20/08/2026
๐ LUBOS NA PASASALAMAT MULA SA BARANGAY RIZAL EAST๐
Taos-puso po ang aming pasasalamat sa ating Butihing Provincial Governor, Hon. Rodito Albano, at sa ating Vice Governor, Hon. Francis Faustino โKikoโ Dy, sa kanilang kabutihang-loob at patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng Assistive Devices para sa ating mga nangangailangan.
Sa pamamagitan ng kanilang tanggapan, nakatanggap ang ating Barangay Brgy. Rizal East, San Isidro, Isabela ng pito (7) na Wheelchair at Apat na (4) Baston, na malaking tulong sa ating mga beneficiaries upang mas mapadali ang kanilang pagkilos at pang-araw-araw na pamumuhay. โฟ๏ธ๐ฆฏ
Ang programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng inisiyatiba at kahilingan ng ating Punong Barangay, Hon. TEXTO V. CRUZ, na patuloy na naghahanap ng mga programa at serbisyong makatutulong sa ating mga kabarangay, lalo na sa mga higit na nangangailangan.
Lubos din ang pasasalamat ng ating mga beneficiaries at kanilang mga pamilya. Sila ay tunay na natuwa at nagpapasalamat sapagkat mayroon na silang magagamit na wheelchair at baston na makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Ang inyong tulong ay hindi lamang isang kagamitanโito ay pag-asa, kaginhawaan, at malasakit para sa ating mga kababayan. โค๏ธ
Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at serbisyo para sa mga mamamayan ng ating lalawigan. Nawaโy patuloy pa po kayong maging instrumento ng tulong at biyaya para sa mga nangangailangan.
๐ PAALALA SA MGA KABARANGAY:
Kung mayroon po kayong pangangailangan para sa wheelchair, baston, saklay o iba pang Assistive Device, mangyaring magtungo lamang sa Barangay RIZAL East at magpalista sa Barangay Office. Ang inyong pangalan at pangangailangan ay aming itatala upang maisama sa mga susunod na kahilingan na ating ihahain sa tanggapan ng ating Provincial Governor Hon. Rodito Albano at Vice Governor Hon. Francis Faustino โKikoโ Dy.
Hindi po natin ipinapangakong lahat ay agad na mabibigyan, ngunit sisikapin ng ating Barangay na mailapit at maiparating ang inyong pangangailangan sa kinauukulang tanggapan.
Mula po sa Barangay Rizal Eastโmaraming, maraming salamat po sa inyong malasakit at serbisyo! ๐๐
Serbisyong may malasakit para sa bawat kabarangay! ๐