26/07/2026
A Repost..
PAALALA PARA SA PUBLIKO TUNGKOL SA DSWD UPLIFT PROGRAM PARA SA MGA POOR AND NEAR POOR CATEGORY (Hindi 4Ps, Walang Gutom at SSS low income earners)
Upang maiwasan ang kalituhan, narito ang ilang mahahalagang paalala tungkol sa implementasyon ng DSWD UPLIFT Program:
π Ang listahan ng mga benepisyaryo ay ipapadala ng DSWD sa mga barangay. Ang tungkulin ng barangay ay ipaalam lamang sa mga nakasama sa listahan ang iskedyul ng payout, lugar ng pamamahagi, at mga kinakailangang dokumento.
π Hindi ang barangay ang gumagawa ng listahan ng mga benepisyaryo. Ang batayan ng DSWD ay ang Community-Based Monitoring System (CBMS) at iba pang proseso ng validation.
π Hindi rin kailangang magpalista sa barangay upang mapasama sa UPLIFT. Kung kwalipikado ang inyong household, makikita na ito sa records ng DSWD.
π Bago ang bawat payout, isinasagawa ng DSWD ang validation at deduplication upang matiyak na ang mga kwalipikadong benepisyaryo lamang ang makatatanggap ng ayuda.
π Kung pumanaw o hindi na kayang tumanggap ng ayuda ang household head, maaari siyang palitan ng adult household member na kabilang din sa parehong household at nakalista sa CBMS, alinsunod sa patakaran ng DSWD.
πPara sa mga nasa malayong lugar dahil sa trabaho o pansamantalang hindi makakadalo, maaaring payagan ang kapalit kung ito ay pinahihintulutan ng DSWD at ang kapalit ay kabilang din sa household na nasa talaan ng CBMS.
π Ang mga opisyal na anunsyo tungkol sa payout, listahan ng mga benepisyaryo, at iba pang detalye ay manggagaling lamang sa DSWD at ipaaabot sa pamamagitan ng inyong barangay o lokal na tanggapan ng social welfare.
Paalala: Basahin at unawaing mabuti ang mga opisyal na anunsyo bago magbahagi ng impormasyon sa social media upang maiwasan ang pagkalat ng maling balita at hindi kinakailangang pagkalito.