City of San Jose del Monte Anti-Drug Abuse Council

City of San Jose del Monte Anti-Drug Abuse Council City of San Jose del Monte Anti-Drug Abuse Council Official page

The City of San Jose Del Monte City Anti-Drug Abuse Council (CSADAC) has been institutionalized pursuant to DILG Memorandum Circular Nos. 98-227, 99-106, 2003-131 and 2012-94. It is tasked to provide administrative and technical support to the City Mayor in ensuring full compliance with the provisions of Republic Act No. 9165, otherwise known as the "Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002".

Noong Agosto 5, 2026, nakilahok ang City of San Jose del Monte Anti-Drug Abuse Council (CSADAC), katuwang ang San Jose d...
11/08/2026

Noong Agosto 5, 2026, nakilahok ang City of San Jose del Monte Anti-Drug Abuse Council (CSADAC), katuwang ang San Jose del Monte PNP, sa isinagawang deliberasyon ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Program sa Camp Olivas, San Fernando, Pampanga.

Sa nasabing deliberasyon, sinuri ang aplikasyon ng Barangay San Martin II para sa pagkilala bilang Drug-Cleared Barangay. Ipinresenta ni Punong Barangay Alma P. Palacay ang mga programa, hakbang, at interbensiyong ipinatutupad ng barangay para sa mga indibidwal na kabilang sa drug watchlist.

Samantala, 13 barangay naman ang sumailalim sa retention validation at matagumpay na napanatili ang kanilang status bilang Drug-Cleared Barangays matapos mapatunayang patuloy nilang natutugunan ang mga itinakdang pamantayan ng programa.

Patuloy ang pagtutulungan ng CSADAC, lokal na pamahalaan, kapulisan, at mga barangay, sa pangunguna ni Mayor Ate Rida Robes at sa pangangasiwa ni Vice Mayor Arlene “ABA” Bartolome, upang maisulong ang isang ligtas, mapayapa, at drug-free na komunidad.

̃o


Bilang pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng City of San Jose del Monte Anti-Drug Abuse Council (CSADAC) at ng Auxiliary...
31/07/2026

Bilang pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng City of San Jose del Monte Anti-Drug Abuse Council (CSADAC) at ng Auxiliary Cadence Church Chaplaincy Philippines (ACCCPI), nagsagawa ang CSADAC ng "Illegal Drug Abuse Seminar" noong Hulyo 30, 2026 sa Word of Faith AG Church, Brgy. Dulong Bayan, na dinaluhan ng mga Pastor ng ACCCPI.

Layunin ng seminar na palawakin ang kanilang kaalaman tungkol sa mga makabagong uri ng ilegal na droga, kabilang ang mga v**e products na may liquid ma*****na at Tuklaw, at iba pang mga napapanahong usapin kaugnay ng pag-abuso sa ipinagbabawal na gamot. Ang mga kaalamang ito ay inaasahang magsisilbing mahalagang gabay sa kanilang pagtuturo at pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga mag-aaral ng Junior High School at Senior High School, bilang bahagi ng patuloy na kampanya sa pag-iwas sa ilegal na droga.

Sa pangunguna ni Mayor Ate Rida Robes at sa ilalim ng pangangasiwa ni Vice Mayor Arlene “ABA” Bartolome, patuloy na isinusulong ng CSADAC ang pakikipagtulungan sa mga katuwang na non-government organizations (NGOs) at faith-based organizations upang higit pang mapalakas ang kampanya laban sa ilegal na droga at sama-samang makabuo ng isang ligtas, mapayapa, at drug-free na Lungsod ng San Jose del Monte.

̃o


22/07/2026

Happy Wednesday!
"If you can quit for a day, you can quit for a lifetime."
– Benjamin Alire Sáenz

Matagumpay ang ating Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) General Assembly 2026 na pinangunahan ng City of San Jose ...
17/07/2026

Matagumpay ang ating Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) General Assembly 2026 na pinangunahan ng City of San Jose Del Monte Anti-Drug Abuse Council (CSADAC) noong Hulyo 10, 2026 na ginanap sa Activity Center, Motorpool, Barangay Sapang Palay Proper, CSJDM, Bulacan. Aktibong nakibahagi sa programa ito ang mga Punong Barangay, Kagawad Chairpersons ng Committee on Peace and Order, Barangay Secretaries, at mga SK Chairpersons mula sa District 1 at 2.

Layunin ng assembly ang pagpapalakas ng mga polisiya at programang naglalayong mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat komunidad laban sa ilegal na droga. Sa pagtitipon, tinalakay ang mahahalagang paksa na magsisilbing gabay sa mas epektibong pagpapatupad ng mga programang kontra droga sa antas ng barangay tulad ng mga sumusunod:

• Serbisyo para sa mga nangangailangan ng rehabilitasyon ang In-Patient Drug Rehabilitation Treatment Center at Programs;
• Mga Tungkulin at Responsibilidad ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC);
• Mga proseso, pamantayan, at mahahalagang hakbang ng Barangay Drug Clearing Program.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat nag dumalo at sa aming mga naging resource speaker na nagbahagi ng kanilang kaalaman at suporta:
• Mr. Benedict Pangan – City Local Government Operations Officer, DILG CSJDM Bulacan
• IA V. Liwanag Sandaan – Provincial Officer, PDEA Bulacan
• Dra. Roselle T. Tolentino – City Health Officer
• PLT Alberto R. Sucgang – PNP CSJDM
• Atty. John Elijah B. Bañez – Dangerous Drugs Board (DDB)
• Assistant Secretary Ma. Victoria C. Sorne – Dangerous Drugs Board (DDB)

Ito ay naging possible sa pangunguna ni Mayor Ate Rida Robes, at sa ilalim ng pangangasiwa ni Vice Mayor Arlene “ABA” Bartolome, patuloy na isinusulong ng CSADAC ang pakikipagtulungan sa mga barangay at mga katuwang na ahensya upang makabuo ng isang ligtas, mapayapa, at drug-free na Lungsod ng San Jose Del Monte.

̃o


Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Ate Rida Robes, at sa ilalim ng pangangasiwa ng ating Vice Mayor Arlene “ABA” Bart...
10/07/2026

Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Ate Rida Robes, at sa ilalim ng pangangasiwa ng ating Vice Mayor Arlene “ABA” Bartolome, matagumpay na isinagawa ang Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) Graduation Ceremony para sa mga kalahok mula sa Barangay San Martin 1, Barangay San Martin 2, at Barangay Sta. Cruz 4.

Dumalo rin sa programa ang mga Punong Barangay na sina Hon. Arlando A. Disamburun ng Barangay San Martin 1, Hon. Alma P. Palacay ng Barangay San Martin 2, at Hon. Raymundo Arriesgado ng Barangay Sta. Cruz 4, bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa patuloy na rehabilitasyon at pagbabagong-buhay ng kanilang mga nasasakupan. Naging panauhing tagapagsalita sina PSSg Frederick Sunga at PLT Alberto Sucgang, na nagpahayag ng buong suporta ng kapulisan sa mga indibidwal na nagsisikap na magbago at maituwid ang kanilang landas tungo sa isang mas maayos at produktibong pamumuhay.

Patuloy na isinusulong ng CSADAC, katuwang ang mga barangay at iba pang ahensya, ang Barangay Drug Clearing Program upang matulungan ang ating mga kababayan na makabangon, makapagbagong-buhay, at maging produktibong miyembro ng lipunan. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at suporta ng komunidad, patuloy nating isinusulong ang isang ligtas, mapayapa, at drug-free na Lungsod ng San Jose Del Monte.

̃o


Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2026, matagump...
06/07/2026

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) 2026, matagumpay na nagsagawa ang City of San Jose Del Monte Anti-Drug Abuse Council (CSADAC) ng isang Drug Prevention Seminar sa Barangay Francisco Homes–Guijo noong Hunyo 29, 2026.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga kalahok tungkol sa masasamang epekto ng ilegal na droga at ang aktibong pakikilahok ng komunidad sa pagsusulong ng isang ligtas, mapayapa, at drug-free na pamayanan.

Naging katuwang ng CSADAC ang Barangay Francisco Homes–Guijo, sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Celso A. Apatan, sa matagumpay na pagsasagawa ng seminar. Nagsilbi namang mga resource speaker sina PSSg Frederick Sunga at PLT Alberto Sugcang, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman hinggil sa masasamang epekto ng ilegal na droga, mga paraan ng pag-iwas dito, at ang mahalagang papel ng bawat indibidwal at ng buong komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan.

Ang CSADAC, sa pangunguna ni Mayor Ate Rida Robes at sa ilalim ng pangangasiwa ni Vice Mayor Arlene “ABA” Bartolome, ay patuloy na nagsisilbing katuwang ng bawat barangay sa pagpapatupad ng mga programang pang-iwas sa ilegal na droga at sa pagsusulong ng isang ligtas, maayos, at maunlad na komunidad para sa lahat.

̃o


Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Ate Rida Robes, at sa ilalim ng pangangasiwa ng ating Vice Mayor Arlene “ABA” Bart...
02/07/2026

Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Ate Rida Robes, at sa ilalim ng pangangasiwa ng ating Vice Mayor Arlene “ABA” Bartolome, matagumpay na isinagawa ang Community-Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) Graduation Ceremony para sa mga kalahok mula sa Brgy. San Rafael 4 noong Lunes, Hunyo 22, 2026.

Naging panauhing tagapagsalita si PLT Alberto Sucgang, na nagpahayag ng buong suporta ng kapulisan sa mga indibidwal na nagsisikap na magbago at maituwid ang kanilang landas tungo sa isang mas maayos at produktibong pamumuhay. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan ng iba't ibang sektor upang mabigyan ng pag-asa at pagkakataong makapagbagong-buhay ang mga nangangailangan.

Ang patuloy na pagpapatupad ng Barangay Drug Clearing Program ay isang mahalagang hakbang sa pagtulong sa ating mga kababayan na muling makabangon, makapagbagong-buhay, at maging produktibong miyembro ng lipunan.

̃o

🌱🥬 Vegetable Farming Activity 🥬🌱Matagumpay na isinagawa ang Vegetable Farming Activity kasama ang 30 San Joseño na sumas...
01/07/2026

🌱🥬 Vegetable Farming Activity 🥬🌱

Matagumpay na isinagawa ang Vegetable Farming Activity kasama ang 30 San Joseño na sumasailalim sa Community-Based Drug Rehabilitation Program ng City of San Jose del Monte Anti-Drug Abuse Council (CSADAC), na ginanap sa PAGCOR Complex nitong Huwebes, Hunyo 25. Naging posible ang aktibidad sa pamamagitan ng pagtutulungan ng CSADAC, Public Order and Safety Office (POSO), City Agriculture Office, Community Environment and Natural Resources Office (CENRO), CTM-SCOG, at ng pamunuan ng Barangay Minuyan Proper.

Layunin ng programang ito ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Ate Rida Robes at sa pangangasiwa ng tanggapan ni Vice Mayor Arlene “ABA” Bartolome, na mabigyan ng bagong pag-asa, kasanayan, at direksyon ang mga San Joseñong sumasailalim sa rehabilitasyon upang makabalik sila bilang produktibo at responsableng miyembro ng lipunan.

Higit pa sa pagpaparami ng suplay ng sariwang gulay sa lungsod, ang Vegetable Farming Activity ay nagsisilbing livelihood intervention ng Pamahalaang Lungsod para sa mga San Joseñong nagnanais na baguhin ang kanilang buhay at tuluyang makabangon mula sa epekto ng ipinagbabawal na droga. Sa pamamagitan ng programang ito, nabibigyan sila ng pagkakataong matuto ng makabuluhang kabuhayan at magkaroon ng mas maliwanag na kinabukasan.

̃o


🌈 CSADAC Nakibahagi sa Pride Month Celebration 2026 🌈Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Ate Rida Robes, at sa ilalim ...
30/06/2026

🌈 CSADAC Nakibahagi sa Pride Month Celebration 2026 🌈

Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Ate Rida Robes, at sa ilalim ng pangangasiwa ng ating Vice Mayor Arlene “ABA” Bartolome, nakibahagi ang City of San Jose del Monte Anti-Drug Abuse Council (CSADAC) sa pagdiriwang ng Pride Month na pinangunahan ng INDIGO Inc. at ng iba't ibang LGBTQIA+ organizations sa Lungsod ng San Jose del Monte. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kamalayan, edukasyon, at pagkakaisa sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Sa isinagawang Drug Prevention Awareness Seminar, binigyang-diin ang kahalagahan ng tamang kaalaman at impormasyon hinggil sa pag-iwas sa paggamit ng ilegal na droga, gayundin ang pagpapalakas ng suporta, aktibong partisipasyon, at pakikipagtulungan ng mga miyembro ng komunidad ng LGBTQIA+ sa pagtataguyod ng isang ligtas, malusog, at drug-free na lipunan.

Patuloy nating isulong ang isang inklusibo, mapayapa, at drug-free na komunidad para sa lahat, sapagkat sa pamamagitan ng pagkakaisa, paggalang, at pagtutulungan, mas mapagtitibay natin ang isang ligtas at progresibong Lungsod ng San Jose del Monte. 🏳️‍🌈💜

̃o


TIGNANNoong Hunyo 19, 2026, nagsagawa ang City Anti-Drug Abuse Council (CSADAC) ng Drug Prevention Awareness Seminar par...
26/06/2026

TIGNAN

Noong Hunyo 19, 2026, nagsagawa ang City Anti-Drug Abuse Council (CSADAC) ng Drug Prevention Awareness Seminar para sa Carriedo Chapter ng Tau Gamma Phi sa Barangay Muzon Proper, Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.

Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga kalahok tungkol sa masasamang epekto ng ilegal na droga at hikayatin ang aktibong pakikilahok ng komunidad sa pagsusulong ng isang ligtas, mapayapa, at drug-free na pamayanan.

Patuloy ang pagsisikap ng CSADAC, sa pangunguna ni Mayor Ate Rida Robes at sa ilalim ng pangangasiwa ni Vice Mayor Arlene “ABA” Bartolome, na maihatid sa mga mamamayan ng lungsod ang mahahalagang impormasyon at programang nagtataguyod ng pag-iwas sa ilegal na droga at pagpapaigting ng kamalayang pangkomunidad laban sa pag-abuso sa ipinagbabawal na gamot.

̃o


Address

3rd Floor, Left Wing, Office Of The City Vice Mayor, New Government Center, Brgy. Dulong Bayan
San Jose Del Monte
3023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639685784509

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City of San Jose del Monte Anti-Drug Abuse Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to City of San Jose del Monte Anti-Drug Abuse Council:

Shortcuts

Share