City of San Jose del Monte - Tricycle Regulatory UNIT

City of San Jose del Monte - Tricycle Regulatory UNIT Government

🚦 π—£π—”π—šπ——π—œπ—‘π—œπ—š 𝗔𝗧 π——π—”π—¬π—”π—Ÿπ—’π—šπ—’ 🚦Nagsagawa ng pagdinig ang Tricycle Regulatory Unit (TRU) sa pangunguna ni G. Allan Cruz kasama a...
03/08/2026

🚦 π—£π—”π—šπ——π—œπ—‘π—œπ—š 𝗔𝗧 π——π—”π—¬π—”π—Ÿπ—’π—šπ—’ 🚦

Nagsagawa ng pagdinig ang Tricycle Regulatory Unit (TRU) sa pangunguna ni G. Allan Cruz kasama ang DB TODA at KPC TODA noong ika 31 ng Hulyo 2026.

Tinalakay sa nasabing pulong ang usapin sa pagsasakay ng mga pasahero sa labas ng kani-kanilang ruta o zona.

Disiplina. Pagkakaisa. Serbisyo.



PAKIKIPAG-UGNAYAN at KOORDINASIYONNagsagawa ng pulong ang Tricycle Regulatory Unit (TRU) at City Traffic Management Grou...
03/08/2026

PAKIKIPAG-UGNAYAN at KOORDINASIYON

Nagsagawa ng pulong ang Tricycle Regulatory Unit (TRU) at City Traffic Management Group (CTMG) kasama ang MUZON TODA noong ika-30 ng Hulyo 2026 upang talakayin ang mga hakbang para sa epektibong pamamahala ng pampasaherong tricycle na kanilang nasasakupan at para sa maayos at ligtas na kapakanan ng kanilang mga mananakay.



πŸ“’ PAUNAWA SA PUBLIKOAlinsunod sa Memorandum Circular No. 114 at sa direktiba ng Punong Lungsod, ipatutupad ng Tricycle R...
28/07/2026

πŸ“’ PAUNAWA SA PUBLIKO

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 114 at sa direktiba ng Punong Lungsod, ipatutupad ng Tricycle Regulatory Unit (TRU) ang Four-Day Work Week simula ika-3 ng Agosto 2026.

Pinapayuhan ang lahat ng mga kliyente ng aming tanggapan na isaalang-alang ang bagong iskedyul ng operasyon upang maiwasan ang anumang abala.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikiisa.



🚦 JOINT ANTI-COLORUM OPERATION 🚦Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga umiiral na batas at ordinansa laban sa m...
27/07/2026

🚦 JOINT ANTI-COLORUM OPERATION 🚦

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga umiiral na batas at ordinansa laban sa mga colorum o iligal na namamasada sa Lungsod ng San Jose del Monte, muling nagsagawa ng Joint Anti-Colorum Operation ang Tricycle Regulatory Unit (TRU) at ang City Traffic Management Group (CTMG) nitong ika-27 ng Hulyo 2026 sa Pabahay 2000 at Melody Plains, Brgy. Muzon South, at Kelsey Hills, Brgy. Muzon Proper.

Layunin ng operasyon na mahuli at mapanagot ang mga iligal na bumibiyahe nang walang kaukulang prangkisa at pahintulot, bilang bahagi ng mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral na batas at regulasyon sa pampublikong transportasyon.

Patuloy na paiigtingin ng TRU at CTMG ang mga operasyon laban sa mga colorum upang mapanatili ang kaayusan at matiyak ang ligtas, maayos, at legal na serbisyo ng pampublikong transportasyon para sa bawat mamamayan.

Disiplina. Kaayusan. Kaligtasan.



🚦 MAS MATATAG NA PAMUNUAN, MAS LIGTAS NA BIYAHE 🚦Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng maayos at disiplinadong sist...
27/07/2026

🚦 MAS MATATAG NA PAMUNUAN, MAS LIGTAS NA BIYAHE 🚦

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng maayos at disiplinadong sistema ng pampublikong transportasyon, nagsagawa ang Tricycle Regulatory Unit (TRU) sa pangunguna ni G. Allan Cruz ng mga pagdinig noong ika-23 ng Hulyo 2026.

Tinalakay kasama ang TM TODA at IPC TODA ang usapin hinggil sa boundary dispute, habang nakipagpulong din sa mga opisyal ng GTE TODA upang pag-usapan ang kanilang terminal at iba pang mahahalagang isyu.

Sa pamamagitan ng bukas na dayalogo at patas na pamamahala, patuloy na isinusulong ng TRU ang kaayusan, disiplina, at ligtas na serbisyo para sa kapakanan ng bawat operator, drayber, at mananakay.

Disiplina. Pagkakaisa. Serbisyo.



JOINT ANTI-COLORUM OPERATION 🚦Sa Pagpapatuloy ng pagsugpo at panghuhuli sa mga "colorum" o illegal na bumibiyahe o pumap...
24/07/2026

JOINT ANTI-COLORUM OPERATION 🚦

Sa Pagpapatuloy ng pagsugpo at panghuhuli sa mga "colorum" o illegal na bumibiyahe o pumapasada sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan, muling nagpatuloy at nagsagawa ng Joint Anti- Colorum Operation ang Tricycle Regulatory Unit (TRU) at City Traffic Management Group (CTMG) sa Pabahay 2000, Brgy. Muzon South, Kelsey Hills at La Sallette sa Muzon nitong ika-24 ng Hulyo 2026.

Layunin ng Operation Anti-Colorum ay protektahan ang kaligtasan at kapakanan ng mga mananakay o pasahero lalo na ang mga estudyante.

Asahan ang regular at madalas na operasyon laban sa mga "colorum" o illegal na pumapasada sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.



ANTI-COLORUM OPERATION 🚦Kaligtasan ng mga mananakay ang aming pangunahing layunin. Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatu...
16/07/2026

ANTI-COLORUM OPERATION 🚦

Kaligtasan ng mga mananakay ang aming pangunahing layunin. Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng mga umiiral na regulasyon, nagsagawa ng Joint Anti-Colorum Operation ang Tricycle Regulatory Unit (TRU), katuwang ang City Traffic Management Group (CTMG), noong ika-15 ng Hulyo 2026 sa Santo Cristo Elementary School, Brgy. Santo Cristo.

Muling pinapaalalahanan ng aming tanggapan ang mga mananakay, lalo na ang mga estudyante na iwasang sumakay sa mga colorum na tricycle upang matiyak ang ligtas at legal na biyahe.

Patuloy ang pagpapatupad ng mga operasyon laban sa mga colorum upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga mananakay sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.



ANTI-COLORUM OPERATION 🚦Patuloy ang isinasagawang Joint Anti-Colorum Operation ng Tricycle Regulatory Unit (TRU) at City...
15/07/2026

ANTI-COLORUM OPERATION 🚦

Patuloy ang isinasagawang Joint Anti-Colorum Operation ng Tricycle Regulatory Unit (TRU) at City Traffic Management Group (CTMG) nitong ika-14 ng Hulyo 2026 sa Road 1 and 2, at Towerville, sa Brgy. Minuyan Proper.

Pinapaalalahanan po nang aming tanggapan ang mga mananakay lalo na ang mga estudyante na huwag tangkilikin ang mga "colorum" upang masiguradong ligtas ang inyong byahe.

Tuloy-tuloy ang operasyon laban sa mga "colorum" para sa ligtas, maayos, at legal na biyahe sa Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.



ANTI-COLORUM OPERATION 🚦Nagsagawa ng Joint Anti-Colorum Operation sa Sapang Palay National High School, Brgy. Fatima V a...
14/07/2026

ANTI-COLORUM OPERATION 🚦

Nagsagawa ng Joint Anti-Colorum Operation sa Sapang Palay National High School, Brgy. Fatima V ang tanggapan ng Tricycle Regulatory Unit (TRU) at City Traffic Management Group (CTMG) noong ika-10 ng Hulyo, 2026.

Layunin nang nasabing Joint Anti-Colorum Operation ay mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga mananakay lalo na ang mga batang estudyante.

Asahan ang madalas at palagiang operasyon laban sa mga colorum na bumabyahe sa Lungsod ng San Jose del Monte Bulacan.



Nagsagawa ng Coordination Meeting ang Tricycle Regulatory Unit (TRU) at City Youth and Sports Development Office (CYSDO)...
13/07/2026

Nagsagawa ng Coordination Meeting ang Tricycle Regulatory Unit (TRU) at City Youth and Sports Development Office (CYSDO) noong ika-8 ng Hulyo 2026.

Layunin ng nasabing pagpupulong ang paghahanda para sa gaganaping Ate Rida's Cup Inter-TODA Basketball Tournament Season 3.



Address

2nd Floor Impounding Area Motorpool, Brgy. Sapang Palay Proper
San Jose Del Monte
3024

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City of San Jose del Monte - Tricycle Regulatory UNIT posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share