Alternative Learning System - ALS Philippines

Alternative Learning System - ALS Philippines Alternative Learning System (Philippines)

02/01/2024

Happy New year

03/11/2020
03/11/2020

Keep safe everyone ❤️

24/02/2019

A&E Test monitoring.
Sino ang mga taga Luzon na nakapag exam kanina? Share us your experience and your expectations

03/02/2019

• Sa mga hindi pa nakaaalam:
Ang Alternative Learning System (ALS) ay mayroon nang bagong Implementing program para sa ating bagong curriculum. Kaugnay nito ay magiging dalawang taon (2 years) na ang pag-aaral sa bagong ALS curriculum na magsisimula ngayong June 2019.
Ibig sabihin nito ay sa taong 2021 na ang kasunod na A&E Test na mauulit pagkatapos ng dalawang taon.
• Sa mga mag-eexam ngayong 2019
Ipinaaalam namin na ang araw ng inyong A&E Test ay:
Luzon - February 24, 2019
Visayas & Mindanao - March 3, 2019
Reminder:
Ito na ang huling A&E Test na kung saan ang makapapasa ay mabibigyan ng highschool diploma at maaari na magpatuloy sa college. Paghusayan ninyo at huwag sayangin ang pagkakataong ito.
• Sa mga nagnanais magpalista
Maaari na kayo magpalista ALS Division office sa inyong lugar.
• REQUIREMENTS: Birth Certificate (NSO)
In case an NSO Birth Certificate is not available,
you may present any government issued ID such
as:
√ Baptismal certificate
√ Voter's ID with picture, signature & date of
birth
√ Valid passport
√ Valid Driver's license
√ NBI clearance with picture & signature
√ Police clearance with picture & signature
• TUITION FEE: No tuition fee
• ENROLLMENT: (Still on going) Mon - Fri
• QUALIFIED AGE:
√ 12 yrs old & above for elementary level
√ 16 yrs old & above for high school level
• LOCATION: Anywhere in the Philippines

23/01/2019

¤ Paano at saan pwedeng mag enroll sa als?
• Unahin mo muna magtanong sa barangay kung saan ka nakatira para hindi ka na gumastos sa pamasahe. Kung walang als sa
barangay n'yo, try mo nman sa kasunod o
katabing barangay. Kung walang als sa mga
barangay na malapit sa inyo, pumunta ka nlang sa City Hall or municipal office n'yo, sila ang magtuturo sa iyo kung anu- anong barangay sa lugar n'yo ang nagsasagawa ng als studies.
Kung gusto mo naman na pumapasok sa als na nasa formal school ang setting,
• Pumunta ka sa pinakamalapit na public school sa lugar n'yo. Kahit anong public school, elementary or highschool ay may isang als coordinator na pwede mong mapagtanungan.
-
• Kayo po ang pipili ng gusto n'yo pasukan,
pwede sa:
° Sa BARANGAY kung saan ka nakatira - personal na pumunta sa barangay or magtanong sa mga nagtatrabaho sa barangay tulad ng Tanod, BHW, kagawad, etc. - libre po ito para sa lahat.
° Sa PUBLIC SCHOOL: personal na pumunta sa kahit anong public school, elementary or
highschool basta't public or government schools ay may isang als coordinator na pwede mong mapagtanungan. -libre po ito
° Sa PRIVATE SCHOOL: hindi po lahat ng private school at nag-ooffer ng als studies, pero may mangilan-ngilan na makikita mo sa lugar n'yo, hindi po ito libre.
-
• REQUIREMENTS: Birth Certificate (NSO)
In case an NSO Birth Certificate is not available,
you may present any government issued ID such
as:
√ Baptismal certificate
√ Voter's ID with picture, signature & date of
birth
√ Valid passport
√ Valid Driver's license
√ NBI clearance with picture & signature
√ Police clearance with picture & signature
• TUITION FEE: No tuition fee
• ENROLLMENT: (Still on going) Mon - Fri
• QUALIFIED AGE:
√ 12 yrs old & above for elementary level
√ 16 yrs old & above for high school level
• LOCATION: Anywhere in the Philippines

Dalamhati ng Isang Obrero -     Isa itong sanaysay na alay ko sa mga Pilipinong manggagawa.  -  ° Yung pintor na nakatab...
16/01/2019

Dalamhati ng Isang Obrero -
Isa itong sanaysay na alay ko sa mga Pilipinong manggagawa.
-
° Yung pintor na nakatabi mo sa jeep at sinabihan mong mabaho dahil hindi maayos ang pananamit at may bahid pa ng pintura ang braso. Pinilit naman nya na tanggalin ang lahat ng pintura sa katawan bago umalis ng construction site pero hindi nya napansin na may pintura pa sa likod ng braso nya. Yung naaamoy mong mabaho ay ang paint thinner na ipinahid nya sa katawan para matanggal ang pinturang bumubuhay sa kanyang tatlong anak at nagdadalantaong asawa.
° Yung Mason na puro kalyo ang kamay at namumuti dahil sa maghapong nakababad sa semento. Ayaw mong dumikit sa kanya dahil maganda at malinis ang iyong kasuotan at baka madumihan lang.
° Yung isang grupo ng mga kabataang laborer na halos isang paa nalang ang nakasampa sa estribo ng jeep pero pilit na isinabit ang sarili para lang makauwi sa pamilya. Palihim kang natatawa at may pangungutya sa iyong isipan
dahil gwapo pa naman sana yung isa kaso mukhang probinsyano pumorma at mukhang hindi naliligo. Sa grupo ng mga construction workers na halos araw araw mong nakakasabay, ang mga laborers na ito ang pinaka maarte pagdating sa pormahan, sila yung naghuhugas ng katawan bago umalis sa trabaho, wala silang pakialam kung mapapasma sila basta ang gusto nila ay maging maayos sa paningin ng iba.
Pasensya ka na kung short at jersey lang ang laging suot nila, gusto rin naman nila pumorma ng tulad mo, kaya lang maliit ang sweldo nila kaya kahit mumurahing sapatos ay hindi nila kayang bilhin dahil tumutulong sila sa pamilya.
Habang tinitingnan mo sila na may halong pangungutya, sila naman ay palihim na humahanga at naiinggit sa iyo dahil pumapasok ka sa paaralan habang sila ay napilitang magtrabaho para sa pamilya.
• Tandaan natin na ang mga construction workers ay may malaking papel na ginagampanan sa pag unlad ng ating bansa.
Karamihan sa ating mga OFW ay nasa larangan ng construction, sila rin ang mga taong nagpapasok ng remittance na siya namang nagagamit ng ating gobyerno para paunlarin ang ating ekonomiya.
Ang mga construction workers na ito, mababa man sa paningin ng ibang tao ay lumalaban ng patas, lakas ng katawan ang puhunan at talentong hinasa ng panahon, pero kahit ganun sila pa rin ang madalas na naloloko at kung minsan ay hindi nababayaran ng tama, kadalasan pa nga ay tinatakbuhan ng amo nila.
• Hindi kami humihingi ng awa, dahil kaya namin magbanat ng buto para mabuhay na may dignidad. Pang-unawa ang hinihiling namin hindi lang sa mga taong nakakasalamuha namin kundi pati na rin sa mga kumukuha sa aming serbisyo, sana ay bigyan nyo kami ng patas at makatarungang sweldo at tamang oras na trabaho.

Ang unang A&E Test para sa taong ito ay magaganap sa mga sumusunod na petsa:° February 24, 2019 para sa mga taga Luzon° ...
16/01/2019

Ang unang A&E Test para sa taong ito ay magaganap sa mga sumusunod na petsa:
° February 24, 2019 para sa mga taga Luzon
° March 3, 2019 para sa mga taga Visayas at Mindanao

• Lubhang mahalaga ang pagsusulit na ito dahil ito na ang huling A&E Test kung saan ang mga makapapasa ay maaari nang mag enroll sa college na hindi na kailangan pang dumaan sa
senior highschool, as per DepEd Order No. 27 series of 2018.

• Registration Requirements
For ALS Learners Only: Original and Photocopy of Certification of ALS Program Completion issued by Learning Facilitator;
Original and Photocopy of Birth Certificate
issued by the Philippine Statistics Authority
(PSA), formerly National Statistics Office (NSO);
Two 1×1 or 2×2 identical ID photo (white background and nametag);
If copy of Birth Certificate from the PSA/NSO
not available, any of the following documents
may be presented:
1. Baptismal Certificate
2. Voter’s ID (with picture, signature, date of birth)
3. Valid Passport
4. Valid Driver’s License, and
5. Any legal document bearing the applicant’s
picture, name and signature (e.g. NBI
Clearance, Police Clearance)

04/01/2019

January, February or March 2019
Alin man sa mga buwan na ito ay maaaring magaganap ang A&E Test na noong 2018 pa ninyo hinihintay.

Tandaan:
Ito na ang huling A&E Test na kung saan ang makapapasa ay deretso na sa college at hindi na dadaan pa sa grade 11 & 12 (Senior H.S)
bilang paghahanda, mag review ng maigi para hindi masayang ang pagkakataong ito.
Goodluck.

Happy New Year to all    Make a wish, write it down in the comment section, believe in the power of Jesus' miraculous ha...
31/12/2018

Happy New Year to all
Make a wish, write it down in the comment section, believe in the power of Jesus' miraculous hands, wait for a positive result and that will surely happen this year. Promise
-admin

Address

San Jose Del Monte
3024

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alternative Learning System - ALS Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share