29/07/2026
COORDINATION MEETING ON THE PROPOSED SANGGUNIANG BAYAN ORDINANCE FOR THE ADOPTION OF THE PALENGQR PH PROGRAM
Sa ilalim ng pangangasiwa ni Municipal Administrator/Market Supervisor Roberto Valdizno, nagsagawa ang Public Market Staff ng Coordination Meeting para sa panukalang Sangguniang Bayan Resolution ukol sa pag-aadopt ng PalengQR PH Program sa Bayan ng San Ildefonso.
Dumalo sa pagpupulong sina Ms. Evelyn Agudo, Municipal Treasurer; Konsehala Andrea Duran, Chairperson on Local Economic Enterprise; Mr. Alvin Cruz, Business Permit and Licensing Officer; at Mr. John Crist Dizon, Acting Division Chief, CPD, DTI Bulacan Provincial Office.
Layunin ng pagpupulong na palakasin ang koordinasyon ng mga kinauukulang tanggapan para sa pagpapatupad ng PalengQR PH Program at isulong ang ligtas, mabilis, at maginhawang digital na pagbabayad sa ating pampublikong pamilihan.
Sama-sama nating isinusulong ang isang mas moderno, ligtas, at cashless na pampublikong pamilihan.
: "Magtiwala ka sa Panginoon nang buong puso mo, at huwag kang manalig sa sarili mong kaunawaan. Kilalanin mo Siya sa lahat ng iyong mga lakad, at itutuwid Niya ang iyong mga landas." — Kawikaan 3:5–6