13/08/2026
๐ฃ
MGA ANAK, ADM MUNA TAYO BUKAS!
Dahil sa patuloy at inaasahang malakas na pag-ulan dulot pa rin ng habagat, SUSPENDIDO po ang ating face-to-face classes sa LAHAT NG ANTAS ng pampubliko at pribadong paaralan bukas, Biyernes, August 14, 2026.
Mga anak, ang inyong kaligtasan ang palaging nasa puso at unang prayoridad ni Ate Rida. Kaya bilang pag-iingat, pansamantala munang ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) of Learning para tuloy-tuloy pa rin ang inyong pagkatuto sa loob ng tahanan.
Huwag muna tayong lalabas ng bahay kung hindi naman kailangan. Manatili sa bahay, mag-aral nang mabuti, at tumulong muna sa mga gawaing-bahay.
Abangan ang mga susunod na opisyal na abiso mula sa Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte sa ating official page.
Mag-iingat po tayong lahat, Pamilyang San Joseรฑo! ๐งก