Deped Tayo Kaypian Elementary School 107157

Deped Tayo Kaypian Elementary School  107157 depedkaypianes.weebly.com

✏️ SERYE 16 | BALARILAAlin ang wastong pangungusap? 🤔A. Ang mga mag-aaral ay nag-aaral ng mabuti.B. Ang mga mag-aaral ay...
20/08/2026

✏️ SERYE 16 | BALARILA

Alin ang wastong pangungusap? 🤔

A. Ang mga mag-aaral ay nag-aaral ng mabuti.
B. Ang mga mag-aaral ay nag-aaral nang mabuti.

💬 A o B? I-comment ang iyong sagot!

Subukan ang iyong kaalaman sa wastong paggamit ng wikang Filipino. Tandaan, ang malinaw na paggamit ng wika ay mahalaga rin sa malinaw na pagpapahayag ng ating mga tanong, ideya, at panuto—kasama na ang paggawa ng prompt para sa AI. 🤖📚

🔎Abangan ang Serye 17 para malaman kung tama ang iyong sagot at kung bakit.







19/08/2026

📣

ADM pa rin sa The Rising City, mga anak!

Dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong , SUSPENDIDO pa rin ang face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan bukas, Huwebes, August 20, 2026.

Habang nananatiling banta ang masamang panahon, ang kaligtasan ng bawat kabataang San Joseño ang ating pangunahing prayoridad. Bilang pag-iingat, pansamantala munang ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of Learning upang tuloy-tuloy pa rin ang pagkatuto sa inyong mga tahanan.

Mga anak, hangga’t maari ay huwag lumabas kung hindi naman kailangan at manatili na lamang muna sa inyong bahay.

Abangan ang mga susunod na opisyal na anunsyo at abiso mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa ating mga official pages.

Walang hihigit sa kaligtasan ng bawat Pamilyang San Joseño. Mag-ingat po tayong lahat! 🧡







19/08/2026

Isang masayang pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating August celebrants! Salamat sa inyong dedikasyon at pagiging inspirasyon. Nawa'y mapuno ng saya, kalusugan, at maraming biyaya ang inyong espesyal na araw.

18/08/2026



ADM MUNA TAYO, MGA ANAK!

Dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulang dulot pa rin ng habagat at Bagyong , SUSPENDIDO ang face-to-face classes sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan bukas, August 19, 2026.

Bilang pagtitiyak na tuloy-tuloy ang pagkatuto sa tahanan, pansamantala munang ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of Learning.

Mga anak, ’wag na muna tayong lumabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan. Bilang inyong Mayor Ate Rida, ang lagi nating prayoridad ay ang kaligtasan ng bawat batang San Joseño, pati na ang ating mga educators at iba pang school personnel. Mas mabuti nang maagap at ligtas tayong lahat.

Abangan ang mga susunod na opisyal na abiso ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa ating mga official pages para sa iba pang mahahalagang impormasyon.

Stay safe, mga anak! Stay safe, Pamilyang San Joseño! 🧡







🤖 SERYE 15 | ALAM MO BA?Mas malinaw na prompt, mas maayos na tugon.Alam mo ba kung ano ang prompt? 💬Ang prompt ay ang ta...
18/08/2026

🤖 SERYE 15 | ALAM MO BA?

Mas malinaw na prompt, mas maayos na tugon.

Alam mo ba kung ano ang prompt? 💬
Ang prompt ay ang tanong, utos, o panuto na ibinibigay natin sa AI upang sabihin kung ano ang gusto nating malaman o ipagawa.

Isipin mo na parang pakikipag-usap sa isang study buddy. Kung sasabihin mo lang:

❌ “Ipaliwanag mo ang photosynthesis.”

Maiintindihan ka naman ng AI, pero maaaring hindi nito malaman kung gaano kasimple ang paliwanag na kailangan mo, gaano ito kahaba, o anong uri ng halimbawa ang gusto mo.

Pero kung sasabihin mo:

✅ “Ipaliwanag ang photosynthesis gamit ang simpleng wikang Filipino para sa isang mag-aaral sa ika-apat na baitang. Ibigay ang kahulugan nito, mga kailangan ng halaman upang maisagawa ito, at isang simpleng halimbawa.”

Mas malinaw na ngayon kung ano ang paksa, sino ang magbabasa, anong wika ang gagamitin, at anong impormasyon ang kailangan. Kaya mas madali para sa AI na makapagbigay ng tugon na angkop sa iyong pangangailangan.

💡 Kaya hindi kailangang mahaba palagi ang prompt. Ang mahalaga ay malinaw, tiyak, at may sapat na konteksto.

At tandaan, mga KaypESians: hindi ibig sabihin na dahil malinaw ang prompt ay siguradong tama na ang sagot ng AI. Kailangan pa rin nating magbasa, magsuri, at mag-verify ng impormasyon, lalo na kapag ginagamit ang AI sa pananaliksik. 🔎📚

🌟 Hamon sa iyo:

Maaari mong subukang gamitin ang mga prompt na ibinigay ko, tapos bumalik ka sa post na ito para ibahagi sa comment section ang iyong natuklasan. 💬






17/08/2026

📣

Upang matiyak ang kaligtasan at maayos na kalagayan ng ating mga mag-aaral, g**o, punong-g**o, at non-teaching personnel sa inaasahang patuloy na pag-ulang dulot ng Habagat, SUSPENDIDO ang klase sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan bukas, August 18, 2026.

Mga anak, ’wag na muna tayong lumabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan. Mas mabuti nang manatili tayo sa ligtas na lugar, magpahinga, mag-bonding kasama ang pamilya, at samantalahin ang pagkakataong makasama ang ating mga mahal sa buhay. At siyempre, tumulong din sa mga gawaing-bahay. 😊

Bilang inyong Mayor Ate Rida, ang lagi nating prayoridad ay ang kaligtasan ng bawat batang San Joseño, pati na ang ating mga educators at iba pang school personnel. Mas mabuti nang maagap at ligtas tayong lahat.

Patuloy na tumutok sa mga opisyal na abiso ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa ating mga Official pages para sa iba pang mahahalagang impormasyon.

Stay safe, mga anak! Stay safe, Pamilyang San Joseño! 🧡






🤖 SERYE 14 | KILALANIN NATIN SI AI!Sa mga naunang serye, natutuhan nating maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita a...
16/08/2026

🤖 SERYE 14 | KILALANIN NATIN SI AI!

Sa mga naunang serye, natutuhan nating maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita at naririnig natin. Ngayon naman, kilalanin natin ang isang makabagong kasangkapan na maaari nating gamitin sa pagkatuto—Artificial Intelligence o AI. 💡

Maaaring maging katuwang ang AI bilang:

📚 Study Buddy – kasama sa pagkatuto
💡 Idea Generator – tumutulong makabuo ng mga ideya
✍️ Writing Assistant – tumutulong sa pagsulat at pag-edit
🎨 Creative Partner – kasama sa pagbuo ng malikhaing ideya
🔎 Information Helper – katuwang sa paghahanap at pag-unawa ng impormasyon

Pero higit sa lahat, tandaan:

AI ay KATULONG, hindi KAPALIT.
Maaari itong tumulong sa iyo, ngunit ikaw pa rin ang dapat mag-isip, magsuri, magpasya, at matuto.

🌱 Gamitin natin ang AI nang responsable—bilang kasangkapan upang mas matuto, mas lumikha, at mas mapalawak ang ating kakayahan.

Ikaw, paano mo gagamitin ang AI bilang katuwang sa iyong pagkatuto? 🤔💻✨






SERYE 13| BAYANI NG WIKA: SAGOT AT KAALAMANTama ang inyong sagot! Si Jose Rizal ang bayaning karaniwang iniuugnay sa pah...
15/08/2026

SERYE 13| BAYANI NG WIKA: SAGOT AT KAALAMAN

Tama ang inyong sagot! Si Jose Rizal ang bayaning karaniwang iniuugnay sa pahayag na:

“Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda.”

Ngunit may isang mahalagang bagay na dapat nating malaman. Ang pahayag na ito ay bahagi ng tulang “Sa Aking Mga Kababata,” na matagal nang iniuugnay kay Rizal. Gayunman, may mga iskolar na kumukuwestiyon kung si Rizal nga ang tunay na may-akda nito. Ayon sa pagsusuri ni Xiao Chua at sa mga pagtalakay ng mga iskolar tulad nina Virgilio S. Almario at Ambeth Ocampo, may mga dahilan upang suriin muli ang tradisyonal na atribusyon sa tula.

📚 Sanggunian:
Xiao Chua, “Kasaysayan: Hindi si Rizal ang sumulat ng ‘Sa Aking Mga Kababata’,” GMA News Online; mga pagsusuri nina Virgilio S. Almario at Ambeth Ocampo tungkol sa akda at pagkakaakda nito.
🔗 https://www.gmanetwork.com/news/topstories/opinion/506534/kasaysayan-hindi-si-rizal-ang-sumulat-ng-sa-aking-mga-kabata/story/

🔎Munting hamon sa ating mga KaypESians:

Sa iyong palagay, marapat din ba tayong magsaliksik tungkol sa mga impormasyong matagal na nating naririnig at nababasa, o paniwalaan na lamang natin ang nakagawian na?

Hindi lahat ng matagal nang pinaniniwalaan ay nangangahulugang tiyak na tama. Magtanong. Magsaliksik. Suriin ang sanggunian. Dahil ang pagiging mapanuri ay bahagi rin ng pagiging mahusay na mag-aaral. 📚✨

SERYE 13 | BAYANI NG WIKANgayong Buwan ng Wika, kilalanin naman natin ang isang bayaning naging mahalaga sa kasaysayan n...
14/08/2026

SERYE 13 | BAYANI NG WIKA

Ngayong Buwan ng Wika, kilalanin naman natin ang isang bayaning naging mahalaga sa kasaysayan ng ating bansa. 📚✨

Sinong bayani ang nagsabi?

“Ang hindi magmahal sa sariling wika,
daig pa ang hayop at malansang isda.”

🤔 Alam mo ba ang sagot? I-comment ang iyong sagot!

💬 Abangan ang Serye 14 para sa tamang sagot at isang mahalagang kaalaman tungkol sa ating bayani.





🧩 SERYE 11 | BUGTONG-BUGTONG!Tamang sagot: ITLOG 🥚Bakit itlog?Ang “bahay na walang pintuan” ay tumutukoy sa balat ng itl...
13/08/2026

🧩 SERYE 11 | BUGTONG-BUGTONG!

Tamang sagot: ITLOG 🥚

Bakit itlog?

Ang “bahay na walang pintuan” ay tumutukoy sa balat ng itlog na nagsisilbing proteksiyon sa laman nito. At ang “puno ng laman” ay ang puti at p**a ng itlog na matatagpuan sa loob.

Pero may isa pa tayong maaaring pag-isipan:

🤖 Kung kayang sagutin ng AI ang bugtong, ibig bang sabihin ay hindi na natin kailangang mag-isip?

Hindi. Maaaring makatulong ang AI sa pagbibigay ng sagot o paliwanag, pero mahalaga pa ring suriin natin kung tama ang sagot, unawain ang dahilan, at gamitin ang sarili nating pag-iisip.

💡 Ang AI ay kasangkapan. Ang pag-iisip, atin!

Sa paggamit ng AI, huwag agad maniwala—magtanong, magsuri, at mag-isip! 🤖

Address

Kaypian Road
San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Monday 6am - 6pm
Tuesday 6am - 6pm
Wednesday 6am - 6pm
Thursday 6am - 6pm
Friday 6am - 6pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Deped Tayo Kaypian Elementary School 107157 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category