12/08/2026
๐๐๐๐๐ญ๐จ๐จ ๐๐๐ง๐ : "๐คซ ANG LIHIM NA KASAYSAYAN:
Noong araw, ang biyahe mula Abra de Ilog hanggang San Jose ay parang kalbaryoโinaabot ng buong araw, walang tulay, at madalas mahiwalay ang mga bayan tuwing may bagyo. Si Nene Sato ang nagtrabaho upang maitayo ang mga pangunahing National Highways, kalsada, at mga tulay na dinadaanan natin ngayon. Siya ang naglatag ng PUNDASYON. Paano ka magkakaroon ng mga negosyo at komersyo ngayon kung walang kalsadang ginawa si Sato noon?
Madaling magsalita at pumuna kung nakatapak ka na sa sementadong daan ngayon. Pero bago natin husgahan ang 30 taon na serbisyo ni Cong. Nene Sato, itanong muna natin: Ano ba ang itsura ng Occidental Mindoro noong 1992 bago siya naupo?
Alam ba ng mga kabataan ngayon kung bakit hindi naging madali ang pag-unlad ng Occidental Mindoro noon? ito ay Dahil sa matinding banggayan sa pulitika. Sa loob ng maraming taon, naging salungat para sa Pamilyang Villarosa na isang
"political tycoon"sa probinsya ang mabuting hangarin at direksyon ni Gob. Nene Sato na isang bagohan.
Noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, si Cong. Amelita Villarosa at Mayor JTV (RIP) ay naging napakalapit na kaalyado ng Malacaรฑang. Dahil ang nooy Gobernador na si Nene Sato ay nasa kabilang partido , natural na ang malalaking pondo mula sa nasyonal na pamahalaan ay dinala sa mga balwarte at kaalyado ng mga Villarosa.
Noong panahon na malakas ang kabilang kampo sa Malacaรฑang, hinarang at ipinagkait ang mga pondo para sa mga proyekto ni Sato. Ang mga permit para sa mga kalsada at infra ay pinatatagal sa lokal na pamahalaan para lamang hindi maipagmalaki ng kampo ni Sato. Umabot pa nga sa punto na natakot ang mga malalaking negosyante na mamuhunan sa ating probinsya dahil sa magulong takbo ng pulitika.
Sa kabila ng pagiging "oposisyon" o kawalan ng dambuhalang kasama at pondo mula sa ehekutibo noong mga panahong iyon, pinilit pa rin ni Nene Sato na itaguyod ang mga pangunahing serbisyo gamit ang limitadong kakayahan ng kanyang opisina.
Sa kabila ng mga panggigipit, harangan, at pambabatikos na naranasan niya sa nakaraan, hindi sumuko si Nene Sato. Binuhat niya ang probinsya para magkaroon tayo ng sementadong daan, maayos na mga paaralan, mga Evacuation Centers o covered court, maayos na opisina ng Gobyerno hanggang sa Manalo sya bilang Congressman at ngayon ay ang sarili nating unibersidad (OMSU).
mali rin na ikumpara tayo sa Oriental Mindoro
dahil Ang Oriental Mindoro ay katabi lang ng Batangas. Sila ang natural na daanan o 'gateway' ng lahat ng sasakyan at kalakal mula Maynila patungong Visayas at Mindanao. bukod rito ang Oriental Mindoro ay may DALAWANG distrito, dalawang Congressman ang humihingi ng pondo sa nasyonal. Ang Occidental Mindoro? IISA lang ang ating boses sa kongreso.
hindi rin hadlang ang kanyang edad sa pagiging produktibo dahil nitong huling bahagi ng 2024 kinilala siya ng United Nations Development Programme (UNDP) bilang ang kauna unahang Asyano na "Champion of Change" . Hindi bibigyan ng ganitong pandaigdigang parangal ang isang lider kung siya ay mahina na o walang ambag.
Tuwing sasapit ang usapan ng pag-unlad, ang isyu ng kuryente at OMECO ang palaging ibinabato kay Cong. Nene Sato. Sinasabi ng mga kritiko na sya ay may share sa Omeco, kasalanan daw niya ang rotational brownouts. Pero teka, alam ba talaga natin kung paano gumagana ang sistema ng kuryente?
Ang tunay na long-term solution para sa buong isla ay ang paglalagay ng submarine cable upang maikabit ang Mindoro sa National Grid, na isang dambuhalang proyekto na nasyonal na gobyerno lamang (National Grid Corporation of the Philippines o NGCP) ang may kakayahang magdesisyon para gawin. at yan ang pamanang iiwanan sa atin ni Nene Sato kahit wala na sya sa Pwesto. ang legasiya nya sa paulit ulit na pakikipag dayalogo sa NGCP para pasimulan sa madaling panahon ang pagpapailaw sa buong isla ng Mindoro. at sa katunayan yan ay sinisimulan na at nakatakdang matapos sa 2030.
Kung hindi dahil sa kanyang pangigipit sa mga pambansang ahensya, mas maaga pang nabaon sa dilim ang lalawigan.
Isipin ninyo, kung sa gitna ng matinding paninira at pambabatikos ay marami siyang naitatag, gaano pa kaya kung bibigyan natin siya ng buong tiwala ngayon?"
Ang Occidental Mindoro ay hindi nangangailangan ng 'on-the-job training' o mga baguhang mag-eeksperimento pa lang sa posisyon. Kailangan natin ng subok na subok na, may paninindigan, at may tunay na malasakit. Ang 'Iron Lady' ng Mindoro ay patuloy na lalaban para sa atin!