05/06/2025
Bilang Pusong Kabataan na Public Servant tayo po ay tutulong para sa mga kapos palad natin na mga mag aaral na makatanggap ng EDUCATIONAL ASSISTANCE PROGRAM galing sa Pamahalaang Barangay ng Muzon West. Dahil lahat ng sektor sa ating lipunan ay ating binibigyan halaga at sinisigurado natin na ang pera ng taumbayan ay nagagamit natin sa tama. Naniniwala po ako palagi na "KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN." Para sainyo to Kabataan ng Barangay Muzon West π§‘
"Barangay Muzon West Educational Assistance Program"
Sa kauna-unahang pagkakataon at pagbubukas muli ng School Year 2025-2026 isang paanyaya para sa lahat ng nagnanais na maging "SCHOLAR" ng Unang Sangguniang Barangay ng Muzon West sa Pangunguna ng ating butihing Kapitan Potpot Mateo na may paniniwalang ang Edukasyon ang Pinakamabisang Solusyon para sa maunlad na Pamayanan.
Sa lahat ng nagnanais na mag-apply sa MWEAP ang pagbibigay ng Application Form ay magsisimula sa Lunes June 9,2025 hanggang June 13,2025 simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa Tanggapan ng Kalihim at Ingat-Yaman ng ating Barangay. Ang Deadline ng pagsusumite ng Application Form ay hanggang sa June 15,2025 12:00 ng tanghali na ipapasang muli sa Tanggapan kung saan kinuha ang Application Form.
Ang mga kwalipikadong Scholar ay magkakaroon ng Pagsusulit na gaganapin sa June 21,2025 araw ng Linggo sa ating Multi-Purpose Hall matapos suriin ang mga Application Forms. Ang lahat ng kwalipikadong Scholar na kukuha ng pagsusulit ay ipopost dito sa Official page ng ating Barangay.
Para ito sa :
- Incoming College Students
- Ang parehong magulang ng aplikante ay rehistradong botante ng Barangay gayundin ang aplikante
-Residente ng Barangay ng 1 taon o higit pa
Para sa initial na Requirements kalakip ng Application Form kinakailangang isumite ng Aplikante ang mga sumusunod:
1. Application Form
2. Photocopy ng Valid ID ng Aplikante o Student ID kung mayroon na
3. Photocopy ng Valid ID ng mga Magulang
4. Barangay Residency Certificate
5. Barangay Indigency - Educational Assistance Purpose
6. Photocopy ng Certificate of Registration sa Paaralam
Ito po ay bukas sa lahat ng residente ng Barangay Muzon West.
Sapagkat "Edukasyon ay ang nagiisang kayamanang hindi makukuha ng sinuman".