01/09/2023
Ako po si Venna Norillo Regula, 41 Years Old, nakatira sa Barangay Sta Cruz 1. Pumasa po ako sa ALS ngayong SY. 2022-2023 sa Batch Malikhain bilang Junior High School Completer. Nag-enroll po ako sa ALS dahil hindi ko natapos ang pag-aaral ko ng High School at nalaman ko ang tungkol sa ALS dahil sa mga posts tungkol dito na shineshare ng aming barangay.
Nag enroll ako sa ALS dahil kahit may trabaho ka na or busy ka sa iyong buhay, magagawa mo pa din na makapagtapos ng pag-aaral habang ikaw ay nagtatrabaho. Nakita ko na mabuti at maganda ito para sa mga katulad ko na hindi nakatapos. Masaya po ang mag-aral sa ALS. Mahirap dahil nahinto ako ng matagal sa pag-aaral pero fulfilling naman ito.
Sa ngayon, nagtatrabaho ako at susubukang isabay ito sa pag-aaral ng Senior High School. Alam nyo naman, sa hirap ng buhay ngayon ay kailangan nating kumayod. Sa mga gustong mag-aral sa ALS, ituloy nyo lang iyan. Kaya natin ginagawa ito ay para sa mga pangarap natin. KAYANG KAYA YAN !. WAG TAYO SUSUKO !
VENNA N. REGULA
ALS Junior High School Completer
Batch Malikhain 2022-2023
- - - -
Ang ALS CSJDM STA CRUZ ay tumatanggap ng enrolees sa mga sumusunod na level
Elementary - 12 Years Old Pataas
Junior High School - 16 Years Old Pataas
Nagrerefer din tayo for Senior High School Learners (18 Years Old Pataas) sa pinakamalapit na ALS CSJDM SHS Center (ALS SHS BBBIS)
Pwede mo ding i-scan ang QR Code for Enrollment na nasa post na ito.
- - -
Sa ALS CSJDM STA CRUZ, flexible ang pag-aaral ! Sa BLENDED LEARNING, ibabalanse natin ang pagpasok sa klase sa piling mga araw at pagsagot ng modules pag-uwi sa bahay sa mga araw na ikaw ay di makakapasok.
- - - -
Araw ng Pasok
MONDAY - 8:00 am to 12:00 nn - Brgy. Sta Cruz 1
TUESDAY - 8:00 am to 12:00 nn - Brgy. Sta Cruz 2
THURSDAY - 8:00 am to 12:00 nn - Brgy. Sta Cruz 1
FRIDAY - - 1:00 am to 5:00 pm - Brgy. Sta Cruz 2
- - - -
Tara na, ENROLL NA SA ALS STA CRUZ !