City Committee on Anti-Trafficking and VAWC - CSJDM

City Committee on Anti-Trafficking and VAWC - CSJDM Dedicated to advocacy, prevention, and protection of women and children.

Official page of the City Committee Against Trafficking and Violence Against Women and Children (CCAT-VAWC) of the City of San Jose del Monte, Bulacan.

Lumahok ang bawat miyembro ng City Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (CCAT-VAW...
06/07/2026

Lumahok ang bawat miyembro ng City Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (CCAT-VAWC) sa limang araw na Seminar on Multi-Disciplinary Team and Basic Internet Crimes Against Children Training (MDT-BICAC) na nagsimula nitong ika-6 ng Hulyo, 2026, sa Savano Hotel, Brgy. San Manuel.

Kabilang ang International Justice Mission (IJM), San Jose del Monte City Police Station, City Prosecutor's Office, Department of Justice, Barangay VAWC Committee, City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at ng buong Lokal na pamahalaan na pinangawatanan ni Chief of Staff Atty. Juan Miguel Perez, patuloy na tinitiyak na ang mga frontliner sa laban kontra Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) sa ating lungsod ay may pinakamataas na antas ng kaalaman at kasanayan upang mapangalagaan ang bawat batang San Joseño.








IN PHOTOSIsinagawa ng Lungsod ng San Jose del Monte ang Joint Meeting ng Local Council for the Protection of Children (L...
29/06/2026

IN PHOTOS

Isinagawa ng Lungsod ng San Jose del Monte ang Joint Meeting ng Local Council for the Protection of Children (LCPC) at ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Their Children (LCAT-VAWC) ngayong ika-26 ng Hunyo, 2026. Nagtipon ang mga kinatawan mula sa iba't ibang opisina at ahensyang bumubuo sa dalawang konseho upang suriin, talakayin, at palakasin ang mga programa at hakbang na naglalayong protektahan ang mga bata, kababaihan, at pamilya sa ating lungsod.

Bilang quarterly na pagtitipon, layunin ng joint meeting na ito na masiguro ang koordinadong pagtugon sa mga isyu at hamon na kinakaharap ng sektor ng kababaihan at kabataan — mula sa pag-update ng mga kaso at programa, hanggang sa pagbalangkas ng mga estratehiya para sa mas epektibong paghahatid ng serbisyo at proteksyon. Ang regular na pagkikita ng LCPC at LCAT-VAWC ay isang patunay na ang usapin ng proteksyon sa bata at pagwawakas ng karahasan laban sa kababaihan ay isang permanenteng priyoridad ng buong Pamahalaang Lungsod.

Nagpapasalamat ang LCAT-VAWC sa lahat ng miyembrong ahensya na aktibong dumalo at nagbahagi ng kanilang kani-kanilang perspektibo at update sa pagpupulong na ito. Taos-pusong pasasalamat din kay Mayor Ate Rida Robes, na patuloy na nagtataguyod ng isang lungsod na ligtas, mapagmahal, at mapagprotekta para sa bawat bata, babae, at pamilyang San Joseño.







Ipinagmamalaki ng City Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (CCAT-VAWC) ang pagka...
22/06/2026

Ipinagmamalaki ng City Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (CCAT-VAWC) ang pagkamit ng Lungsod ng San Jose del Monte ng 94% o Highly-Functional Rating sa LCAT-VAWC Performance Audit ng DILG Central Luzon para sa Fiscal Year 2026.

Makakaasa ang bawat San Joseño na patuloy naming itataguyod ang seryosong laban kontra human trafficking at karahasan laban sa kababaihan at kabataan sa ating lungsod.


IN PHOTOSMatagumpay na nakauwi ang isang biktima ng human trafficking sa pamamagitan ng agarang aksyon ng City Committee...
05/06/2026

IN PHOTOS

Matagumpay na nakauwi ang isang biktima ng human trafficking sa pamamagitan ng agarang aksyon ng City Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Their Children (CCAT-VAWC) ng Lungsod ng San Jose del Monte ngayong ika-5 ng Hunyo, 2026, sa Dumaguete City. Personal na sinamahan ng mga social workers mula sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang biktima sa biyahe pauwi upang matiyak ang kanyang kaligtasan at makasapit sa kanyang pamilya.

Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay naakit sa pamamagitan ng pag-alok ng trabaho ngunit hindi binayaran at napanatili nang laban sa kanyang kalooban sa Brgy. Kaybanban, Lungsod ng San Jose del Monte — isang malinaw na paglabag sa kanyang kalayaan at karapatan bilang tao. Sa pamamagitan ng maayos na diyalogo na pinamagitan ng CCAT-VAWC, nagkasundo ang mga kinauukulan na iuwi ang biktima at bigyan siya ng kaukulang danyos para sa panahong siya ay inalipin — isang hakbang tungo sa hustisya at tunay na pagbabago ng kanyang kalagayan.

Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng lakas ng koordinasyon at pagtutulungan ng lahat ng opisina at ahensya na bumubuo sa CCAT-VAWC ng Lungsod ng San Jose del Monte. Nagpapasalamat ang CCAT-VAWC sa bawat miyembro ng komite na walang pag-aalinlangang kumilos para sa kapakanan ng biktima. Taos-pusong pasasalamat din kay Mayor Ate Rida Robes, na sa ilalim ng kanyang matatag na pamumuno, patuloy na itinataguyod ang laban laban sa human trafficking at lahat ng uri ng karahasan — sapagkat walang San Joseño ang dapat maranasan ang ganitong uri ng pang-aabuso nang walang katarungan.







IN PHOTOSIsinagawa ng Lungsod ng San Jose del Monte ang 1st Quarter 2026 Joint Meeting ng Local Council for the Protecti...
31/03/2026

IN PHOTOS

Isinagawa ng Lungsod ng San Jose del Monte ang 1st Quarter 2026 Joint Meeting ng Local Council for the Protection of Children (LCPC) at ng Violence Against Women and Their Children (VAWC) Council ngayong ika-30 ng Marso, 2026. Nagtipon ang iba't ibang kaugnay na tanggapan at opisyal ng lungsod bilang miyembro ng dalawang konseho upang suriin, talakayin, at palakasin ang mga programa at hakbang na naglalayong protektahan ang mga bata, kababaihan, at pamilya sa ating lungsod.

Bilang isang quarterly na pagtitipon, layunin ng joint meeting na ito na masiguro ang koordinadong pagtugon sa mga isyu at hamon na kinakaharap ng sektor ng kababaihan at kabataan — mula sa pag-update ng mga kaso at programa, hanggang sa pagbalangkas ng mga bagong estratehiya para sa mas epektibong paghahatid ng serbisyo at proteksyon. Ang regular na pagkikita ng dalawang konseho ay isang patunay ng ating Pamahalaang Lungsod na ang usapin ng proteksyon sa bata at pagwawakas ng karahasan laban sa kababaihan ay hindi lamang isang buwanang agenda — kundi isang permanenteng priyoridad.

Taos-pusong pasasalamat kay Mayor Ate Rida Robes, na patuloy na nagtataguyod ng isang lungsod na ligtas, mapagmahal, at mapagprotekta para sa bawat bata, babae, at pamilyang San Joseño.







IN PHOTOSMabilisang umaksyon ang CCAT-VAWC kabilang ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Women and Ch...
02/03/2026

IN PHOTOS

Mabilisang umaksyon ang CCAT-VAWC kabilang ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Women and Children Protection Center (WCPD) at MSWDO Sablayan para sa isang mahalagang rescue operation nitong nakaraang Sabado, February 28, 2026. Matagumpay na nailigtas ang isang 4-month-old na sanggol na hinihinalang biktima ng human trafficking sa ating lungsod. Ang nasabing operasyon ay bunga ng mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng ating lokal na kapulisan at ng mga social workers mula sa Sablayan, Occidental Mindoro, kung saan nagmula ang mga magulang ng bata.

Layunin ng operasyong ito na masigurong ligtas at nasa mabuting kalagayan ang sanggol habang sumasailalim sa kaukulang proseso ng batas ang mga sangkot sa insidente. Mahalaga ang naging papel ng WCPD at CSWDO sa pagbibigay ng agarang intervention at psychosocial support upang maprotektahan ang karapatan ng bata laban sa anumang uri ng pang-aabuso o pagsasamantala. Sa kasalukuyan, nakikipagtulungan ang ating tanggapan sa MSWDO Sablayan para sa ligtas na pag-turnover at muling pagsasama ng mag-anak.

Ang tagumpay na ito ay repleksyon ng seryosong kampanya ng ating Pamahalaang Lungsod laban sa human trafficking at karahasan. Taos-pusong pasasalamat para kay Mayor Ate Rida Robes, sa kanyang walang sawang pagsuporta sa mga programang naglalayong protektahan ang kapakanan ng bawat bata at pamilyang San Joseño.







IN PHOTOSNaging matagumpay ang rescue operation ng isang 12-day-old na sanggol na umano’y balak ibenta ng sariling mga m...
02/02/2026

IN PHOTOS

Naging matagumpay ang rescue operation ng isang 12-day-old na sanggol na umano’y balak ibenta ng sariling mga magulang nitong Pebrero 2, 2026. Ang operasyon ay isinagawa ng Women and Children Protection Center (WCPC) – Camp Crame sa pakikipag-ugnayan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) upang matiyak ang agarang kaligtasan ng bata.

Matapos ang rescue, agad na isinailalim ang sanggol sa wastong proseso at pansamantalang pangangalaga upang masiguro ang kanyang proteksyon, kalusugan, at kapakanan. Isinasagawa rin ang kaukulang legal at social interventions alinsunod sa umiiral na mga batas para sa proteksyon ng mga bata.

Ang mabilis at koordinadong pagtugon na ito ay nagpapakita ng mahigpit na paninindigan ng pamahalaan laban sa anumang uri ng pang-aabuso at pagsasamantala sa mga bata—isang adbokasiyang patuloy na isinusulong sa lungsod kung saan ang kapakanan at karapatan ng kabataan ay nananatiling pangunahing prayoridad ni Mayor Ate Rida Robes.








IN PHOTOSNaging matagumpay ang isinagawang Rescue Operations nitong January 28, 2026 na pinangunahan ng National Bureau ...
30/01/2026

IN PHOTOS

Naging matagumpay ang isinagawang Rescue Operations nitong January 28, 2026 na pinangunahan ng National Bureau of Investigation (NBI) – Cybercrime Division, kung saan 29 na biktima ng Human Trafficking ang nailigtas sa isang operasyon

Sa pakikipag-ugnayan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), naisagawa ang Inquest Proceeding upang matiyak ang maayos at ligtas na turnover ng mga nasabing biktima sa angkop na mga institusyon at shelter, para sa agarang tulong, proteksyon, at rehabilitasyon.

Pinagtibay rin ng mga tanggapan ng CCAT-VAWC (City Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children) ang kanilang aktibong papel sa pagbibigay ng suporta, koordinasyon, at patuloy na adbokasiya laban sa human trafficking at karahasan, katuwang ang Pamahalaang Lungsod sa pangunguna at buong suporta ni Mayor Ate Rida Robes.







Address

New Government Center, Brgy. Dulong Bayan
San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City Committee on Anti-Trafficking and VAWC - CSJDM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share