City of San Jose del Monte - Community Affairs Office

City of San Jose del Monte - Community Affairs Office Ensure the delivery of basic community service and assistance to the constituents of the City
(1)

19/08/2026

Mananatiling alternative work arrangements ang ipapatupad sa mga pampublikong tanggapan ng pamahalaan sa Bulacan at iba pang karatig lugar bukas, August 20.

Alinsunod yan sa Memorandum Circular No. 131 na inilabas ng Malacañang ngayong Miyerkules, August 19 kung saan pinaghahanda ang lahat sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Habagat.

Ipatutupad din ang alternative learning modes at learning continuity measures sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan maliban na lang kung may ibang direktiba ang mga Punong Ehekutibo.

Samantala, magpapatuloy ang operasyon ng mga ahensyang responsable sa paghahatid ng basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo upang matiyak ang patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng publiko.

Para naman sa pribadong sektor, diskresyon na ng kanilang management ang pagsususpinde ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements.

Mag-ingat at manatiling updated sa mga opisyal na abiso ng lokal na pamahalaan.


18/08/2026

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS FOR GOVERNMENT OFFICES, ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON AUGUST 19

Pursuant to Memorandum Circular No. 129, government offices are directed to implement appropriate alternative work arrangements in the National Capital Region and the following provinces on August 19, 2026:

📍 National Capital Region (NCR)
📍 Abra
📍 Benguet
📍 Ilocos Sur
📍 La Union
📍 Pangasinan
📍 Bataan
📍 Bulacan
📍 Nueva Ecija
📍 Pampanga
📍 Tarlac
📍 Zambales
📍 Batangas
📍 Cavite
📍 Laguna
📍 Rizal
📍 Occidental Mindoro
📍 Oriental Mindoro

Unless otherwise directed by their respective Local Chief Executives, alternative learning modes for classes and learning continuity measures at all levels in public and private schools shall be implemented in the aforementioned areas.

Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements in the private sector shall be left to the discretion of management.

17/08/2026

ALTERNATIVE WORK ARRANGEMENTS SA MGA GOVERNMENT OFFICES, ALTERNATIVE LEARNING MODES SA MGA PAARALAN SA BULACAN, NCR AT ILANG PROBINSYA, IPAPATUPAD BUKAS, AUGUST 18.

Sa Memorandum Circular No. 128 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, ipinag-utos ng Malacanang ang pagsasagawa ng Work-from-Home (WFH) sa mga tanggapan ng gobyerno at alternative learning mode sa lahat ng pampubliko at pribadong eskwelahan bukas, Agosto 18, bilang paghahanda sa inaasahang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng habagat.

Alinsunod sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ipatutupad ang WFH at suspension ng face-to-face classes sa lalawigan ng Bulacan at iba pang karatig lugar.

Samantala, hindi sakop ng WFH set-up ang mga ahensya ng pamahalaang may kinalaman sa paghahatid ng basic at health services, preparasyon at pagtugon sa sakuna at kalamidad.

Ipinauubaya naman ng Malacañang sa mga Local Chief Executives ang kapangyarihang magpasiya kung kinakailangang suspendihin din ang pasok sa mga lugar na kanilang nasasakupan na hindi napabilang sa memorandum circular habang nasa diskresyon naman ng pamunuan ng pribadong sektor ang pagdeklara ng suspensyon sa trabaho.


17/08/2026
August 15, 2026Gumamela Hall, Convention CenterBilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-38 Anibersaryo ng Community Mortgage ...
17/08/2026

August 15, 2026
Gumamela Hall, Convention Center

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-38 Anibersaryo ng Community Mortgage Program (CMP) na may temang “Bahay, Buhay, Magandang Kinabukasan,” matagumpay na naisagawa ng Social Housing Finance Corporation (SHFC), sa pakikipagtulungan ng Community Affairs Office (CAO), ang isang Training and Workshop on R.A. 9904 o Magna Carta for Homeowners and Homeowners’ Associations na dinaluhan ng humigit sa isandaang (100) mga opisyal ng CMP Homeowners Associations.

Layunin ng pagsasanay na higit na mapalawak ang kaalaman at pag-unawa ng mga CMP HOA officers sa kanilang mga karapatan, tungkulin, responsibilidad, pamamahala ng samahan, at pagpapaunlad ng kanilang komunidad alinsunod sa R.A. 9904.

Sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay, pakikipagtulungan, at pagbibigay-kakayahan sa mga homeowners, sama-sama nating itinataguyod ang mas organisado, matatag, at empowered na mga komunidad tungo sa mas magandang kinabukasan.

Maraming salamat sa SHFC sa patuloy na pakikipagtulungan at sa lahat ng CMP HOA officers na nakiisa sa mahalagang gawaing ito!



16/08/2026

PABATID SA PUBLIKO

Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1006, idineklara ng Malacañang na ang darating na Biyernes, August 21, 2026, ay Ninoy Aquino Day, isang Special Non-Working Holiday.

Kaugnay nito, bilang pagtalima sa Civil Service Commission (CSC) Resolution No. 2600838, simula bukas, Lunes, August 17, 2026, hanggang Huwebes, August 20, 2026, ang operating hours ng City Government offices ay mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.

Dahil dito, pinaaalalahanan ang lahat na isagawa o tapusin ang inyong mga transaksyon sa mga nabanggit na araw bago ang holiday. Planuhin nang mas maaga ang inyong pagbisita at siguraduhing kumpleto ang inyong mga kinakailangang dokumento upang maiwasan ang anumang abala kaugnay ng adjusted office hours ng Pamahalaang Lungsod.

Manatili namang nakaantabay sa Official page ng Public Information Office para sa iba pang napapanahong balita at impormasyon.

Maraming salamat! ARYA San Joseño!


13/08/2026

📣

MGA ANAK, ADM MUNA TAYO BUKAS!

Dahil sa patuloy at inaasahang malakas na pag-ulan dulot pa rin ng habagat, SUSPENDIDO po ang ating face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS ng pampubliko at pribadong paaralan bukas, Biyernes, August 14, 2026.

Mga anak, ang inyong kaligtasan ang palaging nasa puso at unang prayoridad ni Ate Rida. Kaya bilang pag-iingat, pansamantala munang ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of Learning para tuloy-tuloy pa rin ang inyong pagkatuto sa loob ng tahanan.

Huwag muna tayong lalabas ng bahay kung hindi naman kailangan. Manatili sa bahay, mag-aral nang mabuti, at tumulong muna sa mga gawaing-bahay.

Abangan ang mga susunod na opisyal na abiso mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa ating official page.

Mag-iingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseño! 🧡







 Alinsunod sa Memorandum Circular No. 125 na inilabas ng Office of the President, suspendido ang trabaho sa mga tanggapa...
13/08/2026


Alinsunod sa Memorandum Circular No. 125 na inilabas ng Office of the President, suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang na ang lalawigan ng BULACAN dahil sa inaasahang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat ngayong Huwebes, August 13, simula alas-3:00 ng hapon.
Magpapatuloy naman sa kanilang operasyon ang mga ahensyang ang tungkulin ay ang paghahatid ng basic at health services, kahandaan at pagtugon sa sakuna at kalamidad, at/o iba pang mahalagang serbisyo.
Samantala, ang suspensyon naman ng trabaho sa mga pribadong kumpanya ay nasa diskresyon ng pamunuan nito.



Alinsunod sa Memorandum Circular No. 125 na inilabas ng Office of the President, suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang na ang lalawigan ng BULACAN dahil sa inaasahang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat ngayong Huwebes, August 13, simula alas-3:00 ng hapon.

Magpapatuloy naman sa kanilang operasyon ang mga ahensyang ang tungkulin ay ang paghahatid ng basic at health services, kahandaan at pagtugon sa sakuna at kalamidad, at/o iba pang mahalagang serbisyo.

Samantala, ang suspensyon naman ng trabaho sa mga pribadong kumpanya ay nasa diskresyon ng pamunuan nito.


August 12, 2026CSJDM Covered Court, Brgy. Poblacion IMuling nagsagawa ang Community Affairs Office (CAO), sa pakikipagtu...
12/08/2026

August 12, 2026
CSJDM Covered Court, Brgy. Poblacion I

Muling nagsagawa ang Community Affairs Office (CAO), sa pakikipagtulungan sa Social Housing Finance Corporation (SHFC), ng Gender Sensitivity Training (GST) at Financial Management Training, na dinaluhan ng mga opisyal at miyembro ng Vista Verde Homeowners Association.

Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kamalayan ng mga kalahok tungkol sa gender equality, paggalang sa karapatan ng bawat isa, at inklusibong pamumuno, kasabay ng pagbibigay ng mahahalagang kaalaman sa responsableng pamamahala ng pananalapi, wastong pagba-budget, pag-iimpok, at pagpaplanong pinansyal.

Lubos ang pasasalamat ng Community Affairs Office sa Social Housing Finance Corporation (SHFC) sa patuloy nitong pakikipagtulungan sa paghahatid ng mga programang nagbibigay-kakayahan sa mga homeowners at komunidad.
Patuloy na magtutulungan ang Lokal na Pamahalaan at ang mga katuwang nitong ahensya sa pagtataguyod ng mga programang magpapalakas sa mga samahan at mag-aambag sa pagbuo ng isang mas maunlad, inklusibo, at matatag na Lungsod ng San Jose del Monte.



11/08/2026

Address

Right Wing, Basement, New Government Center, Barangay Dulong Bayan
San Jose Del Monte
3024

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63443063431

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City of San Jose del Monte - Community Affairs Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to City of San Jose del Monte - Community Affairs Office:

Shortcuts

Share