Municipal Agriculture Office-LGU San Isidro Nueva ecija

Municipal Agriculture Office-LGU San Isidro Nueva ecija Follow us on our Page for updates on our latest activities and programs.

03/09/2026
Setyembre 2, 2026Malugod po nating ginugunita ang Ika-130 Anibersaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija dito sa makasaysayan...
02/09/2026

Setyembre 2, 2026

Malugod po nating ginugunita ang Ika-130 Anibersaryo ng Unang Sigaw ng Nueva Ecija dito sa makasaysayang Bayan ng San Isidro.

Ating alalahanin at bigyang-pugay ang katapangan, pagmamahal sa bayan, at sakripisyo ng ating mga ninuno na naging bahagi ng ating kasaysayan at pakikibaka para sa kalayaan.

Nawa’y patuloy nating pahalagahan ang ating kasaysayan at ipasa sa mga susunod na henerasyon ang diwa ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at paglilingkod sa kapwa.

🌱🌾

Agosto 28, 2026Maligayang Kaarawan at Happy Retirement po SI Rodel S. De Guzman🌾Buong puso po nating ipinapaabot ang ami...
29/08/2026

Agosto 28, 2026

Maligayang Kaarawan at Happy Retirement po SI Rodel S. De Guzman🌾

Buong puso po nating ipinapaabot ang aming taos-pusong pagkilala at pasasalamat kay SI Rodel S. De Guzman sa kanyang mahalagang serbisyo at walang sawang pagtulong sa sektor ng agrikultura.

Sa kanyang panahon ng paglilingkod, ipinakita niya ang dedikasyon, malasakit, at pagiging tapat sa tungkulin. Ang kanyang mga pagsisikap ay naging bahagi ng pagsusulong ng kapakanan ng ating mga magsasaka at Accredited Seed Growers.

Maraming salamat po SI Rodel De Guzman, sa inyong panahon, sipag, sakripisyo, at malasakit. Nawa’y magsilbing inspirasyon sa iba ang inyong halimbawa ng tapat at makabuluhang paglilingkod.

Taos-pusong pagkilala at pasasalamat po sa inyo.🌾

🌾

25/08/2026
Agosto 25, 2026Magandang buhay Ka-Agri🌾Ang Pamahalaang Bayan ng San Isidro Nueva Ecija sa pangunguna ng ating Punong Bay...
25/08/2026

Agosto 25, 2026

Magandang buhay Ka-Agri🌾

Ang Pamahalaang Bayan ng San Isidro Nueva Ecija sa pangunguna ng ating Punong Bayan Mayor Cesario D**g Lopez Jr katuwang ang Pambayang Pananakahan ay magalang na nag -aanyaya sa lahat ng rehistradong magsasaka ng ating bayan na kumuha ng LIBRENG PATABA bilang tulong at suporta sa ating mga magsasaka para sa WET CROPPING SEASON 2026🌾

Maraming salamat po Department of Agriculture - Regional Field Office III sa input support/assistance bilang bahagi ng patuloy na programa makatulong sa pagpapababa ng gastusin sa produksyon at mapataas ang ani.🌾

Para sa karagdagang impormasyon at paglilinaw, mangyaring makipag-ugnayan po sa naka assign na teknisyan o sa opisina.

Maraming salamat po🌾

Vice Mayor Robinson Francisco
SBM Committee Chair on Agriculture
Councilor Juanito Bandy Dela Cruz

🌾

August 19-20, 2026       🌾 🌾
19/08/2026

August 19-20, 2026


🌾

🌾

Agosto 19, 2026Magandang buhay po Ka-Agri🌾Isang malaking karangalan at pasasalamat po ang biyayang natanggap ng Nueva Ec...
19/08/2026

Agosto 19, 2026

Magandang buhay po Ka-Agri🌾

Isang malaking karangalan at pasasalamat po ang biyayang natanggap ng Nueva Ecijanos Mango Stakeholders Association, Inc., sa pangunguna ng ating Chairperson Joselito Francisco at ng buong samahan, Ito ang four-wheel tractor with trailer na malaking tulong sa ating mga magmamangga.

Ang makinang ito ay mula po sa pondo ng Department of Agriculture – High Value Crops Development Program (DA-HVCDP), sa tulong at suporta ng Provincial Government of Nueva Ecija, sa pangunguna ni Governor Aurelio “Oyie” Umali, at ng LGU San Isidro, sa pangunguna ni Mayor Cesario I. Lopez,Jr.

Maraming-maraming salamat po sa lahat ng naging katuwang, sa inyong pakikiisa, suporta, at kooperasyon. Ang pagkakaloob ng kagamitang ito ay malaking hakbang tungo sa mas episyente at mas produktibong pagsasaka at pagpapaunlad ng industriya ng mangga.

Mabuhay ang ating mga magmamangga! Sama-sama para sa mas masaganang ani at mas maunlad na kabuhayan! 🌱🥭🚜


Mayor Cesario D**g Lopez Jr
Vice Mayor Robinson Francisco
SBM Councilor Juanito Bandy Dela Cruz

🌾🌱🥭

09/08/2026
Agosto 9-10, 2026Paalala po mga Ka-Agri🌾Dahil sa patuloy na epekto ng Habagat, nakararanas ng pag-ulan ang ilang lugar n...
09/08/2026

Agosto 9-10, 2026

Paalala po mga Ka-Agri🌾

Dahil sa patuloy na epekto ng Habagat, nakararanas ng pag-ulan ang ilang lugar na maaaring magdulot ng pagbaha at pagtaas ng tubig sa mga palayan. Ilan sa mga kasalukuyang kuha kahapon (agosto 9) at ngayon (agosto 10).

Pinapayuhan po ang lahat ng magsasaka na maging mapagmatyag at maingat. Regular na tingnan ang kondisyon ng palayan, mga pilapil, kanal at daluyan ng tubig upang maiwasan ang mas malaking pinsala sa pananim.

Kung patuloy ang malakas na ulan, iwasang pumunta sa mga lugar na binabaha o may malakas na agos ng tubig. Unahin po ang kaligtasan ng bawat isa at makinig sa mga abiso mula sa lokal na pamahalaan at mga kinauukulang ahensya.

Pinapayuhang mag-ingat po ang lahat🌾

🌾

Address

Poblacion
San Isidro
3106

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Telephone

+639056074090

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Agriculture Office-LGU San Isidro Nueva ecija posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Agriculture Office-LGU San Isidro Nueva ecija:

Shortcuts

Share