11/07/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐!
Hindi luho ang tubig. Karapatan ito.
Kaisa ang Akbayan Division CSJDM, Akbayan Youth -CSJDM ng mga San Joseรฑo sa mapayapang panawagan para sa pananagutan at makatarungang serbisyo sa tubig. Ang patuloy na kakulangan sa suplay at hindi maaasahang serbisyo ay hindi simpleng aberyaโito ay usapin ng karapatan, dignidad, at pananagutan.
Sa isinagawang mapayapang pagkilos, nagkaisa ang ibaโt ibang sektor upang ilahad ang tunay na epekto ng krisis sa tubig sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
Ayon sa ๐๐ฆ๐๐ฅ๐ฅ ๐๐ง๐ญ๐ซ๐๐ฉ๐ซ๐๐ง๐๐ฎ๐ซ ๐๐จ๐ซ ๐๐ข๐ฏ๐๐ฅ๐ข๐ก๐จ๐จ๐ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ฌ๐ฌ๐จ๐๐ข๐๐ญ๐ข๐จ๐ง (๐๐๐๐๐), patuloy na nagiging pabigat sa maliliit na negosyo ang hindi maayos na serbisyo ng PrimeWater. Iginiit ng samahan na kailangan ang tunay na pananagutan at pagbabago upang maprotektahan ang kabuhayan ng mga lokal na negosyante.
Mula naman sa ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐จ๐ฅ๐จ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ญ ๐
๐๐๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง at ๐๐๐ซ๐๐ง๐ญ ๐๐๐๐๐๐ซ ๐ง๐ ๐๐ข๐ญ๐ซ๐ฎ๐ฌ, ibinahagi nila na lalo pang nagpapahirap sa kanilang kalagayan ang hindi maaasahang suplay ng tubig. Sa kabila ng patuloy na pagbabayad ng serbisyo, napipilitan pa silang gumastos upang magkaroon lamang ng sapat at malinis na tubig para sa kanilang pamilya.
Mula naman sa hanay ng kabataan at mga estudyante, binigyang-diin nina ๐๐๐ซ๐ข๐๐ง๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐๐ซ๐ฎ๐ณ ng ๐๐๐๐๐๐๐๐-๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐ฎ๐ฌ๐ ng ๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐, ๐๐ก๐๐ง๐ฆ๐๐ซ ๐๐จ๐๐ข๐ฅ๐, ๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ง๐จ๐ซ - ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ซ๐ฆ๐ข๐๐ง๐ญ๐จ ๐๐๐ฆ๐ฉ๐ฎ๐ฌ, at ๐๐๐ซ๐ฒ ๐๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ฌ, ๐๐ข๐๐ ๐๐ก๐๐ข๐ซ๐ฉ๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง - ๐๐ค๐๐๐ฒ๐๐ง ๐๐จ๐ฎ๐ญ๐ก-๐๐๐๐๐, na ang krisis sa tubig ay hindi lamang usapin ng serbisyo kundi usapin ng edukasyon, kinabukasan, at karapatang pantao. Anila, ang bawat oras na ginugugol sa pag-iigib, paghihintay ng suplay, at paghahanap ng malinis na tubig ay oras na nawawala sa pag-aaral, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay ng mamamayang San Joseรฑo. Iisa ang kanilang panawagan: hindi dapat ipagkait ang tubig sa mamamayan. Hinikayat nila ang kapwa kabataan at mga estudyante na maging mulat, organisado, at aktibong makiisa sa sama-samang paniningil ng pananagutan, sapagkat ang pagtatanggol sa karapatan sa tubig ay pagtatanggol din sa kinabukasan ng bawat San Joseรฑo.
Nagbigay rin ng mensahe ng pakikiisa si Ka. ๐๐๐ซ๐ซ๐ฒ ๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ๐, ๐๐ก๐๐ข๐ซ๐ฉ๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง - ๐๐ค๐๐๐ฒ๐๐ง ๐๐๐๐๐ ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง, na nanawagan sa mamamayan na patuloy na magkaisa, mag-organisa, at kumilos hanggang makamit ang tunay na pananagutan at makatarungang serbisyo sa tubig.
Nagpahayag din ng suporta si ๐๐จ๐ง๐ฌ๐๐ก๐๐ฅ ๐๐ญ๐ญ๐ฒ. ๐๐จ๐ง๐๐ฅ๐ฒ๐ง ๐๐จ๐ซ๐๐๐ง, at tiniyak na patuloy siyang makikiisa sa mamamayan nasa loob man o labas ng pamahalaang lokal sa pagsusulong ng makatarungan at dekalidad na serbisyo sa tubig.
Malinaw ang panawagan ng mamamayang San Joseรฑo: gusto natin ng malinaw na pananagutan, transparent na solusyon, at agarang aksyon para sa sapat, ligtas, at dekalidad na serbisyo sa tubig. Hindi na sapat ang mga pangako, panahon na ng konkretong pagbabago.
๐บ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ป๐๐๐๐, ๐ฏ๐๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐๐ ๐ต๐๐๐๐๐๐!
๐บ๐๐๐๐๐๐๐! ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐พ๐๐๐๐!
Hindi rito nagtatapos ang laban. Ang pagkilos na ito ay simula pa lamang ng mas malawak na paniningil ng mamamayan. Hanggaโt walang tunay na pananagutan at maayos na serbisyo sa tubig, mananatiling organisado, mapayapa, at matatag ang ating pagkilos.
๐ธ: Johnfil Crisjim Nunez, Councilor Atty. Ronalyn Pordan, JM Shemess