City of San Jose Del Monte Treasury Office

City of San Jose Del Monte Treasury Office This is the Official page of the City of San Jose Del Monte Treasury Office.

IN PHOTOSBagama't nakatakda pa sa Marso 2026 ang deadline sa pagbabayad ng amilyar, maaga nang nakapila ang mga San Jose...
09/01/2026

IN PHOTOS

Bagama't nakatakda pa sa Marso 2026 ang deadline sa pagbabayad ng amilyar, maaga nang nakapila ang mga San Joseño upang gampanan ang kanilang tungkulin sa pagbabayad ng real property tax.

Ang mataas na bilang ng mga nagbayad sa pagpasok ng unang buwan ng 2026 ay patunay ng pagtaas ng tiwala ng mga mamamayan sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte, lalo na sa maayos at episyenteng paghahatid ng serbisyo publiko ng mga kawani sa pamumuno ni Mayor Florida “Ate Rida” Robes.

Ang amilyar o real property tax ay taunang buwis na ipinapataw sa mga lupa, bahay, gusali, at iba pang real properties sa lungsod. Ang nakokolektang pondo mula rito ay inilaan ng City Government sa pagpapatupad ng mga programang pang-imprastruktura, pang-edukasyon, pangkalusugan, at iba pang serbisyong panlipunan.

Sa patuloy na pagtupad ng mga mamamayan sa kanilang tungkulin bilang nagbabayad ng buwis, mas napapalakas ang kakayahan ng Pamahalaang Lungsod na maghatid ng dekalidad at inklusibong serbisyo publiko para sa Pamilyang San Joseño.

Para sa mga nais magbayad nang advance para sa amilyar sa susunod na taon, maaari kayong makakuha ng 10% discount sa real property tax. Samantala, ang mga on-time at updated na pagbabayad hanggang Marso 2026 ay makatatanggap naman ng 5% discount.

Maaari na rin magbayad online sa pamamagitan ng ePayment methods tulad ng Land Bank, GCash, at Maya. Para sa proseso ng online payment, i-click ang link na ito: https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=497189632840801&id=100076493051908

📍 New Government Center, Barangay Dulong Bayan
📸 Ken Resurreccion

PABATID SA PUBLIKO Ipinababatid ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte na ang oras ng serbisyo ng mga tanggapan sa...
19/12/2025

PABATID SA PUBLIKO

Ipinababatid ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte na ang oras ng serbisyo ng mga tanggapan sa New Government Center ay pansamantalang paiikliin hanggang 4PM ngayong araw, Biyernes, December 19, 2025, upang bigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na makiisa at makisaya sa salu-salo na bahagi ng City Government Employees Appreciation and Thanksgiving Assembly.

Pinapayuhan ang lahat ng kliyente at mamamayan na maagang makipagtransaksyon sa mga tanggapan upang maiwasan ang abala at masiguro ang maayos na serbisyo.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

08/11/2025

📣

Mga anak, SUSPENDIDO ang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan, pati na rin sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Lungsod ng San Jose del Monte sa Lunes, November 10. Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng bawat San Joseño sa panganib na dulot ng Potential Super Typhoon .

Nakaantabay naman ang ating mga frontline services—rescue teams, health personnel, police force, responders at iba pang miyembro ng City Disaster Risk Reduction and Management Council upang magbigay ng agarang responde at tulong sa anumang emergency.

Maging alerto at ligtas, huwag lumabas ng bahay hangga’t maaari, makinig at manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso ng Pamahalaang Lungsod at ng mga kinauukulan.

Mag-ingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseño!

PABATID SA PUBLIKOIpinaaabot ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte na ang mga oras ng serbisyo na nakatakda sa Ne...
05/11/2025

PABATID SA PUBLIKO

Ipinaaabot ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte na ang mga oras ng serbisyo na nakatakda sa New Government Center ay pansamantalang paiikliin mula 8AM hanggang 4PM bukas, Huwebes, November 6, 2025 upang bigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na makapaghanda, makiisa at makisaya sa pagpapailaw ng Giant Christmas Tree sa NGC Grounds.

Pinapayuhan ang lahat ng kliyente at mamamayan na maagang makipagtransaksyon sa mga tanggapan upang maiwasan ang abala at masiguro ang maayos na serbisyo.

Samantala, magbabalik sa normal na operasyon ang City Hall kinabukasan, Biyernes, November 7, 2025.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa sa pagdiriwang ng 🎶 “Himig ng Paskong San Joseño!” 🎶

Address

Poblacion I
San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City of San Jose Del Monte Treasury Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to City of San Jose Del Monte Treasury Office:

Shortcuts

Share