03/09/2026
SAN JOSE CITY, NUEVA ECIJA, 3 Setyembre 2026 โ
Bilang bahagi ng pakikiisa sa National Simultaneous School Safety Drill ng Department of Education (DepEd), pinangunahan ng Schools Division Office (SDO) ng San Jose City ang isang division-level benchmark safety drill ngayong Huwebes sa San Jose City National High School (SJCNHS) - Senior High School upang patatagin ang kahandaan sa emergency at tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani laban sa mga active threat scenario.
Sa kanyang mensahe sa programa, binigyang-diin ni OIC-Schools Division Superintendent Josie C. Palioc, PhD, CESO VI, na dapat manatiling ligtas na kanlungan ang mga institusyon ng edukasyon.
โThe safety of our learners is, and will always be, the absolute priority of our schools,โ pahayag ni SDS Palioc upang ipaalala ang pangunahing mandato ng departamento.
Taliwas sa karaniwang mga safety drill, hindi direktang pinalahok ang mga mag-aaral at g**o sa aktuwal na simulation upang maiwasan ang anumang trauma. Sa halip, nagsilbing mga aktor ang mga tauhan mula sa Philippine National Police (PNP) na siyang gumanap bilang attacker, mga mag-aaral, at mga g**o. Layunin ng benchmark activity na ito na maobserbahan at masuri ng mga public at private school head at administrator ang tamang response protocol na dapat isagawa sa panahon ng mga drill o sa totoong sitwasyon ng emergency.
Naging aktibong bahagi rin ng aktibidad ang Learner Rights and Protection Office (LRPO) upang i-highlight ang mahigpit na paninindigan ng DepEd sa "Do No Harm" policy. Alinsunod sa direktiba, nananatiling pangunahing konsiderasyon sa mga aktibidad na ito ang kaligtasan, dignidad, at psychosocial well-being ng mga mag-aaral.
Ibinahagi naman ni Division Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Coordinator Francis De Guzman na ang mga pamamaraang ipinakita sa benchmark activity ay unti-unti ring isasagawa sa lahat ng mga paaralan sa dibisyon. Ipinaliwanag niya na ang mga protocol na ito ay maayos na itinatag upang umayon sa mga bagong alituntunin at gabay ng DepEd. Ang aktibidad ay sadyang idinisenyo upang mabigyan ang mga pinuno ng paaralan ng sapat na kaalaman at kasanayan upang ligtas na maiangkop at maipatupad ang mga School Contingency Plan sa kani-kanilang mga komunidad.
Naging posible ang gawaing ito dahil sa matibay na pakikipag-ugnayan ng SDO sa lokal na pamahalaan at iba pang mga ahensya. Nakiisa sa programa ang iba't ibang ahensya tulad ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Bureau of Fire Protection (BFP), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), City Social Welfare and Development Office (CSWDO), at PNP upang magbigay ng kanilang suporta at pananaw.
Matapos ang simulation, sinuri ang naging takbo ng pagsasanay sa pamamagitan ng isang evaluation at open forum upang matukoy ang mga kakulangan sa operasyon at mas mapatibay ang mga nararapat gawin sa mga drill sa mga paaralan at maging sa totoong sitwasyon ng emergency. Naging bahagi ng pagsusuri sina Local Government Operations Officer Ron S. Ubungen, Acting City DRRMO Randy S. Macadangdang, San Jose City Police Station Chief PLTCOL Gerald G. Fernandez, PLTCOL Santi Frey Lorenzo, at City Social Welfare and Development (CSWD) Officer Clenson B. Tibangay.
Nakatuon ang ginawang drill at pagsusuri sa pagpapatunay sa pagiging epektibo ng mga itinatag na pamamaraan para sa lockdown, concealment, evacuation, at emergency communication kapag may banta sa kaligtasan.
- FDG