28/08/2026
Ipinapaalam po sa lahat ng participants na ang TAGISAN NG TALINO 2026, na nakatakda sanang ganapin ngayong August 28, 2026, ay ipinagpapaliban muna dahil sa suspension ng klase sa ating lungsod at masamang panahon dulot ng Habagat.
Ang desisyong ito ay ginawa bilang pag-iingat at para sa kaligtasan at kapakanan ng lahat ng participants, organizers, facilitators, at iba pang taong kabilang sa programa.
Ang bagong petsa ng programa ay iaanunsyo sa susunod na opisyal na announcement. Mangyaring abangan ang mga susunod na updates mula sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Muzon East.
Humihingi po kami ng inyong pang-unawa at pakikiisa sa naging desisyon. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pag-unawa.
Stay safe and dry, everyone!
- Sangguniang Kabataan ng Barangay Muzon East