13/08/2026
Alam Mo Ba na Maaaring Magparehistro ng Higit sa Isang Business Name para sa Magkakaibang Negosyo?
Kung ikaw ay nagpapatakbo o nagpaplanong magpatakbo ng iba't ibang uri ng negosyo, maaaring kailanganin ang hiwalay na Business Name (BN) Registration para sa bawat natatanging negosyo.
✔️ Isang Business Name, Isang Negosyo
Ang bawat rehistradong business name ay nakatali sa isang partikular na linya ng negosyo o business activity.
✔️ Magkakaibang Negosyo, Magkakaibang Registration
Kung ang inyong mga negosyo ay may magkaibang pangalan at magkaibang line of business, kinakailangan ng hiwalay na BN Registration para sa bawat business name.
✔️ Siguraduhing Tama ang Impormasyon
Sa pagpaparehistro, tiyaking tama at naaayon ang business activity o line of business na ilalagay upang maiwasan ang anumang abala sa inyong negosyo.
💡 Tandaan:
Ang Business Name Registration ay nagbibigay lamang ng karapatang gamitin ang rehistradong business name sa napiling territorial scope. Maaaring kailanganin pa rin ang iba pang permits, licenses, at registrations depende sa uri ng negosyong inyong isasagawa.
Ang tamang pagpaparehistro ay mahalagang hakbang tungo sa maayos at legal na operasyon ng inyong mga negosyo.
Start your negosyo journey today —
Register online with BNRS at bnrs.dti.gov.ph