City of San Jose del Monte-City Environment and Natural Resources Office

City of San Jose del Monte-City Environment and Natural Resources Office The official page of the City Environment and Natural Resources Office - City of San Jose del Monte, Bulacan

🚨🏆 JUST IN! | ANOTHER MILESTONE FOR THE CITY OF SAN JOSE DEL MONTE 🌿♻️Isang karangalan para sa City of San Jose del Mont...
19/08/2026

🚨🏆 JUST IN! | ANOTHER MILESTONE FOR THE CITY OF SAN JOSE DEL MONTE 🌿♻️

Isang karangalan para sa City of San Jose del Monte, Bulacan ang pagkakatanggap ng pagkilala mula sa Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau Region 3 (DENR-EMB R3) sa ginanap na Environmental Summit 2026 sa Clark, Pampanga.

Kinilala ang ating lungsod para sa outstanding practices in City -Level Materials Recovery Facility (MRF) operation, bilang pagkilala sa mga Local Government Units and stakeholders with the best ecological solid waste management practices.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng ating lungsod sa pagpapatupad ng iba’t ibang waste diversion programs at makabuluhang hakbang tungo sa mas maayos, episyente, at responsableng pamamahala ng ating solid waste.

💚 This recognition is a testament to our collective commitment to a cleaner, greener, and more sustainable San Jose del Monte.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagkilos ng ating mga barangay, waste workers, stakeholders, partner agencies, at higit sa lahat, ng ating mga San Joseño na patuloy na nakikiisa sa pangangalaga at pagprotekta sa ating kapaligiran.

♻️ A cleaner city. A greener future. A more sustainable San Jose del Monte.

Congratulations to the City of San Jose del Monte! 🎉🏆

Patuloy nating isulong ang wastong pamamahala ng basura para sa mas malinis, mas luntian, at mas sustainable na San Jose del Monte! 🌿💚









ICYMI ♻️ Basura? No Way! ♻️Alinsunod sa "Basura? No Way!" programa ng ating lungsod at sa patuloy na pagsusulong ng isan...
17/08/2026

ICYMI ♻️ Basura? No Way! ♻️

Alinsunod sa "Basura? No Way!" programa ng ating lungsod at sa patuloy na pagsusulong ng isang malinis at ligtas na The Rising City, muling isinagawa ang Clean Up Drive bilang bahagi ng Manila Bay Clean Up Preservation Project sa Barangay Francisco Homes Yakal nitong Sabado, August 15, 2026 sa ganap na ika-6 ng umaga.

Pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), kasama ang Pamunuang Barangay ng Francisco Homes Yakal, ang Clean Up Drive na naglalayong mapanatiling malinis ang kapaligiran, maiwasan ang pagbabara ng mga daluyan ng tubig, at mabawasan ang panganib ng pagbaha, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Ipinapakita ng inisyatibong ito ang matibay na pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod at ng mga katuwang na ahensya sa pangangalaga sa kalikasan.

📍 Barangay F. Homes - Yakal
📸 City Environment and Natural Resources Office



August 17, 2026NOTICE TO THE PUBLIC Please be inform that the City Environment and Natural Resources Office will tempora...
17/08/2026

August 17, 2026

NOTICE TO THE PUBLIC
Please be inform that the City Environment and Natural Resources Office will temporarily REVERT to an 8-hour workday from AUGUST 17 to 20, 2026 in view of the regular holiday on August 21, 2026 (Ninoy Aquino Day)

Updated Operating Hours:
8:00 a.m. to 5:00 p.m.
August 17 to 20, 2026




🚯 BASURA NO WAY!Patuloy ang pagmomonitor ng ating mga inspectors sa mga daluyan ng tubig sa ating lungsod bilang bahagi ...
16/08/2026

🚯 BASURA NO WAY!

Patuloy ang pagmomonitor ng ating mga inspectors sa mga daluyan ng tubig sa ating lungsod bilang bahagi ng Basura No Way Campaign.

Regular nating binabantayan ang kondisyon ng ating mga waterways upang maiwasan ang pagtatapon ng basura at mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating kapaligiran.

Hindi lamang ito responsibilidad ng ating mga inspectors responsibilidad nating lahat na panatilihing malinis ang ating mga daluyan ng tubig.

Basura No Way! Sama-sama nating pangalagaan ang ating waterways para sa mas malinis, ligtas, at sustainable na lungsod!









🌱🌱 Workplan Co-Design for a Greener and More Circular CSJDM! ♻️💚Nagkaroon kami ng workplan co-design session sa ilalim n...
16/08/2026

🌱🌱 Workplan Co-Design for a Greener and More Circular CSJDM! ♻️💚

Nagkaroon kami ng workplan co-design session sa ilalim ng EU-PH Green Economy Partnership, kasama ang City Environment and Natural Resources Office ng San Jose del Monte City at CAMP Asia (Center for Asian Mission for the Poor Asia, Inc.), ang CSO grantee para sa lungsod.

Kasama rin natin ang mga kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government Region III at Department of Environment and Natural Resources Region III, na nagbahagi ng kanilang valuable insights at inputs para mas mapalakas ang project workplan at write-up.

Sa pamamagitan ng collaborative discussion at co-design process, napag-usapan ang mga proposed activities, expected outputs, at mga hakbang upang matiyak na ang project ay responsive sa pangangailangan ng komunidad at aligned sa circular at green economy goals.

🤝 Mahalaga ang ganitong pagtutulungan ng local government, national government agencies, at civil society organizations upang maisulong ang konkretong circular economy solutions sa ating mga komunidad.

From co-design to action sama-sama para sa mas green, sustainable, at circular na San Jose del Monte City!





Pagpapaigting ng “BASURA NO WAY PROGRAM”Agosto 13, 2026Alinsunod sa patuloy na pagpapatupad ng Manila Bay Clean-Up, Reha...
13/08/2026

Pagpapaigting ng “BASURA NO WAY PROGRAM”

Agosto 13, 2026
Alinsunod sa patuloy na pagpapatupad ng Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation and Preservation Program, ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Lungsod ng San Jose del Monte ay nagsasagawa ng mga hakbang upang higit pang palakasin ang kampanya laban sa hindi tamang pagtatapon ng basura sa pamamagitan ng BASURA NO WAY PROGRAM.

Layunin ng programang ito na mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating kapaligiran sa pamamagitan ng mas mahigpit na pagpapatupad ng Solid Waste Management Program at Liquid Waste Management Program. Kabilang dito ang mas pinaigting na pangangalap, tamang segregasyon, at maayos na disposisyon ng basura, gayundin ang wastong pamamahala sa likidong dumi upang maiwasan ang polusyon sa ating mga daluyan ng tubig. Kasama natin ang mga barangays: SAN MARTIN I, II, III, IV, SAN RAFAEL I, II, III, IV, V at STA CRUZ I, II, III, IV, V

Ang CENRO ay nananawagan sa lahat ng mamamayan na makiisa sa programang ito. Sama-sama nating ipakita ang malasakit at disiplina sa tamang pamamahala ng basura upang makamit ang isang mas maayos, mas malinis, at mas maunlad na San Jose del Monte.

📍Barangay San Martin IV
📸 City Environment and Natural Resources Office



ICYMI ♻️ Basura? No Way! ♻️Alinsunod sa "Basura? No Way!" programa ng ating lungsod at sa patuloy na pagsusulong ng isan...
11/08/2026

ICYMI ♻️ Basura? No Way! ♻️

Alinsunod sa "Basura? No Way!" programa ng ating lungsod at sa patuloy na pagsusulong ng isang malinis at ligtas na The Rising City, muling isinagawa ang Clean Up Drive bilang bahagi ng Manila Bay Clean Up Preservation Project sa Barangay Francisco Homes Narra nitong Sabado, August 8, 2026 sa ganap na ika-6 ng umaga.

Pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), kasama ang Pamunuang Barangay ng Francisco Homes Narra, ang Clean Up Drive na naglalayong mapanatiling malinis ang kapaligiran, maiwasan ang pagbabara ng mga daluyan ng tubig, at mabawasan ang panganib ng pagbaha, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Ipinapakita ng inisyatibong ito ang matibay na pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod at ng mga katuwang na ahensya sa pangangalaga sa kalikasan.

📍 Barangay F. Homes - Narra
📸 City Environment and Natural Resources Office








♻️ Basura? No Way! ♻️Alinsunod sa "Basura? No Way!" program ng ating lungsod, ang mga inspector ng ating tanggapan ay pa...
04/08/2026

♻️ Basura? No Way! ♻️

Alinsunod sa "Basura? No Way!" program ng ating lungsod, ang mga inspector ng ating tanggapan ay patuloy na nagsasagawa ng regular na pag-iikot at inspeksyon sa iba't ibang barangay upang masubaybayan ang kalagayan ng mga daluyan ng tubig, kanal, estero, ilog, at mga bakanteng lote sa kanilang nasasakupan.

Layunin ng programang ito na matiyak na ang mga pampublikong lugar ay nananatiling malinis at ligtas, maiwasan ang ilegal na pagtatapon ng basura, at mabawasan ang pagbabara ng mga daluyan ng tubig na maaaring magdulot ng pagbaha at iba pang suliraning pangkapaligiran.

Patuloy naming hinihikayat ang bawat barangay at bawat mamamayan na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating komunidad. Ang tagumpay ng "Basura? No Way!" ay nakasalalay sa sama-samang disiplina, responsibilidad, at aktibong pakikilahok ng lahat.

Ang malinis na kapaligiran ay responsibilidad nating lahat. Sama-sama nating panatilihing malinis ang ating lungsod—Basura? No Way! 💚🌿








Matagumpay na Turnover ng Sugatang Philippine Serpent Eagle Matagumpay na na-turn over ng mga kawani ng Barangay Fatima ...
03/08/2026

Matagumpay na Turnover ng Sugatang Philippine Serpent Eagle

Matagumpay na na-turn over ng mga kawani ng Barangay Fatima III, sa pangunguna ni Kapitan Roberto Managabat, ang isang sugatang Philippine Serpent Eagle sa ating tanggapan upang mabigyan ito ng kaukulang atensyon, pangangalaga, at agarang lunas.

Sa pakikipagtulungan ng City Veterinary Office, naisagawa ang agarang paglalapat ng paunang lunas at pagsusuri sa kondisyon ng nasabing ibon upang matukoy ang angkop na pangangalaga at rehabilitasyon nito. Ang mabilis na pagtugon at kooperasyon ng lahat ng sangkot ay sumasalamin sa ating patuloy na paninindigan sa pangangalaga, konserbasyon, at proteksyon ng ating mga katutubong hayop.

Kami ay nananawagan sa ating mga kababayan na pangalagaan at protektahan ang ating mga wildlife animals. Iwasan natin ang anumang uri ng pananakit o pang-aabuso sa mga ligaw na hayop, dahil ang bawat isa sa kanila ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng balanse ng ating ekosistema. Ang Philippine Serpent Eagle at iba pang katutubong hayop ay bahagi ng ating likas na yaman na nararapat nating pahalagahan at ipreserba para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.

Kung makakita ng ligaw na hayop na nasugatan o nangangailangan ng tulong, hinihikayat ang publiko na huwag itong saktan o gambalain. Sa halip, makipag-ugnayan sa mga kinauukulang tanggapan upang mabigyan sila ng tamang pangangalaga at proteksyon.

Sama-sama nating ipakita ang pagmamahal at responsibilidad sa ating kalikasan. Protektahan natin ang ating wildlife para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.











ICYMI Sa patuloy na pagsusulong ng isang malinis at ligtas na The Rising City, muling isinagawa ang Clean Up Drive bilan...
03/08/2026

ICYMI
Sa patuloy na pagsusulong ng isang malinis at ligtas na The Rising City, muling isinagawa ang Clean Up Drive bilang bahagi ng Manila Bay Clean Up Preservation Project sa Barangay Francisco Homes Mulawin nitong Sabado, August 1, 2026 sa ganap na ika-6 ng umaga.

Pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), kasama ang City Civil Registrar's Office at ng Pamunuang Barangay ng Francisco Homes Mulawin, ang Clean Up Drive na naglalayong mapanatiling malinis ang kapaligiran, maiwasan ang pagbabara ng mga daluyan ng tubig, at mabawasan ang panganib ng pagbaha, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Ipinapakita ng inisyatibong ito ang matibay na pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod at ng mga katuwang na ahensya sa pangangalaga sa kalikasan.

📍 Barangay Sapang Palay Proper
📸 City Environment and Natural Resources Office







Address

Productivity Center, Sapang Palay Proper, City Of San Jose Del Monte, Bulacan
San Jose Del Monte
3024

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63443067231

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City of San Jose del Monte-City Environment and Natural Resources Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to City of San Jose del Monte-City Environment and Natural Resources Office:

Shortcuts

Share