Barangay Assumption - CSJDM Bulacan

Directions Contact the organization

Barangay Assumption - CSJDM Bulacan This page is the Official page of Barangay Assumption, CSJDM, Bulacan.

TINGNANPatuloy na kumikilos ang Pamahalaang Barangay ng Barangay Assumption upang mapanatili ang seguridad, kaayusan, at...
02/10/2026

TINGNAN

Patuloy na kumikilos ang Pamahalaang Barangay ng Barangay Assumption upang mapanatili ang seguridad, kaayusan, at kaligtasan ng bawat mamamayan.

Sa pamamagitan ng agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad, sama-sama nating pinatitibay ang isang pamayanang ligtas at handang humarap sa anumang hamon.

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga tagapagpanatili ng seguridad at kaligtasan na patuloy na naglilingkod at nagsusumikap para sa kapakanan ng ating mga kabarangay.

Dahil ang ligtas na pamayanan ay bunga ng sama-samang pagkilos, malasakit, at pananagutan.

Tuloy-tuloy ang serbisyo. Tuloy-tuloy ang pagkilos. Tuloy-tuloy ang progreso.


TINGNANISANG KARANGALANG INANI, ISANG TAGUMPAY NA PINAG-UGATAN NG PAGKAKAISA!Mula sa mga butil na itinanim, mga punlang ...
01/10/2026

TINGNAN

ISANG KARANGALANG INANI, ISANG TAGUMPAY NA PINAG-UGATAN NG PAGKAKAISA!

Mula sa mga butil na itinanim, mga punlang inalagaan, at mga pangarap na sama-samang pinalago, ngayon ay umani tayo ng isang karangalang ipinagmamalaki ng buong Barangay Assumption.

Nakamit ng Barangay Assumption ang Ika-pitong karangalan mula sa higit pitumpu (70) na kalahok, at higit na naging makabuluhan ang tagumpay na ito sa pagkilala sa ating Gulayan bilang MOST INNOVATIVE COMMUNITY GARDEN.

Ang karangalang ito ay hindi lamang nasusukat sa ranggo o parangal. Ito ay bunga ng mga kamay na walang sawang nagbungkal ng lupa, mga pusong nag-alaga sa bawat punla, at mga kaisipang patuloy na naghahanap ng makabagong paraan upang maging mas sustenable ang ating komunidad.

Kinilala ang ating Gulayan sa Pamayanan dahil sa mga programang patuloy nating binubuo at isinasagawa, kabilang ang:

Mobile Palengke – ani mula sa gulayan, diretso sa komunidad;
Palit Basura Program – basura, nagiging pakinabang kapalit ng gulay;
HAPAG – Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay Ordinance – pagbuo ng kautusang pambarangay para sa pagtatanim bilang bahagi ng buhay ng bawat pamilya; at
Rain Harvesting System – naipong tubig ulan diretso sa ating taniman.

Ang pagkilalang Most Innovative Community Garden ay isang patunay na ang isang maliit na binhi, kapag inalagaan ng isang nagkakaisang komunidad, ay maaaring maging isang punong nagbibigay ng bunga para sa lahat.

Maraming salamat sa bawat taong naging bahagi ng paglalakbay na ito. Sa bawat naglaan ng oras, lakas, kaalaman at malasakit, kayo ang tunay na ugat ng tagumpay na ating inaani ngayon.

Barangay Assumption, patuloy nating palaguin ang mga binhing nagsusulong ng pagbabago. Sapagkat ang progresong sama-samang itinatanim, ay tagumpay na sama-samang aanihin.


LIBRENG TULONG LEGAL PARA SA LAHAT! ⚖️May legal concern o kailangan ng payong legal? Huwag palampasin ang pagkakataong i...
29/09/2026

LIBRENG TULONG LEGAL PARA SA LAHAT! ⚖️

May legal concern o kailangan ng payong legal? Huwag palampasin ang pagkakataong ito!

Ang Department of Education – Schools Division Office of City of San Jose del Monte, katuwang ang Integrated Bar of the Philippines – Bulacan Chapter, ay magsasagawa ng “AKSES SA HUSISYA: Programa Tulong Legal”.

📅 Oktubre 1, 2026 (Huwebes)
⏰ 8:00 AM – 5:00 PM
📍 Minuyan Elementary School, Brgy. Minuyan Proper, CSJDM, Bulacan

LIBRENG LEGAL ADVICE para sa mga nangangailangan ng tulong at gabay sa kanilang mga usaping legal.

• Para sa legal advice tungkol sa lupa, mangyaring magdala ng land title o mga kaugnay na dokumento.
• Para sa pagpapanotaryo, magdala ng valid ID at kinakailangang dokumento.

Inaanyayahan ang mga residente ng Barangay Assumption at mga karatig-barangay na samantalahin ang serbisyong ito.

Ang hustisya ay para sa lahat. Lumapit, magtanong, at alamin ang inyong mga karapatan.


TINGNANNakibahagi ang ilang kawani ng Pamahalaang Barangay ng Barangay Assumption sa lingguhang paglilinis bilang bahagi...
26/09/2026

TINGNAN

Nakibahagi ang ilang kawani ng Pamahalaang Barangay ng Barangay Assumption sa lingguhang paglilinis bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng malinis, ligtas, at maayos na pamayanan sa bahagi ng Matatag St. ngayong September 26.

Sa sama-samang pagkilos ng ating mga kawani at residente, mas napapalakas ang diwa ng bayanihan at pananagutan sa pangangalaga ng kapaligiran.

Maliit man na hakbang, malaking ambag para sa malinis na Pamayanan.


25/09/2026

Pamilyang sama-sama, pusong nagkakaisa!

Isang masayang Family Day na puno ng tawanan, saya, at kulturang Pinoy sa Barangay Assumption!

Pamilya. Pagkakaisa. Kapakanan ng Bata.

25/09/2026
TINGNANHindi lamang simpleng pagdiriwang ang naging Family Day 2026 sa Barangay Assumption nitong Setyembre 24 kundi ito...
25/09/2026

TINGNAN

Hindi lamang simpleng pagdiriwang ang naging Family Day 2026 sa Barangay Assumption nitong Setyembre 24 kundi ito ay naging isang masayang pagtitipon na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pamilya, pagkakapantay-pantay, at kapakanan ng bawat bata.

Sa temang “Pamilya, Pagkapantay-pantay, at Kapakanan ng Bata,” naging makulay ang pagdiriwang sa pamamagitan ng mga gawaing sumasalamin sa ating kulturang Pilipino at tradisyon ng kapistahan.

Tampok dito ang masasayang palarong pinoy na mas lalo pang binigyang sigla ni Mr. Nick Vega, sayawan, pag-awit, sabay-sabay na salu-salo sa tradisyonal na boodle fight kasabay ng pag-uwi ng mga papremyong may tunay na pakinabang sa pagkatuto at paglinang ng kaalaman ng mga batang mag-aaral sa Assumption Child Development Center sa patnubay ng ating masipag na CDW Alma C. Francisco.

Higit sa saya at mga programa, naging pagkakataon ang Family Day upang muling ipakita na kapag ang pamilya ay sama-sama, mas nagiging makabuluhan ang bawat karanasan ng isang bata.

Sa Barangay Assumption, patuloy nating binibigyang-halaga ang pamilyang katuwang sa paghubog ng mas masaya, pantay, at magandang kinabukasan para sa bawat bata. Maraming salamat sa ating mga magulang na patuloy na naglalaan ng panahon sa ganitong gawain upang mas mahubog pa ang kasanayan ng inyong mga anak. Mabuhay ang bawat isa!

📸 BPIO - Barangay Assumption CSJDM Bulacan


24/09/2026

Thunderstorm Watch
Issued at: 10:00 AM, 24 September 2026

Thunderstorm is MORE LIKELY to develop over Greater Metro Manila Area (Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna and Cavite) within 12 hours.

All are advised to continue monitoring for updates.

24/09/2026

Thunderstorm Advisory No. 4
Issued at: 2:24 PM, 24 September 2026(Thursday)

Moderate to heavy rainshowers with lightning and strong winds are expected over Batangas (Taysan, Rosario, Padre Garcia, Santo Tomas, Tanauan, Malvar, San Pascual, Alitagtag, Bauan, San Luis, Santa Teresita, San Nicolas, and Talisay), Bulacan (San Miguel, Angat, Balagtas, Bocaue, Bustos, Guiguinto, Obando, Pandi, San Ildefonso, San Rafael, Bulakan, and Plaridel), Cavite (Bacoor, Kawit, Imus, General Trias, Dasmarinas, Noveleta, Rosario, Cavite City, Tanza, Carmona, and Gen. Mariano Alvarez), Laguna (Mabitac, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy, Santa Maria, Paete, Kalayaan, San Pedro, and Binan), Metro Manila (Malabon, Navotas, Las Pinas, Muntinlupa, Paranaque, Taguig, Makati, Mandaluyong, San Juan, Pasay, Pateros, and Manila), Nueva Ecija (Lupao, Munoz, Pantabangan, Rizal, Bongabon, General Mamerto Natividad, Talavera, Palayan, Laur, Gabaldon, General Tinio, Gapan, Penaranda, Santa Rosa, and Cabanatuan), Pampanga (Angeles, Mabalacat, and Porac), Quezon (Macalelon, General Luna, Catanauan, Mulanay, Tagkawayan, Calauag, Guinayangan, Gumaca, Pitogo, San Francisco, and San Andres), Rizal (Tanay, Angono, Baras, Binangonan, Cardona, Jala-Jala, Morong, Pililla, Taytay, and Teresa), Tarlac (Capas, Bamban, San Jose, San Clemente, Mayantoc, and Camiling), and Zambales (Olongapo, Subic, San Marcelino, Cabangan, Castillejos, San Antonio, San Felipe, and San Narciso) within the next 2 hours.

Heavy to intense rainshowers with lightning and strong winds are affecting Batangas (Batangas City, Lobo, San Jose, Ibaan, Lipa, Cuenca, Mataasnakahoy, and Balete), Bulacan (San Jose del Monte, Norzagaray, Santa Maria, Marilao, Meycauayan, and Dona Remedios Trinidad), Metro Manila (Caloocan, Quezon City, Valenzuela, Marikina, and Pasig), Nueva Ecija (Llanera, Carranglan, and San Jose), Quezon (General Nakar, San Narciso, Buenavista, and Lopez), Rizal (Rodriguez, San Mateo, Antipolo, and Cainta), and Zambales (Iba, Palauig, Masinloc, Candelaria, Botolan, and Santa Cruz) which may persist within 2 hours.

All are advised to take precautionary measures against the impacts associated with these hazards which include flash floods and landslides.

Keep monitoring for updates.

TINGNANMuling nagbayanihan ang mga miyembro ng 4Ps sa paglilinis ng bahagi ng Libis Drive sa Barangay Assumption nitong ...
20/09/2026

TINGNAN

Muling nagbayanihan ang mga miyembro ng 4Ps sa paglilinis ng bahagi ng Libis Drive sa Barangay Assumption nitong Sabado, Setyembre 19, 2026.

Bahagi ito ng patuloy na pakikiisa ng Pamahalaang Barangay at ating mga residente sa Manila Bay Clean Up and Rehabilitation Program at sa programa ng Pamahalaang Lungsod na Basura No Way.


Address

San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Assumption - CSJDM Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Assumption - CSJDM Bulacan:

Shortcuts

Share