10/07/2026
๐ธ ๐๐ธ๐ถ๐ฝ๐ฐ๐ฝ | ๐๐ผ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ค๐ฃ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ง๐จ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ข๐๐๐ง๐จ ๐๐๐๐ฉ๐๐ฃ๐
Noong July 9, 2026 (Thursday), matagumpay na ginanap ang ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐๐๐๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ณ ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ฟ๐ (๐ฃ๐๐๐ฆ๐ข) ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐ผ๐ป ๐๐๐ Officers and Members Meeting sa New Government Center, City of San Jose del Monte, Bulacan, na dinaluhan ng mga General Services Officers at mga kinatawan mula sa iba't ibang Local Government Units (LGUs) sa Region III.
Nagsilbing host ang ๐ง๐ต๐ฒ ๐ฅ๐ถ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ sa naturang pagpupulong, kung saan ibinahagi ni ๐๐ถ๐๐ ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ฟ ๐๐ป๐ด๐ฟ. ๐๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ๐ฏ๐ถ๐น๐น๐ฒ๐, ๐๐ฟ. ang mga programa, proyekto, at inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa larangan ng pamamahala, pangangalaga, at pagpapanatili ng mga kagamitan at iba pang ari-arian ng lokal na pamahalaan. Ibinida rin niya ang mga best practices ng lungsod na naglalayong higit pang mapaunlad ang episyente at responsableng pamamahala ng mga pampublikong pasilidad at kagamitan.
May temang "๐๐ฐ๐ฏ๐ฏ๐ฆ๐ค๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐๐๐๐ด ๐ต๐ฉ๐ณ๐ฐ๐ถ๐จ๐ฉ ๐๐น๐ค๐ฆ๐ญ๐ญ๐ฆ๐ฏ๐ค๐ฆ: ๐๐ต๐ณ๐ฆ๐ฏ๐จ๐ต๐ฉ๐ฆ๐ฏ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ณ๐ต๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ด๐ฉ๐ช๐ฑ๐ด, ๐๐ฅ๐ท๐ข๐ฏ๐ค๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ฃ๐ญ๐ช๐ค ๐๐ฆ๐ณ๐ท๐ช๐ค๐ฆ, ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ฎ๐ฑ๐ฐ๐ธ๐ฆ๐ณ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ฆ๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ข๐ญ ๐๐ฆ๐ณ๐ท๐ช๐ค๐ฆ๐ด ๐๐ง๐ง๐ช๐ค๐ฆ๐ณ๐ด ๐๐ค๐ณ๐ฐ๐ด๐ด ๐๐ฆ๐จ๐ช๐ฐ๐ฏ ๐๐๐," nagsilbing mahalagang pagkakataon ang pagpupulong upang higit pang mapatatag ang ugnayan ng mga LGU sa Region III, makapagbahagi ng mga pinakamahusay na kasanayan, at makapagpalitan ng mga makabagong ideya para sa patuloy na pagpapabuti ng serbisyong pampubliko.
Patunay ang aktibidad na ito sa patuloy na pagsusulong ng PAGSO Region III ng pagkakaisa, kolaborasyon, at kahusayan sa larangan ng general services, tungo sa mas mahusay, episyente, at responsableng paglilingkod sa bawat mamamayan.