03/08/2021
Ipapatupad na simula sa August 6, 2021 hanggang August 20, 2021, ang paghihigpit sa mga Border Control ng Nueva Ecija ayon sa Inter-Agency Task Force Nueva Ecija, upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19 lalo na ang Delta Variant.
Ang mga sumusunod na dokumento ay kailangang ipakita sa mga border checkpoint (kabilang dito ang mga residente ng Nueva Ecija)
upang payagang makapasok sa lalawigan:
1. Negatibong resulta ng antigen, saliva, at RT-PCR Test (valid lamang sa loob ng 72 oras) bago pumasok ng Lalawigan.
2. IATF issued APOR (Authorized Persons Outside of Residence) I.D/Pass
3. IATF Issued Border Pass
4. COVID-19 Vaccination Card na may nakasaad na fully vaccinated na ang taong may dala nito.
*Kung hindi pa fully vaccinated, kailangan pa rin na magdala ng valid negative result ng antigen, saliva, at RT-PCR test.