City of San Jose del Monte Public Information Office

City of San Jose del Monte Public Information Office This is the Official page of the City of San Jose del Monte Public Information Office.

  SA MGA TANGGAPAN NG GOBYERNO AT KLASE SA LAHAT NG ANTAS SA HUWEBES, AUGUST 6, 2026. Alinsunod sa Memorandum Circular N...
05/08/2026

SA MGA TANGGAPAN NG GOBYERNO AT KLASE SA LAHAT NG ANTAS SA HUWEBES, AUGUST 6, 2026.

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 122 na inilabas ng Office of the President, suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang na ang lalawigan ng BULACAN dahil sa inaasahang patuloy na buhos ng malakas ulan dulot ng Tropical Storm at Southwest Monsoon o Habagat.

Magpapatuloy naman sa kanilang operasyon ang mga ahensyang ang tungkulin ay ang paghahatid ng basic at health services, kahandaan at pagtugon sa sakuna at kalamidad, at/o iba pang mahalagang serbisyo.

Samantala, ang suspensyon naman ng trabaho sa mga pribadong kumpanya ay nasa diskresyon ng pamunuan nito.


  📣Upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong  , sa di...
05/08/2026

📣

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong , sa direktiba ni Mayor Ate Rida Robes, SUSPENDIDO ang klase sa LAHAT NG ANTAS sa pampubliko at pribadong paaralan BUKAS, Huwebes, August 6, 2026.

Dahil dito, ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of Learning upang masiguro ang patuloy na pagkatuto ng mga bata sa kabila ng masamang panahon.

Paalala naman ng lokal na pamahalaan at ni Mayor Ate Rida na manatili na lamang muna sa loob ng tahanan ang mga mag-aaral hangga't maaari at patuloy na tumutok sa mga abiso at mahahalagang updates mula sa official pages ng City Government.

Keep safe, San Joseños! 🫡


📣

ADM pa rin sa The Rising City, mga anak!

Dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong , SUSPENDIDO ang klase sa LAHAT NG ANTAS sa pampubliko at pribadong paaralan bukas, Huwebes, August 6, 2026.

Habang hindi pa humuhupa ang sama ng panahon, pansamantala munang ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of Learning upang tuloy-tuloy pa rin ang inyong pagkatuto mula sa inyong mga tahanan.

Mga anak, mas mahalaga ang inyong kaligtasan, kaya manatili muna kayo sa loob ng bahay at iwasan ang paglabas hangga’t hindi kinakailangan.

Abangan ang mga opisyal na anunsyo at abiso mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa ating mga official pages.

Mag-ingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseño! 🧡







05/08/2026

Panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyal ng Homeowners’ Association (HOA) Federation at Civil Society Organization (CSO) sa lungsod, pinangunahan ni Mayor Ate Rida Robes; at Pagpapalawig sa mga programa at aktibidad ng lungsod sa ilalim ng City Nutrition Program para sa mga serbisyong medikal, tinalakay ng Sangguniang Panlungsod.

‘Yan at iba pang mga kaganapan, sa Balitang San Jose N’yo Express.








05/08/2026

Mula Kongreso hanggang sa The Rising City, tuloy-tuloy ang serbisyong may malasakit para sa bawat Pamilyang San Joseño.

Nag-ulat si Congressman Arthur Robes sa mamamayan tampok ang mga programang naipatupad, mga panukalang batas na isinulong, at mga hakbang tungo sa mas maunlad at mas matatag na kinabukasan para sa lone district ng San Jose del Monte.

Ang mahahalagang kaganapan sa State of the District Address 2026, panoorin sa ulat ni Ayen Eisma.








05/08/2026

Tampok sa unang isang taon ng serbisyo at lideratong may puso ni Mayor Florida “Ate Rida” P. Robes ang hindi mabilang na tagumpay at milya-milyang hamon ng panahon na sama-samang nilagpasan dahil sa hindi matatawarang mga proyekto’t programang tatak Alagang San Joseñong inihatid at patuloy na inilalapit ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa lahat ng sektor sa The Rising City.

Ang makabuluhang State of the City Address 2026 ng pinakaunang babaeng Punong Lungsod, tunghayan sa report ni Emerhey Dig.








05/08/2026

Hindi naging madali ang pagharap ng Pamilyang San Joseño sa mga bantang dulot ng kalamidad, ngunit dahil sa malinaw na direksyong pinangunahan ni Mayor Ate Rida Robes katuwang ang buong Local Disaster Risk Reduction and Management Council, ang mga San Joseño nakakapaghanda at nasiguro ang kaligtasan ng lahat.

Bunga ito ng bayanihang may malinaw na plano, mahusay na koordinasyon, at maagap na pagkilos ng pinagsamang puwersa ng mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod, katuwang ang matatag na pamunuan ng bawat barangay. Higit sa lahat, muli nitong pinatunayan na buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa dugo ng bawat San Joseño—mula sa mga rescuer, volunteer, kawani ng pamahalaan, barangay officials, hanggang sa mga ordinaryong mamamayang handang mag-abot ng tulong, magbahagi ng pag-asa, at magkaisa upang matiyak ang kaligtasan ng bawat pamilya.

Bukod sa mabilis na pagtugon sa panahon ng sakuna, mas pinaigting din ng lungsod ang kahandaan, maagap na pagbibigay ng impormasyon, at sama-samang pagkilos ng komunidad—mga hakbang na nagpatibay sa layuning walang maiiwan at bawat buhay ay mapapangalagaan.

Ang iba pang detalye, sa report ni Emerhey Dig.


IN PHOTOSUmarangkada ang Alagang Kay Ganda ni Mayor Ate Rida sa Marangal Elementary School, Barangay Gaya-gaya, nitong M...
05/08/2026

IN PHOTOS

Umarangkada ang Alagang Kay Ganda ni Mayor Ate Rida sa Marangal Elementary School, Barangay Gaya-gaya, nitong Miyerkules, August 5.

Kasama sa mga pampering services na natanggap ng 80 teaching and non-teaching personnel ang free haircut, hair color, hair treatment, at body massage.

Magpapatuloy ang Team AKG sa pag-ikot sa bawat sulok ng lungsod upang ihatid ang libreng makeover at pamper time para sa bawat pamilyang San Joseño.

📍 Marangal Elementary School, Barangay Gaya-gaya
📷 Team AKG








IN PHOTOS Pormal nang tinanggap ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Ospital ng Lungsod ng San Jose del Monte ang mg...
05/08/2026

IN PHOTOS

Pormal nang tinanggap ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Ospital ng Lungsod ng San Jose del Monte ang mga medical at IT equipments na handog ng The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints sa isinagawang Turnover Ceremony nitong Miyerkules, August 5.

Kabilang sa mga donasyon ay ang 25 hospital beds, 30 weighing scales, 40 height boards, 20 wheelchairs, 5 laptop computers, 5 printers, 2 blood storage fridges, 2 WBC differential counters, at isang Heat Block Dry Bath na bahagi ng taunang panata ng simbahan sa pakikiisa nito sa mga serbisyong panlipunan para sa kanilang mga kababayan.

Sa pangunguna ni Mayor Ate Rida Robes kasama sina City Health Officer Dr. Roselle Tolentino at mga kawani ng OLSJDM, ipinaabot ng Pamahalaang Lungsod ang lubos nitong pasasalamat sa suporta, malasakit, at pakikiisa ng simbahan sa mga layunin at serbisyong pangkalusugan na isinusulong ng lokal na pamahalaan upang mapabuti at mas maramdaman pa ang mga serbisyong medikal para sa bawat San Joseño.

📍Ospital ng Lungsod ng San Jose del Monte, Barangay Bagong Buhay I
📸 Mags Oliva








05/08/2026

Tubig ang isang pangunahing pangangailangan na hindi dapat ipinagkakait sa kahit sinong pamilya. Ngunit para sa libu-libong San Joseño, ito ang naging pinakamabigat na hamon.

Sa harap ng isang krisis na matagal nang kinakaharap ng lungsod, pinili ng Pamahalaang Lungsod na hindi manahimik. Mula sa agarang aksyon hanggang sa matitinding desisyong nagbukas ng bagong yugto ng pagbabago, ito ang kuwento ng isang lideratong buong tapang na lumaban upang maibalik ang bawat patak ng pag-asa sa bawat tahanan.

Ang bawat hakbang ng City Government sa pangunguna ni Mayor Ate Rida Robes, balikan sa report ni Jeff Andrade.


IN PHOTOSNaging sentro ng talakayan ng 57th Regular Session ng ika-9 na Sangguniang Panlungsod na pinamunuan ni City Vic...
05/08/2026

IN PHOTOS

Naging sentro ng talakayan ng 57th Regular Session ng ika-9 na Sangguniang Panlungsod na pinamunuan ni City Vice Mayor Arlene Bartolome-Arciaga ang panukalang ordinansa na naglalayong paunlarin ang City Nutrition Program ng Lungsod ng San Jose del Monte nitong Miyerkules, August 5.

Sa parehong sesyon, inaprubahan rin ang isang panukalang kapasiyahan na nagbibigay-pugay sa yumaong si Atty. Napoleon Marapao bilang pagkilala sa kanyang tapat na paglilingkod bilang City Legal Officer ng lungsod mula 2007 hanggang 2009.

Patuloy na isinusulong ng Sangguniang Panlungsod ang mga panukalang ordinansa at kapasiyahan na naglalayong higit pang mapaunlad ang mga programa, serbisyo, at kapakanan ng bawat Pamilyang San Joseño.

📍 SP Session Hall, New Government Center, Barangay Dulong Bayan
📸 Jonathan Dasal








Address

Public Information Division, New Government Center, Barangay Dulong Bayan
San Jose Del Monte
3023

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City of San Jose del Monte Public Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to City of San Jose del Monte Public Information Office:

Shortcuts

Share