Barangay Gaya-Gaya City of San Jose Del Monte Bulacan

Barangay Gaya-Gaya City of San Jose Del Monte Bulacan PAMAHALAANG BARANGAY NG GAYA-GAYA OFFICIAL
-
Layunin naming maghatid ng tamang impormasyon, anunsyo, at serbisyong pangkomunidad para sa lahat ng Gayanos!

Pinamumunuan ni Punong Barangay Enry Ryan Santos
Serbisyong Tapat, Malasakit para sa Lahat.
-

NANDITO NA SI CHITO, SI CHITO MIRANDA! MAGRARAKRAKAN DITO IN 5, 4, 3, 2… πŸ”₯CONFIRMED, MAY HAHABOL SA TANGLAWAN FESTIVAL 2...
04/09/2026

NANDITO NA SI CHITO, SI CHITO MIRANDA! MAGRARAKRAKAN DITO IN 5, 4, 3, 2… πŸ”₯

CONFIRMED, MAY HAHABOL SA TANGLAWAN FESTIVAL 2026! 🫡🏼

Mapupuno ang langit ng bituin at sabay-sabay tayong kikiligin sa haranang handog ng iconic OPM rock band na Parokya ni Edgar, BUKAS NA sa City College Grounds! 🎸🎢



04/09/2026

Simula na ng BAGONG DEKADA ng Tanglawan Festival at BAGONG KASAYSAYAN para sa The Rising City of San Jose del Monte!

Hudyat na ito ng bagong pahina ng mas maningning na tagumpay, dobleng saya, at mas progresibong lungsod na patuloy na umaangat at tumatatak sa madla.

Abangan ang lahat ng kaganapan at iba pang mahahalagang balita at impormasyon sa Balitang San Jose N’yo, 11th Tanglawan Festival, Best of 2026 and 26th Cityhood Anniversary Special Coverage hatid ng buong pwersa ng Public Information Office!




Tanglaw Konsiyerto para sa Pamilyang San JoseΓ±o | CONCERT GUIDELINESSeptember 5, 2026 | 5:00 PMCity College of San Jose ...
04/09/2026

Tanglaw Konsiyerto para sa Pamilyang San JoseΓ±o | CONCERT GUIDELINES
September 5, 2026 | 5:00 PM
City College of San Jose del Monte Open Grounds, Brgy. Minuyan Proper

π—–π—’π—‘π—–π—˜π—₯𝗧 π—šπ—¨π—œπ——π—˜π—Ÿπ—œπ—‘π—˜π—¦
1. Entrance Gate is located at City College of San Jose del Monte and will open at 4:00 PM. Show starts at 7:00 PM.
2. The Concert is OPEN FOR ALL! Expect thousands of attendees so make sure to be there early. General admission is FIRST COME FIRST SERVED.
3. This is a standing concert, strictly no reservation.
4. Senior Citizens, Pregnant Women, and PWDs are DISCOURAGED to attend the concert.
5. Bringing of large bags are highly discouraged.
6. Bringing of umbrellas will not be allowed. San JoseΓ±o Concert goers are encouraged to bring their own raincoats.
7. Please be mindful of your belongings during the concert.
8. Dress appropriately.
9. Lastly, ENJOY THE CONCERT!

PROHIBITED ITEMS / ACTIVITIES
- Smoking/Vaping
- Sharp/Pointed Objects
- Noise Makers
- Flammable/Lighters
- Bottled Waters/Drinks
- Alcoholic Beverages
- Children below 15 years old

π——π—˜π—¦π—œπ—šπ—‘π—”π—§π—˜π—— 𝗣𝗔π—₯π—žπ—œπ—‘π—š 𝗔π—₯π—˜π—”π—¦
Please note that parking spaces in the area are limited and allocated on a first-come, first-served basis.

- In front of City Sports Complex (please see graphics for reference)

Sama-sama tayong mag-enjoy sa konsiyerto nang may disiplina at malasakit bilang isang responsableng San JoseΓ±o!

See you there!








PABATID mula sa Metro Pacific Bulacan Water Magsasagawa ang MPBW ng mapping activity sa mga sumusunod na lugar ngayong B...
04/09/2026

PABATID mula sa Metro Pacific Bulacan Water

Magsasagawa ang MPBW ng mapping activity sa mga sumusunod na lugar ngayong Biyernes, September 4.

Layunin ng aktibidad na ma-verify ang lokasyon ng metro ng mga active at inactive consumers, kumuha ng litrato at iba pang kinakailangang detalye, at matukoy kung residential o commercial ang kategorya ng linya.

Paalala sa mga consumer na makipagtulungan at magbigay lamang ng impormasyon sa mga awtorisadong personnel na nakasuot ng uniporme at may dalang valid ID ng USI. Hinihikayat ang lahat na tiyaking tama at lehitimo ang pagkakakilanlan ng mga magsasagawa ng mapping activity.



Ano po ba ang Mapping Activity:

1. Beripikasyon ng lokasyon ng metro ng active at inactive consumers
2. Kukuhanan ng litrato at iba pang detalye
3. Susuriin ang kategorya ng inyong linya kung residential o commercial ba ito.

Paalala lang po na magtiwala at magbigay lamang po ng impormasyon sa mga naka-uniporme na may kasamang ID ng USI personnel para dito.

TINGNANGAWAD GALING BARANGAY BULACAN - FINALISTIsang karangalan para sa Pamahalaang Barangay ng Gaya-Gaya ang pagkilala ...
04/09/2026

TINGNAN

GAWAD GALING BARANGAY BULACAN - FINALIST

Isang karangalan para sa Pamahalaang Barangay ng Gaya-Gaya ang pagkilala sa ating butihing Punong Barangay, Enry β€œRyan” Santos bilang finalist sa kategoryang Natatanging Punong Barangay ng Gawad Galing Barangay Bulacan 2026.

Bilang bahagi ng susunod na yugto ng kompetisyon, inaasahang dadalo ang ating Punong Barangay sa Briefing of Finalists, at Final Interview sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, City of Malolos, Bulacan.

Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagsusumikap at paglilingkod para sa ating mga kababayan.




PASASALAMAT SA MGA DONORS SA PANAHON NG MALAKAS NA PAG-ULAN DULOT NG HABAGATTaos-puso ang pasasalamat ng Pamahalaang Bar...
04/09/2026

PASASALAMAT SA MGA DONORS SA PANAHON NG MALAKAS NA PAG-ULAN DULOT NG HABAGAT

Taos-puso ang pasasalamat ng Pamahalaang Barangay Gaya-Gaya sa lahat ng indibidwal, grupo, at organisasyon na nagpaabot ng tulong sa ating mga residenteng naapektuhan ng malakas na pag-ulan dulot ng Habagat noong nakaraang linggo.

Kabilang sa mga ipinagkaloob na donasyon ang pagkain, inuming tubig, damit, newborn clothes, at iba pang pangunahing pangangailangan ng ating mga evacuees.

Kapansin-pansin din ang ipinakitang malasakit at pagkukusa ng ating mga kabataan, partikular ng mga estudyante, na hindi nag-atubiling makiisa sa mga relief efforts. Ang kanilang inisyatibo ay patunay na ang diwa ng bayanihan ay patuloy na namamayani sa ating komunidad.

Lubos ang aming paghanga at pasasalamat sa lahat ng naglaan ng kanilang oras, resources, at tulong para sa ating mga kabarangay. Sa panahon ng pangangailangan, ang inyong malasakit ay naging malaking bahagi ng pagtugon at pagbangon ng ating komunidad.

Lalo’t higit sa ating butihing Punong Lungsod, Mayor Ate Rida Robes, at sa ating minamahal na Congressman Arthur Robes, na palaging nauunang tumugon at hindi nag-aatubiling magpaabot ng tulong sa oras ng pangangailangan. Ang kanilang agarang pagkilos at malasakit ay malaking bahagi ng ating sama-samang pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kabarangay, lalo na ng ating mga evacuees.

Mula sa ating butihing Punong Barangay, Enry Ryan Santos, kasama ang Sangguniang Barangay at mga kawani ng Barangay Gaya-Gaya, maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa.

Sa bawat donasyon, bawat pagkukusa, at bawat pagtulongβ€”nananatiling buhay ang tunay na diwa ng bayanihan sa Barangay Gaya-Gaya.






IBOTO NATIN ANG CLUSTER 9!Gayanos, oras na para ipakita ang ating buong suporta sa Cluster 9, na kinabibilangan ng ating...
03/09/2026

IBOTO NATIN ANG CLUSTER 9!

Gayanos, oras na para ipakita ang ating buong suporta sa Cluster 9, na kinabibilangan ng ating minamahal na Barangay Gaya-Gaya, sa Tanglawan Festival 2026 – Arya-Aryahan: Sayaw ng Kultura, Indak ng Pagkakaisa!

Isang boto mo, malaking ambag sa ating mga kabarangay na buong puso at husay na kumakatawan sa ating lugar!

BUMOTO DITO:
https://www.facebook.com/share/1HgQRnVGk1/

Huwag nang magpatumpik-tumpikβ€”boto na at hikayatin ang iba!







ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON SEPTEMBER 4Pursuant to Memorandum Circular No. 134, alternative learning modes...
03/09/2026

ALTERNATIVE LEARNING MODES FOR SCHOOLS ON SEPTEMBER 4

Pursuant to Memorandum Circular No. 134, alternative learning modes and learning continuity measures shall be implemented at all levels in public and private educational institutions in the National Capital Region and the following provinces on September 4, 2026, unless their respective Local Chief Executives direct the cancellation or suspension of classes:

πŸ“ National Capital Region (NCR)
πŸ“ Ilocos Norte
πŸ“ Ilocos Sur
πŸ“ La Union
πŸ“ Pangasinan
πŸ“ Abra
πŸ“ Benguet
πŸ“ Zambales
πŸ“ Bataan
πŸ“ Bulacan
πŸ“ Tarlac
πŸ“ Pampanga
πŸ“ Cavite
πŸ“ Laguna
πŸ“ Batangas
πŸ“ Occidental Mindoro

The measure is in view of the anticipated continued heavy rainfall associated with the enhanced Southwest Monsoon (Habagat) and poor air quality in the NCR caused by haze from severe forest and peatland fires in Kalimantan and Sumatra, Indonesia.

Localized cancellation or suspension of classes in other areas may be implemented by their respective Local Chief Executives.

MALIGAYANG KAARAWAN! Isang taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating masipag, maalaga, at maaasahang Barangay ...
02/09/2026

MALIGAYANG KAARAWAN!

Isang taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating masipag, maalaga, at maaasahang Barangay Health Worker (BHW), Ate Flora Tianzon!

Maraming salamat po sa inyong tapat na paglilingkod, malasakit, at walang sawang pag-aalaga sa kalusugan at kapakanan ng ating mga kabarangay. Ang inyong pagiging handang tumulong at magbigay-serbisyo sa bawat nangangailangan ay tunay na nagpapakita ng inyong puso para sa komunidad.

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, sapat na lakas, mahabang buhay, at maraming biyaya upang patuloy ninyong maibahagi ang inyong kabutihan at malasakit sa ating mga kabarangay.

Hangad namin ang isang masaya, makabuluhan, at pinagpalang pagdiriwang ng inyong kaarawan kasama ang inyong mga mahal sa buhay. πŸ’

Maligayang Kaarawan po, Ate Flora Tianzon!
Nawa'y maging kasingganda ng inyong pusong mapaglingkod ang bawat araw ng inyong buhay.

Mula sa ating butihing Punong Barangay, Enry β€œRyan” Santos, Sangguniang Barangay, at mga Kawani ng Barangay Gaya-Gaya.




PAKIKIRAMAY MULA SA PAMAHALAANG BARANGAY NG GAYA-GAYAAng Pamahalaang Barangay ng Gaya-Gaya, sa pangunguna ng ating butih...
02/09/2026

PAKIKIRAMAY MULA SA PAMAHALAANG BARANGAY NG GAYA-GAYA

Ang Pamahalaang Barangay ng Gaya-Gaya, sa pangunguna ng ating butihing Punong Barangay Enry Ryan Santos, kasama ang lahat ng mga opisyal at kawani nito, ay taos-pusong nakikiramay sa pagpanaw ng ating minamahal na kasamahan, Barangay Tanod na si Ronald Belir Repedro, na mas kilala ng marami bilang β€œTL” o β€œBogs.”

Ang aming kasamahang si Ka Ronald ay naglaan ng bahagi ng kanyang buhay sa tapat at dedikadong paglilingkod bilang Barangay Tanod ng Barangay Gaya-Gaya.

Sa tungkuling kanyang ginampanan, ipinamalas niya ang kanyang kasipagan, pagiging responsable at dedikasyon. Bilang Barangay Tanod, hindi biro ang kanyang naging tungkulin. Sa bawat oras ng pagbabantay, pagresponde at pagtulong sa mga pangangailangan ng komunidad, naging bahagi siya ng serbisyong mahalaga sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng ating mga kabarangay.

Bagama't siya ay namaalam na, ang kanyang mga naiambag, mabuting pakikitungo, at mga taon ng paglilingkod ay mananatiling bahagi ng alaala ng mga taong kanyang nakasama at napaglingkuran.

Sa ngalan ng buong Pamahalaang Barangay ng Gaya-Gaya, ipinapaabot namin ang aming taos-pusong pakikiramay sa kanyang asawa, sa kanyang mga anak, mga kaanak, kaibigan, mga kasamahan, at lahat ng kanyang mga mahal sa buhay. Nawa'y pagkalooban kayo ng Poong Maykapal ng lakas, at kapanatagan ng loob sa gitna ng inyong pagdadalamhati.

Maraming salamat, Kuya Ronald, sa iyong naging serbisyo sa ating barangay.

Ang iyong tahimik ngunit tapat na paglilingkod, dedikasyon sa tungkulin, at malasakit sa kapwa ay mananatiling bahagi ng alaala ng ating komunidad. Ang mga taon na iyong inilaan sa paglilingkod bilang Barangay Tanod ay isang mahalagang ambag na nararapat kilalanin at pahalagahan.

Para sa mga nagnanais pong makiramay sa pamilya ni Ka Ronald Belir Repedro, ang kanyang labi ay nakaburol sa:

Lamay: Towerville 6B, Multi-purpose Hall.
Libing: Septemeber 5, 2026 | 2PM | St. Joseph Cemetery

RONALD β€œTL” β€œBOGS” REPEDRO
Hunyo 29, 1969 – Agosto 22, 2026

Maraming salamat sa iyong serbisyo.
Paalam, TL

β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž

Address

Barangay Hall Gaya-Gaya, National Road
San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm

Telephone

+639958303936

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Gaya-Gaya City of San Jose Del Monte Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Gaya-Gaya City of San Jose Del Monte Bulacan:

Shortcuts

Share