02/09/2026
𝗜𝗕𝗔 𝗡𝗔𝗠𝗔𝗡: 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗣𝗔𝗡𝗜𝗡𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗔𝗡 | 𝗗𝗔𝗬 𝟳 💛💙
May isang maling paniniwala tungkol sa youth leadership na kapag nanalo ka sa eleksyon, lider ka na.
Pero ang totoo? Ang pagkapanalo ay hindi patunay ng kakayahan. Patunay lang ito na pinili ka ng mga tao. At pagkatapos mong manalo, doon pa lang magsisimula ang tunay na pagsusulit.
Alam mo ba kung paano gumawa ng maayos na programa?
Alam mo ba kung paano gamitin nang tama ang pondo ng kabataan?
Alam mo ba kung paano gumawa ng desisyon para sa buong komunidad, hindi lamang para sa mga kaibigan mo?
Alam mo ba kung paano managot kapag nagkamali ka?
Dahil ang SK position ay hindi reward. Hindi ito trophy. Hindi ito achievement badge. At hindi ito shortcut para magkaroon ng pangalan sa politika.
RESPONSIBILIDAD ITO.
Kaya hindi nakakahiya sabihin na “Hindi ko pa alam.” Ang nakakahiya ay ang hindi mo alam, pero ayaw mong matuto. Hindi nakakabawas sa pagiging lider ang paghingi ng training. Mas nakakatakot ang lider na ayaw matuto dahil akala niya sapat nang nanalo siya.
Kaya kung may mandatory training para sa mga kabataang nahalal, hindi ito parusa.
Ito ay paalala na "MAY MGA BUHAY AT PERA NG TAO NA HAWAK MO."
At hindi sapat na mabuti ang intensyon. Kailangan ding may kaalaman. Dahil ang mabuting lider ay hindi iyong taong akala niya alam na niya ang lahat. Ang mabuting lider ay iyong taong may pagpapakumbabang matutong maging karapat-dapat sa tiwalang ibinigay sa kanya.
IBA NAMAN ANG KABATAANG HINDI LANG GUSTONG MANALO. GUSTO NITONG MAGING KARAPAT-DAPAT MANALO.
───────────
Follow us on:
Facebook: Iba Naman Kabataan
Instagram: .kabataan
TikTok: .kabataan
Email: [email protected]