28/08/2026
📣
Dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng habagat, SUSPENDIDO ang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan bukas, August 29, 2026.
Mga anak, nakikita naman natin ngayon na malakas talaga ang buhos ng ulan kaya hangga't maaari ay huwag lumabas kung hindi naman kailangan. Tumulong sa mga gawaing bahay at siguraduhin na ligtas kayo sa inyong mga tahanan.
Abangan ang mga susunod na opisyal na abiso ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa ating mga official pages para sa iba pang mahahalagang impormasyon.
Kaligtasan ninyo ang una sa ating mga prayoridad, Pamilyang San Joseño! 🧡