Brgy.Fatima IV

Brgy.Fatima IV Public Service
Brgy.Fatima IV - tel # 0447926887

Maligayang Kaarawan Kagawad Ronnie Francisco Nawa’y pagpalain po kayo ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, kalakasan...
15/08/2026

Maligayang Kaarawan Kagawad Ronnie Francisco Nawa’y pagpalain po kayo ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, kalakasan, at mas marami pang biyaya. Maraming salamat po sa inyong serbisyo sa ating mga kabarangay. 🥳

15/08/2026

📢 PAUTANG NA GADGETS, APPLIANCES AT IBA PA!

Magandang araw po, mga kabarangay! 😊
Ang FC Homes Sapang Palay ay narito ngayon sa ating barangay para sa mga nais kumuha ng gadget, appliances, at iba pang kagamitan sa pamamagitan ng pautang.

📍 Para sa mga interesado, maaari po kayong pumunta ngayon sa ating Barangay upang malaman ang mga available na produkto, requirements, at paraan ng pag-avail.

Huwag palampasin ang pagkakataon! Tara na po! 🏠📱📺✨

10/08/2026

📣

ADM pa rin sa The Rising City, mga anak!

Dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng habagat, SUSPENDIDO pa rin ang face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS ng mga pampubliko at pribadong paaralan bukas, Martes, August 11, 2026.

Habang nananatiling banta ang masamang panahon, ang kaligtasan ng bawat kabataang San Joseño ang ating pangunahing prayoridad. Bilang pag-iingat, pansamantala munang ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of Learning upang tuloy-tuloy pa rin ang pagkatuto sa inyong mga tahanan.

Mga anak, hangga’t maari ay huwag lumabas kung hindi naman kailangan at manatili na lamang muna sa inyong tahanan at tumulong sa mga gawaing bahay.

Abangan ang mga susunod na opisyal na anunsyo at abiso mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa ating mga official pages.

Mag-ingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseño! 🧡







05/08/2026

📣

ADM pa rin sa The Rising City, mga anak!

Dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong , SUSPENDIDO ang klase sa LAHAT NG ANTAS sa pampubliko at pribadong paaralan bukas, Huwebes, August 6, 2026.

Habang hindi pa humuhupa ang sama ng panahon, pansamantala munang ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of Learning upang tuloy-tuloy pa rin ang inyong pagkatuto mula sa inyong mga tahanan.

Mga anak, mas mahalaga ang inyong kaligtasan, kaya manatili muna kayo sa loob ng bahay at iwasan ang paglabas hangga’t hindi kinakailangan.

Abangan ang mga opisyal na anunsyo at abiso mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa ating mga official pages.

Mag-ingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseño! 🧡







05/08/2026

Kailangan po nating gawin ang paglilinis sa planta na ilang taong napabayaan ng dating operator. Magreresulta ito ng mas malinis at mas maayos na tubig sa mga susunod na araw.

02/08/2026

Mga anak, SUSPENDIDO muna ang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan bukas, Lunes, August 3, 2026 upang matiyak ang kaligtasan ng bawat San Joseño mula sa inaasahang epekto ng Bagyong .

Samantala, ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of learning upang patuloy na makapag-aral ang ating mga mag-aaral nang ligtas sa loob ng kanilang mga tahanan.

Maging alerto at manatiling ligtas. Hangga’t maaari, huwag munang lumabas ng bahay, makinig, at manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte.

Mag-ingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseño! 🧡






31/07/2026

Address

San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy.Fatima IV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category