Barangay Francisco Homes NARRA

Barangay Francisco Homes NARRA Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Francisco Homes NARRA, Government Organization, San Jose del Monte.

14/06/2026

SA AKING MGA KABARANGAY na wala pa din kuryente. Ang outage sa Phase 02 at BBF ay napuntahan na ng crew pero hindi nagawa dahil babalikan daw nila at kailangan ng Meralco Basket Truck at ibang materyales
Para sa ibang Phases - nai dispatch na sa Meralco crew. Antay pa din tayo
Kung kaya namin na kami na ang gumawa ng paraan para maayos ang mga nasira ay gagawin po namin pero talagang hanggang tumawag at mangulit sa Meralco hotine lang ang aming kayang gawin
Konting tiis pa po mga kabarangay
Sa mga nais maki charge ng gadgets or emergency lights ay pwede sa Barangay Hall

TINGNAN​Sa bawat paggabay sa munting hakbang ng mga bata, may mga pinunong tapat na umaalalay.​Isang napakahalagang tagu...
19/05/2026

TINGNAN

​Sa bawat paggabay sa munting hakbang ng mga bata, may mga pinunong tapat na umaalalay.

​Isang napakahalagang tagumpay ang nakamit ng ating komunidad! Sa pagkakaisa ng buong Sangguniang Barangay sa pamumuno ni Kapitan Philip Villar, buong-pusong ipinagmamalaki ng Barangay Narra ang parangal na iginawad sa ating Neighborhood Child Development Center.

​Tayo ang naging kauna-unahang Child Development Center sa Francisco Homes, Distrito 1-- na umabot sa antas ng Level 3, na naging posible dahil sa husay at walang sawang paggabay ni Bb. Marissa F. Siervo Child Development Teacher

​Ang pagkilalang ito ay opisyal na ibinigay nitong Mayo 18, 2026, na ginanap sa Exit Conference for Assessment and Recognition sa City Covered Court, Barangay Poblacion ng Tanggapan ng Kapakanang Panlipunan ng Lungsod ng San Jose del Monte.

​Ang parangal na ito ay patunay na ang pangarap natin para sa mga kabataang Narreño ay unti-unti nang nagiging katotohanan. Pagpupugay sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito!









09/05/2026

Sa bawat tibok, may himig ng kalinga.
Sa bawat haplos, may damdamin ng pag-asa.
Ngayong Mother’s Day, damhin ang dakilang pag-ibig ng Ina at sulyapan ang tanglaw nitong liwanag sa kanyang pamilya.

Abangan ang Mother’s Day Special handog ng Public Information Office bukas, May 10, 2026.



✅ ON-GOING NAGPAPATULOY NA NGAYON ANG INSTALASYON NG MGA  STREET LIGHT SA BARANGAY NARRA.  Masiglang isinasagawa ang pag...
10/04/2026

✅ ON-GOING

NAGPAPATULOY NA NGAYON ANG INSTALASYON NG MGA STREET LIGHT SA BARANGAY NARRA.


Masiglang isinasagawa ang pagpapatuloy ng Street Lighting Project sa ating lugar. Kasama natin dito ang ating mga BANTAY BAYAN , ang buong Sangguniang Barangay Council, at sa pamumuno ng ating Chairman.

Salamat sa inyong serbisyo at dedikasyon para sa mas maliwanag at ligtas na komunidad! 🏘️💪

.homesnarra



LATE POST: GENERAL ASSEMBLY -BRGY. NARRA.Kamakailan lang, idinaos ang GENERAL ASSEMBLY ng BRGY. NARRA,- Isang malaking p...
07/04/2026

LATE POST: GENERAL ASSEMBLY -BRGY. NARRA.

Kamakailan lang, idinaos ang GENERAL ASSEMBLY ng BRGY. NARRA,- Isang malaking pasasalamat sa ating councils at kapitan sa kanilang dedikasyon at sa lahat ng mga residente na naglaan ng oras para makilahok. Ang inyong boses ay mahalaga para sa ating BARANGAY.

Patuloy nating suportahan ang mga proyekto at inisyatibo ng ating Chairman at ng Councils para sa ikabubuti ng ating komunidad!




GANAPThank you TEAM CHARLIE Deputy  Mendoza   Torlao  Camacho  Victorino  Golimlim  Nuez  Barrios naayos na ang phase 02...
30/03/2026

GANAP

Thank you TEAM CHARLIE Deputy Mendoza Torlao Camacho Victorino Golimlim Nuez Barrios
naayos na ang phase 02 dulo
Phase G VMS
Phase O
next natin mga pundido at umido ✌️✌️🙏🙏😊😊

– ang mahalaga, ang inyong gawa ay NAGBIBIGAY NG MALIWANAG NA DAAN para sa lahat ng taga-Narra! 🙏 Maraming salamat sa inyong tapat na serbisyo at pagmamahal sa ating barangay! ✨"





TINGNANMga kabarangay, patuloy pa rin ang pag-aayos ng mga ilaw sa ating Barangay Narra! Pinamumunuan ito ng ating BRGY ...
29/03/2026

TINGNAN

Mga kabarangay, patuloy pa rin ang pag-aayos ng mga ilaw sa ating Barangay Narra! Pinamumunuan ito ng ating BRGY CHAIRMAN at ng buong SANGGUNIANG BARANGAY - Narra, kasama ang mga dedikadong BANTAY - BAYAN na buong pusong nagtatrabaho araw-araw. Isaalang-alang po natin ang kanilang sipag at tiyaga – sila ang dahilan kung bakit mas makikita natin ang liwanag para sa mas ligtas na mga kalsada para sa lahat, mula sa mga bata hanggang sa mga matatanda!

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa habang isinasagawa ang mga gawain – at lalong salamat sa ating mga BANTAY BAYAN at OPISYAL na hindi tumitigil hanggang sa maipagkaloob ang mas maliwanag na kinabukasan para sa Barangay Narra!"


. Homes -Narra



KAGANAPAN Sangguniang Barangay ng  Francisco Homes - Narra, Inner Wheel Club District 377, Likhaan Center for Women’s He...
27/03/2026

KAGANAPAN

Sangguniang Barangay ng Francisco Homes - Narra, Inner Wheel Club District 377, Likhaan Center for Women’s Health Inc., ZumbArangkada, Brgy. Francisco Homes-Narra Child Development Workers at iba't iBang Grupo ng mga Zumba : Magkasama sa Laban : Laban sa Kanser sa Serviks! 💪🌸

Hindi lamang pangangalaga sa mga bata ang tungkulin ng Barangay at Child Development Workers - kasama rin sila sa laban kontra kanser sa serviks kasama ang Likhaan Center for Women’s Health Inc., Inner Wheel Club District 377 at iba't ibang organisasyon!

Nagbibigay ng LIBRENG SERBISYO sa pagsusuri at paggagamot sa Kanser sa Serviks, LIBRENG KAALAMAN para maunawaan at mapigilan ang sakit. Sama-sama tayong nagdadala ng pag-asa at kalusugan para sa mga KABABAIHAN sa komunidad!

Laban sa kanser sa serviks – hindi tayo susuko! 💗🤝






UPDATE "Basta't nagkakaisa, ang mahirap ay dumadali. Sa pagtutulungan, ang mabigat ay gumagaan" Maraming Salamat sa atin...
27/03/2026

UPDATE

"Basta't nagkakaisa, ang mahirap ay dumadali. Sa pagtutulungan, ang mabigat ay gumagaan" Maraming Salamat sa ating mga maaasahang BPSO. ♥️♥️♥️ Bukas ulit 🙏🙏♥️♥️😊😊

Sa mga nag report at nag comment sa page ng ating barangay - naiayos at nakumpuni ang inyong mga hinaing sa inyong lugar.
Tuloy tuloy ang pagsasa-ayos ng ating mga streetlights kaya huwag mag atubili na sumangguni sa tanggapan ng ating barangay.

bayan


Address

San Jose Del Monte
3023

Telephone

+63448156041

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Francisco Homes NARRA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share