05/07/2026
โ
LOOK | KK ASSEMBLY & PROJECT YOUTHCARE KITS
Isang matagumpay at makabuluhang araw para sa kabataang Rizal West!โจ
Matagumpay na naisagawa ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Rizal West, katuwang ang Katipunan ng Kabataan ang 2026 KK Assembly na naging pagkakataon upang magkaisa, makinig, at magbahagi ng mga programa at adhikain para sa ating kabataan.
Kasabay nito, matagumpay ring naipamahagi ang Project YouthCare Kits, na naglalaman ng boarding essentials at hygiene kits para sa ating mga High School at College students bilang munting suporta sa kanilang paglalakbay sa edukasyon.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng kabataang dumalo at nakiisa sa ating programa. Higit sa lahat, taos-puso rin kaming nagpapasalamat kay Barangay Captain Gabina Beltran at sa buong Sangguniang Barangay ng Rizal West sa kanilang walang sawang suporta, paggabay, at pagtitiwala sa mga programang inilaan para sa kapakanan ng ating kabataan. Ang inyong suporta ang nagsisilbing inspirasyon upang patuloy kaming makapaglingkod nang may dedikasyon at malasakit.
Maraming salamat din sa lahat ng tumulong sa paghahanda at pagsasakatuparan ng programang ito. Ang tagumpay ng araw na ito ay bunga ng sama-samang pagtutulungan at pagkakaisa ng buong komunidad.
Para sa kabataan, kasama ang kabataan.๐โจ