06/08/2026
TINGNAN
Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng mga paaralan sa pagtugon sa mga banta sa kaligtasan at iba pang hindi inaasahang insidente, nagsagawa ng Bomb Threat Seminar at Lockdown Drill ang San Jose del Monte City Police Station sa San Rafael National High School sa pangunguna ni CCAD PNCO PSSg Frederick Dv. Sunga nitong Miyerkules, August 5.
Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at mapaigting ang kahandaan ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan sa tamang pagtugon sa mga bomb threat at iba pang kritikal na sitwasyon upang higit na mahasa ang kanilang kakayahang kumilos nang mabilis, sigurado, at ligtas sakaling magkaroon ng anumang banta o insidenteng nangangailangan ng agarang pagtugon.
📸 San Rafael National High School Supreme Secondary Learner Government