Barangay Citrus, San Jose del Monte, Bulacan

Barangay Citrus, San Jose del Monte, Bulacan BARANGAY CITRUS PAGE

  ๐Ÿ“ฃADM pa rin sa The Rising City, mga anak!Dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong  , SUSPEN...
05/08/2026

๐Ÿ“ฃ

ADM pa rin sa The Rising City, mga anak!

Dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong , SUSPENDIDO ang klase sa LAHAT NG ANTAS sa pampubliko at pribadong paaralan bukas, Huwebes, August 6, 2026.

Habang hindi pa humuhupa ang sama ng panahon, pansamantala munang ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of Learning upang tuloy-tuloy pa rin ang inyong pagkatuto mula sa inyong mga tahanan.

Mga anak, mas mahalaga ang inyong kaligtasan, kaya manatili muna kayo sa loob ng bahay at iwasan ang paglabas hanggaโ€™t hindi kinakailangan.

Abangan ang mga opisyal na anunsyo at abiso mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa ating mga official pages.

Mag-ingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseรฑo! ๐Ÿงก







๐ŸŒฟ๐Ÿงน CLEAN-UP DRIVE | AGOSTO 1, 2026 ๐Ÿงน๐ŸŒฟ         โœจ Isinagawa ang matagumpay na Clean-Up Drive noong Agosto 1, 2026 sa CC-10...
05/08/2026

๐ŸŒฟ๐Ÿงน CLEAN-UP DRIVE | AGOSTO 1, 2026 ๐Ÿงน๐ŸŒฟ

โœจ Isinagawa ang matagumpay na Clean-Up Drive noong Agosto 1, 2026 sa CC-10, Blk. 44โ€“45, Brgy. Citrus bilang bahagi ng patuloy na adhikain ng ating barangay na mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at kagandahan ng ating kapaligiran. ๐ŸŒฑ๐Ÿ˜๏ธ๐ŸŒ

๐Ÿค Ang nasabing programa ay pinangunahan ng ating butihing Punong Barangay, Kgg. Larry N. Demo, kasama ang mga kagalang-galang na Kagawad na sina Kgwd. Rudy Sanchez at Kgwd. Warlito Cayabyab, katuwang ang masisipag at dedikadong kawani ng Brgy. Citrus. ๐Ÿ‘๐Ÿ‘ฎโ€โ™‚๏ธ๐Ÿ‘ฅ

๐Ÿ’š Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakilahok, nakiisa, at naglaan ng kanilang oras at lakas upang maisakatuparan ang gawaing ito. Ang inyong pagkakaisa at pakikiisa ay patunay ng tunay na diwa ng bayanihan tungo sa isang mas malinis, ligtas, at maayos na pamayanan. ๐Ÿกโœจ๐Ÿ™Œ

๐ŸŒ Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagpapanatili ng kalinisan at pangangalaga sa ating kapaligiran para sa mas magandang kinabukasan ng bawat mamamayan ng Brgy. Citrus. ๐ŸŒณ๐Ÿ’š

๐Ÿ“Œ Mabuhay ang pagkakaisa!
๐Ÿ“Œ Mabuhay ang Brgy. Citrus! ๐ŸŽ‰

๐Ÿงน
๐ŸŒฟ
๐Ÿ’š
๐Ÿค
๐Ÿ˜๏ธ
๐ŸŒฑ
๐ŸŒ
๐Ÿ™Œ
โœจ
๐Ÿ’š

๐Ÿ“ข ABISO SA LAHAT NG MGA RESIDENTE            ๐Ÿ’ง Ipinababatid po sa lahat na magkakaroon ng pansamantalang pagkaantala sa ...
05/08/2026

๐Ÿ“ข ABISO SA LAHAT NG MGA RESIDENTE

๐Ÿ’ง Ipinababatid po sa lahat na magkakaroon ng pansamantalang pagkaantala sa suplay ng tubig (Temporary Water Interruption) sa ating barangay dahil sa isasagawang maintenance activity sa Water Treatment Plant ng Metro Pacific Bulacan Water.

๐Ÿ› ๏ธ Ang naturang maintenance ay bahagi ng kanilang patuloy na pagsisikap upang mapanatili at mapabuti ang kalidad at pagiging maaasahan ng serbisyo ng suplay ng tubig.

๐Ÿชฃ Pinapayuhan ang lahat ng residente na mag-imbak ng sapat na suplay ng tubig bago ang nakatakdang maintenance upang maiwasan ang abala.

๐Ÿ™ Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at kooperasyon. Maraming salamat po.

Dahil sa inaasahang pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong  , SUSPENDIDO muna ang AFTERNOON CLASSES ng mga kindergarten ha...
05/08/2026

Dahil sa inaasahang pag-ulan dulot ng habagat at Bagyong , SUSPENDIDO muna ang AFTERNOON CLASSES ng mga kindergarten hanggang Senior High School ng pampubliko at pribadong paaralan ngayong Miyerkules, August 5, 2026.

Bilang pag-iingat, pansamantalang ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of Learning upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kabataang San Joseรฑo habang nagpapatuloy ang kanilang pagkatuto mula sa kanilang mga tahanan.

Manatiling nakaantabay sa ating mga Official pages para sa mga pinakabagong ulat, anunsyo, at abiso mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte.

Mag-ingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseรฑo! ๐Ÿงก






๐—”๐—™๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—ข๐—ข๐—ก ๐—–๐—Ÿ๐—”๐—ฆ๐—ฆ ๐—ฆ๐—จ๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฆ๐—›๐—œ๐—™๐—ง ๐—ง๐—ข ๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐——๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฌ ๐— ๐—ข๐——๐—˜ (๐—”๐——๐— )In accordance with the directive of the Local Gov...
05/08/2026

๐—”๐—™๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—ข๐—ข๐—ก ๐—–๐—Ÿ๐—”๐—ฆ๐—ฆ ๐—ฆ๐—จ๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฆ๐—›๐—œ๐—™๐—ง ๐—ง๐—ข ๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐——๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฌ ๐— ๐—ข๐——๐—˜ (๐—”๐——๐— )

In accordance with the directive of the Local Government Unit, ๐—ณ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ-๐˜๐—ผ-๐—ณ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฐ๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ฒ๐˜€ ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—น๐—น ๐—น๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—š ๐—˜๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐—ฆ๐—ฐ๐—ต๐—ผ๐—ผ๐—น ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ ๐˜€๐˜‚๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฑ ๐—ผ๐—ป Wednesday, August 5, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ.

To ensure the continuity of learning, ๐—ฎ๐—น๐—น ๐—ฎ๐—ณ๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐—ฐ๐—น๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ฒ๐˜€ ๐˜„๐—ถ๐—น๐—น ๐˜€๐—ต๐—ถ๐—ณ๐˜ ๐˜๐—ผ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—”๐—น๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐——๐—ฒ๐—น๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜† ๐— ๐—ผ๐—ฑ๐—ฒ (๐—”๐——๐— ) on the said date. Learners are advised to accomplish the learning tasks and activities provided by their respective teachers.

Parents and guardians are requested to guide and monitor their children in completing their assigned learning activities at home.
Stay safe, everyone!

๐—ฆ๐—ผ๐˜‚๐—ฟ๐—ฐ๐—ฒ: Mayor Ate Rida Robes page
๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ธ: https://www.facebook.com/share/p/14g3z7ftPUZ/

WEATHER UPDATE Batay sa inilabas na Heavy Rainfall Warning no. 1 ng PAGASA, nananatiling nakataas sa YELLOW WARNING LEVE...
05/08/2026

WEATHER UPDATE

Batay sa inilabas na Heavy Rainfall Warning no. 1 ng PAGASA, nananatiling nakataas sa YELLOW WARNING LEVEL ang lalawigan ng Bulacan, partikular na ang Lungsod ng San Jose del Monte as of 8:00 am ngayong Miyerkules, August 5 at iba pang karatig-lugar dulot ng Southwest Monsoon o Habagat at Bagyong

Pinapaalalahanan ang mga San Joseรฑo na maging handa at magmonitor sa kani-kanilang lugar lalo na sa flood-prone and landslide-prone areas.

Upang maging updated sa ulat panahon at iba pang balita, manatiling nakatutok sa aming Official page.

Stay safe, San Joseรฑo!



04/08/2026

Isang taon ng patuloy na pag-unlad, pag-asa, at masiglang pangkabuhayan!

Tunghayan ang mga isinulong na batas at programang nagpayabong sa ating ekonomiya, serbisyong panlipunan, at sa umuusbong na turismo ng The Rising City of San Jose del Monte.

Ito ang Part 2 ng Balitang San Jose Nโ€™yo First Year Special Report: Alagang San Joseรฑo โ€” Unang Taon ng Serbisyo at Lideratong May Puso.


04/08/2026

PANOORIN

Mensahe ni Mayor Florida "Ate Rida" P. Robes sa Pamilyang San Joseรฑo para sa isang taon ng pagsasama-sama, pagkakaisa, at paglalakbay tungo sa tagumpay at pangarap na nakamit ng The Rising City sa ilalim ng unang taon ng kanyang pamumuno bilang kauna-unahang babaeng Punong Lungsod ng San Jose del Monte.








IN PHOTOSMatagumpay na iniulat ng kauna-unahang babaeng Punong Lungsod, Mayor Florida "Ate Rida" P. Robes, ang mga kagan...
04/08/2026

IN PHOTOS

Matagumpay na iniulat ng kauna-unahang babaeng Punong Lungsod, Mayor Florida "Ate Rida" P. Robes, ang mga kaganapan, tagumpay, at aksyon solusyong isinagawa ng bayanihang pagkilos ng mga lingkod bayan mula sa iba't ibang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa ilalim ng unang taon ng kanyang pamumuno sa State of the City Address (SOCA) 2026 na ginanap nitong Lunes, August 3, sa temang Alagang San Joseรฑo: UNANG TAON ng Serbisyo at Lideratong May Puso.

Bago nito ay ang State of the District Address (SODA) 2026 ng kinatawan ng mga San Joseรฑo sa kongreso, Congressman Arthur B. Robes, kung saan buong giting niyang ibinahagi ang mga panukalang batas at resolusyon na kanyang isinulong, inilaban, at naipasa sa mababang kapulungan para sa kapakanan ng Pamilyang San Joseรฑo at maging ng buong bansa.

Dinaluhan ito ng mga San Joseรฑo mula sa iba't ibang sektor sa lungsod, mga kawani ng lokal at pamahalaang nasyunal, mga Pamunuang Barangay, at marami pang iba.

Sa huli, sama-samang inawit ng Pamilyang San Joseรฑo sa pangunguna nina Mayor Ate Rida Robes at Congressman Arthur Robes kasama ang mga miyembro ng ika-9 na Sangguniang Panlungsod ang himig ng kantang "Handog" ni Florante, sa saliw ng tugtugin ng The Tales of Music Strings by Bojo Luzentales at pag-awit ng Tanglawan Singing Ambassadors (TSA) bilang pagdiriwang sa mga pangarap noon na nakamit ng lungsod at ang mga legasiyang umukit sa kasaysayan ng Lungsod ng San Jose del Monte at sa puso ng bawat Pamilyang San Joseรฑo.

Ang buong kaganapan, abangan sa Balitang San Jose N'yo One Year Special Coverage.

๐Ÿ“ City Convention Center, Barangay Sapang Palay Proper
๐Ÿ“ธ Jonathan Dasal | Kenneth Que | Joh Balizaliza | Ken Resurreccion | Querp Soriano








Address

San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm

Telephone

+639454500861

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Citrus, San Jose del Monte, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share