahuhuli Ang puso ninyo
Kapag sa Oras na Ikaw ay namatay Saka lang magaastang nakikidalamhati
Batobato sa langit Ang tamaan ay huwag Magalit
Itanong nawa nila sa sarili kung Sila nga ba ay karapat-dapat
May kakayahan ba silang maging tapat
Sa ating bayan na naghihikahos at salat
Iboto natin Ang kandedato
Na subok na lalo sa pagkatao
Yaong inuuna Ang KALUSUGAN ng MAMAMAYAN
At Hindi yaong makikita mo lang sa LAMAYAN
゚
abdullaharoldDOTcom