Kap. Ryan Santos

Kap. Ryan Santos Official page of KAPITAN ENRY "RYAN" SANTOS. KAPit lang Gayanos!


Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng mga President ng bawat Senior Citizens Organization sa Barangay Gaya-Gaya na nagl...
15/08/2026

Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng mga President ng bawat Senior Citizens Organization sa Barangay Gaya-Gaya na naglaan ng oras upang dumalo at makinig sa pagpapakilala ng Team Kap. Ryan Santos.

Malaking bagay po sa amin ang inyong presensya, pakikinig at bukas na pakikipag-ugnayan. Ang inyong mga karanasan, suhestiyon at pananaw ay mahalagang bahagi ng pagbuo ng isang barangay na tunay na nagmamalasakit at nagbibigay-halaga sa ating mga nakatatanda.

Maraming salamat po sa inyong tiwala at mainit na pagtanggap. Patuloy po tayong magkaisa para sa isang mas maayos, mas maalaga at mas progresibong Barangay Gaya-Gaya.

Mabuhay po ang ating mga Senior Citizens!
Mabuhay ang Team Kap Ryan Santos! 🧡🩷


13/08/2026
Isang makabuluhang dayalogo ang isinagawa ngayong araw kasama ang mga miyembro ng Samahan ng Electric Bikers sa Barangay...
10/08/2026

Isang makabuluhang dayalogo ang isinagawa ngayong araw kasama ang mga miyembro ng Samahan ng Electric Bikers sa Barangay Gaya-Gaya.

Layunin ng pagpupulong na mapakinggan ang kanilang mga saloobin, suhestiyon at concerns, gayundin ang pagtalakay sa mga hakbang para sa mas maayos, ligtas at responsableng paggamit ng electric bikes sa ating barangay.

Mahalaga ang bukas na komunikasyon at pagtutulungan ng barangay at ng ating mga samahan upang makabuo ng mga solusyong kapaki-pakinabang para sa lahat.

Patuloy nating isusulong ang dayalogo, pakikipagtulungan at pagkakaisa tungo sa isang mas ligtas at maayos na Barangay Gaya-Gaya.




Isang karangalan ang makadalo sa imbitasyon ng Lingap Pagmamahal Senior Citizens para sa kanilang Monthly Meeting, kasam...
09/08/2026

Isang karangalan ang makadalo sa imbitasyon ng Lingap Pagmamahal Senior Citizens para sa kanilang Monthly Meeting, kasama ang buong Lapian ng Team Kap Ryan Santos.

Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap at sa pagkakataong makasama kayo sa isang makabuluhang pagtitipon. Ang inyong mga saloobin, kwento, mungkahi at pangangailangan ay mahalaga sa amin.

Patuloy po kaming makikiisa at magiging katuwang ninyo sa pagsusulong ng mga programa at serbisyong makatutulong sa ating mga senior citizen.
Kayo po ay aming iginagalang, pinahahalagahan at minamahal.

Mula sa Team Kap Ryan Santos, maraming salamat po sa inyong tiwala at patuloy na suporta.




03/08/2026
Isang masayang pagbati sa Estrella Homes 3 Homeowners Association sa matagumpay na pagsasagawa ng kanilang Bingo Bonanza...
02/08/2026

Isang masayang pagbati sa Estrella Homes 3 Homeowners Association sa matagumpay na pagsasagawa ng kanilang Bingo Bonanza Event!

Lubos akong nagpapasalamat sa paanyayang makadalo at makasama ang ating mga kabarangay sa isang pagtitipong puno ng saya, pagkakaisa, at magandang samahan. Kasama ang Team Kap Ryan Santos, patuloy nating ipinapakita ang ating suporta sa mga programang nagpapatibay ng ugnayan sa ating komunidad.

Maraming salamat sa Estrella Homes 3 HOA Officers at sa lahat ng nakiisa sa nasabing programa. Nawa'y mas marami pa tayong sama-samang gawain na magdudulot ng pagkakaisa at kaunlaran para sa ating barangay.

Mabuhay ang Estrella Homes 3 HOA! Mabuhay ang Barangay Gaya-Gaya! 🩷🧡




Ngayong araw ay matagumpay nating naisagawa ang Sagip Mata Project na programa ng Team Kap Ryan Santos at Team Chest sa ...
01/08/2026

Ngayong araw ay matagumpay nating naisagawa ang Sagip Mata Project na programa ng Team Kap Ryan Santos at Team Chest sa Phase 6F Towerville Evacuation Center, na nagbigay ng libreng konsultasyon at serbisyong pangkalusugan sa mata para sa ating mga kabarangay.

Taos-puso po ang aking pasasalamat sa lahat ng mga doktor, medical team, volunteers, at mga katuwang na naging bahagi ng proyektong ito. Gayundin, maraming salamat sa ating mga kabarangay na nakiisa at nagtiwala sa programang ito.

Patuloy po nating isusulong ang mga serbisyong naglalayong pangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng bawat residente. Sama-sama nating itaguyod ang isang mas malusog at mas maunlad na Barangay Gaya-Gaya.




Isang karangalan ang makadalo at makiisa sa KADIWA sa Barangay na ginanap sa Heroesville 1 Court, isang programang hatid...
28/07/2026

Isang karangalan ang makadalo at makiisa sa KADIWA sa Barangay na ginanap sa Heroesville 1 Court, isang programang hatid nina Mayor Rida Robes at Congressman Arthur Robes, katuwang ang City Agriculture Department sa pangunguna ni Mam Flora San Felipe.

Layunin ng programang ito na mailapit sa ating mga kababayan ang sariwa, dekalidad, at abot-kayang mga produktong agrikultural habang patuloy na sinusuportahan ang ating mga lokal na magsasaka at mga mamimili.

Maraming salamat sa ating mga HOA Officers na naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng programa, gayundin sa lahat ng residenteng nakiisa at sumuporta

Patuloy nating suportahan ang mga programang naglalayong mapabuti ang kabuhayan at kapakanan ng bawat pamilyang Gayanos!

Serbisyong may malasakit, para sa mas maunlad na Barangay Gaya-Gaya!




Noong Biyernes, ako ay nakibahagi sa isinagawang seminar ng SELDA Group, isang makabuluhang pagtitipon na naglalayong ma...
27/07/2026

Noong Biyernes, ako ay nakibahagi sa isinagawang seminar ng SELDA Group, isang makabuluhang pagtitipon na naglalayong magbigay ng karagdagang kaalaman at pagpapalakas ng kakayahan ng mga kalahok.

Ang mga ganitong programa ay mahalagang pagkakataon upang matuto, makipagpalitan ng ideya, at higit pang mapahusay ang ating paglilingkod sa komunidad. Ang bawat bagong kaalaman at karanasan ay nagsisilbing gabay sa patuloy nating paghahatid ng tapat, mahusay, at makabuluhang serbisyo para sa ating mga kababayan.

Maraming salamat sa SELDA Group sa paanyaya at sa matagumpay na pagsasagawa ng seminar. Nawa'y magpatuloy ang ating pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikabubuti ng ating komunidad.




Address

Brgy. Gaya-gaya
San Jose Del Monte
3023

Telephone

+639090497023

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kap. Ryan Santos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category