CSWDO San Jose City Nueva Ecija

CSWDO San Jose City Nueva Ecija Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from CSWDO San Jose City Nueva Ecija, Social service, Social Service Compound, Brgy. Sto. Niño 1st, San Jose.

PAG-ASA YOUTH ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES (PYAP)LEADERSHIP TRAINING AND TEAM BUILDING ​Nitong Agosto 15, 2026, kasaba...
17/08/2026

PAG-ASA YOUTH ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES (PYAP)
LEADERSHIP TRAINING AND TEAM BUILDING

​Nitong Agosto 15, 2026, kasabay ng Linggo ng Kabataan matagumpay na isinagawa ang Leadership Training and Team Building para sa mga miyembro ng Pag-Asa Youth Association of the Philippines (PYAP) - San Jose Chapter.

​Tampok sa aktibidad ang opisyal na panunumpa ng mga bagong lider ng organisasyon na pinangunahan ni Vice Mayor Evangel Shalom Manugue.

​Ang PYAP, sa ilalim ng pamamahala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay binubuo ng mga kabataang edad 15 hanggang 30. Layunin nitong itaguyod ang kapakanan ng kabataan sa pisikal, mental, kultural at espirituwal upang maging produktibo, at responsableng mamamayan.

​Sa patuloy na pag-agapay ni Mayor Josel James Violago at ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), nakatutok ang ating Lungsod sa paghubog sa mga kabataan para sa masigurado ang kanilang maayos na bukas at maunlad na komunidad!

🌧️ PAALALA SA ATING MGA KALUNGSOD NA APEKTADO NG PATULOY NA PAG-ULAN 🌧️Dahil sa patuloy na pag-ulan na nararanasan sa at...
16/08/2026

🌧️ PAALALA SA ATING MGA KALUNGSOD NA APEKTADO NG PATULOY NA PAG-ULAN 🌧️

Dahil sa patuloy na pag-ulan na nararanasan sa ating lungsod, may ilan po tayong mga kabarangay na patuloy na nakararanas ng pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon.

Para po sa ating mga kababayan, nais po naming ipaalala na maituturing na apektado ng bagyo o kalamidad ang isang pamilya kung sila ay direktang nakaranas ng epekto nito, tulad ng:

🏠 Pagpasok ng tubig-baha sa loob ng kanilang bahay o tirahan;
🚨 Sapilitang paglikas o pag-evacuate dahil sa panganib dulot ng pagbaha o iba pang epekto ng kalamidad;
🏚️ Pagkasira ng bahay o pagkawala ng mahahalagang kagamitan dahil sa kalamidad;
💼 Direktang naapektuhan ang kanilang kabuhayan o pinagkakakitaan; at
⚠️ Iba pang sitwasyon kung saan ang kaligtasan, pangangailangan, at pang-araw-araw na pamumuhay ng pamilya ay direktang naapektuhan ng sakuna.

📢 PARA SA MGA PAMILYANG NAKARANAS NG GANITONG SITWASYON:
Maaari lamang po kayong makipag-ugnayan sa inyong Barangay Officials, Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC), ating mga Day Care Workers, community volunteers at leaders, upang maitala at maipaabot ang inyong kalagayan.

Maaari rin po kayong makipag-ugnayan sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) o City Social Welfare and Development Office (CSWDO) para sa kaukulang monitoring, validation, assessment, at pagtugon sa inyong mga pangangailangan.

Ang inyong mga ulat ay mahalaga upang matukoy ang mga pamilyang higit na nangangailangan ng agarang suporta at serbisyo mula sa pamahalaang lungsod.

Patuloy po ang pakikipag-ugnayan ng CSWDO at CDRRMO sa ating mga barangay upang masig**o ang kaligtasan at kapakanan ng bawat pamilyang San Josenian.

Manatiling ligtas at maging alerto. Ang inyong pamahalaang lungsod ay patuloy na nakaagapay sa inyo.



Isang makabuluhan at masayang araw ng kaalaman ang hatid ng Balik-Eskwela Information Caravan sa Sto. Niño 3rd National ...
15/08/2026

Isang makabuluhan at masayang araw ng kaalaman ang hatid ng Balik-Eskwela Information Caravan sa Sto. Niño 3rd National High School sa temang: "Ligtas na Pagbabalik-Eskwela: Sama-samang Pagprotekta sa Kabataang San Joseño."

​Upang masig**o ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, magulang, at g**o, inihatid sa kanila ang mga mahahalagang talakayan ukol sa:

▫️​Child Protection & Children's Rights and Responsibilities
▫️​Cyber Security
▫️Mental Health Awareness
▫️​Adolescent Health
▫️​Disaster Family Preparedness
▫️Waste Management

​Ang inisyatibong ito ni Mayor Josel James Violago ay pinangunahan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), katuwang ang CDRRMO, CHO, CENRO, PNP San Jose, at DepEd-San Jose.

​Patuloy ang Lokal na Pamahalaan sa paghahatid ng proteksyon at gabay para sa bawat kabataang San Joseño—sa loob man o labas ng paaralan at tahanan.

Lungsod Pag-asa - Mayor James Violago

Sariwang gulay mula sa ating mga lokal na magsasaka! ​Nakiisa ang ating mga benepisyaryo ng DSWD Project LAWA at BINHI s...
15/08/2026

Sariwang gulay mula sa ating mga lokal na magsasaka!

​Nakiisa ang ating mga benepisyaryo ng DSWD Project LAWA at BINHI sa pagdiriwang ng 57th San Jose Cityhood Anniversary sa ginanap na Agro Trade Fair. Ipinagmalaki at itinampok nila ang kanilang mga aning gulay mula sa mga site ng Barangay Villa Marina, San Mauricio, at Sto. Niño 3rd.

​Isang patunay na ang patuloy na suporta sa ganitong mga programa ay naghahatid ng tunay na pag-asa at pangkabuhayan para sa bawat San Josenio.

Lungsod Pag-asa - Mayor James Violago

Matagumpay na naipamahagi ang tulong-pinansyal para sa 261 na benepisyaryo mula sa mga near-poor households sa ating lun...
14/08/2026

Matagumpay na naipamahagi ang tulong-pinansyal para sa 261 na benepisyaryo mula sa mga near-poor households sa ating lungsod sa ilalim ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Assistance Program.

Matatandaang nagsimula ang pamamahagi noong August 5, at pormal na natapos ngayong August 13 para sa anim (6) na natitirang barangay:
1.Villa Marina
2.Villa Joson
3.Villa Floresca
4.Tulat
5.Tondod
6.Malasin

❓ Ano ang UPLIFT Program?
Sino ang benepisyaryo? Ang mga pamilyang natukoy sa pamamagitan ng Community-Based Monitoring System (CBMS).

Magkano ang matatanggap? ₱2,000 kada buwan sa loob ng anim (6) na buwan (kabuuang ₱12,000).

Layunin: Magbigay ng pansamantalang suporta sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bilihin, pamasahe, at epekto ng energy emergency.

🤝 Pagtutulungan para sa Maayos na Payout
Pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at DSWD ang verification at payout process sa tulong ng Community Affairs Office. Naging katuwang din ang POSO, PNP, at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) upang matiyak ang seguridad at kaayusan ng programa.

Dumalo at nagpakita ng buong suporta sa aktibidad si Mayor Josel James Violago kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod—patunay sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan sa mga pambansang ahensya para sa kapakanan ng bawat San Joseño!

ℹ️ Para sa iba pang katanungan: Maaaring direktang magpadala ng mensahe sa opisyal na pahina ng CSWDO San Jose City Nueva Ecija

🇵🇭
San Jose City, Nueva Ecija

Lungsod Pag-asa - Mayor James Violago

MABILIS NA RESPONDE SA GITNA NG HABAGAT! 🚨🌧️​Bago matapos ang araw kahapon, August 12, 2026, dumaan ang malakas na buhos...
13/08/2026

MABILIS NA RESPONDE SA GITNA NG HABAGAT! 🚨🌧️

​Bago matapos ang araw kahapon, August 12, 2026, dumaan ang malakas na buhos ng ulan dulot ng Habagat na nagdulot ng pagbaha sa ilang barangay sa ating lungsod.

​Sa agarang inisyatibo ng ating Punong Lungsod Josel F. Violago, mabilis na kumilos ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), City Social Welfare and Development Office (CSWDO), at Community Affairs Office upang masiguradong ligtas ang bawat mamamayan.

Binuksan ang ating mga Day Care Center sa Brgy. Palestina at Brgy. Culaylay upang magsilbing pansamantalang tuluyan ng siyam (9) na pamilyang inilikas. Agad din silang hinatiran ng ating Mobile Kitchen ng mainit na pagkain mula kagabi hanggang sa kanilang agahan.

Bagamat mabilis na humupa ang tubig sa ibang lugar, agad pa ring hinatiran ng pampainit ng sikmura at tulong ang mga residente sa Brgy. Villa Marina, Brgy. Kaliwanagan, at Brgy. San Agustin.

​Isang patunay na sa Lungsod ng San Jose, ang kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan ang atingprayoridad sa anumang oras at sakuna.

Lungsod Pag-asa - Mayor James Violago

📢 ANUNSYO: 2ND BATCH FACE-TO-FACE PAYOUT NG UPLIFTAng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) – San Jose City...
11/08/2026

📢 ANUNSYO: 2ND BATCH FACE-TO-FACE PAYOUT NG UPLIFT

Ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) – San Jose City ay nagpapaabot ng paalala para sa mga QUALIFIED BENEFICIARIES mula sa Barangay Malasin, Tulat, Tondo, Villa Floresta, Villa Floresta at Villa Joson na kabilang sa 2nd Batch Face-to-Face Payout ng UPLIFT.

📅 Petsa: August 13, 2026 (Huwebes)
⏰ Oras: 8:00 AM – 12:00 NN
📍 Lugar: Pag-asa Gymnasium, Brgy. Malasin, San Jose City, Nueva Ecija

👥 SINO ANG KASAMA SA PAYOUT?

Ang payout ay para lamang sa mga qualified beneficiaries na kabilang sa itinakdang Category/Group 2, partikular sa mga kabilang sa Mahirap at Near-Poor, batay sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Economy, Planning and Development (DEPDev) na ibinaba ng DSWD.

❗ HINDI KASAMA sa payout ang mga:
- Active 4Ps beneficiaries
- 4Ps Graduates
- Mga kasalukuyang nasa assessment level**

📌 ANO ANG DAPAT DALHIN?
Para sa mga pangalan na kabilang sa listahan ng qualified beneficiaries, mangyaring magdala lamang ng:

📄 Photocopy ng Valid Government-Issued ID
Siguraduhing ang pangalan ay nakalista sa official list of qualified beneficiaries para sa nasabing payout.

📣 Paalala: Ang payout ay para lamang sa mga kwalipikadong benepisyaryo na nasa official list. Mangyaring makipag-ugnayan sa CSWDO San Jose City para sa iba pang katanungan o paglilinaw.

📋 Narito ang listahan ng mga qualified beneficiaries na kasama sa 2nd Batch Face-to-Face Payout:

AGARANG PAGTUGON AT TULONG PARA SA MGA PAMILYANG NAAPEKTUHAN NG LANDSLIDE SA BRGY. TAYABO​Mabilis na nagpaabot ng tulong...
10/08/2026

AGARANG PAGTUGON AT TULONG PARA SA MGA PAMILYANG NAAPEKTUHAN NG LANDSLIDE SA BRGY. TAYABO

​Mabilis na nagpaabot ng tulong ang ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Josel "James" Violago, katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), para sa anim (6) na pamilyang naapektuhan ng landslide sa Barangay Tayabo noong kahapon, Agosto 9, 2026.

​Dulot ng patuloy na pag-ulan na dala ng Habagat, bumigay ang lupang kinatitirikan ng kanilang mga tirahan malapit sa ilog. Mananatiling nakatutok ang pamahalaang lungsod sa patuloy na pag-alalay at pagtiyak sa kaligtasan ng ating mga kababayan.

Lungsod Pag-asa - Mayor James Violago

Sa magdamag na ulan dulot ng  Tropical Depression "Luis at Maymay", agad na nakaranas ng pagbaha ang ilang bahagi ng ati...
10/08/2026

Sa magdamag na ulan dulot ng Tropical Depression "Luis at Maymay", agad na nakaranas ng pagbaha ang ilang bahagi ng ating lungsod, partikular na ang mga nakatira malapit sa mga daluyan ng tubig.

Nitong Agosto 7, 2026 (Biyernes) patuloy ang assessment sa mga barangay na naapektuhan kasabay ng relief distribution ang ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating Punong Lungsod Josel James Violago , katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Disaster Risk Reduction and Management Office - San Jose Nueva Ecija (CDRRMO), Communify Affairs Office (CAO).

Ang mga barangay na may naaapektuhang pamilya dahil pumasok ang baha sa kanilang tahanan ay ang mga sumusunod:

▫️F.E. Marcos-18
▫️Camanacsacan-13
▫️A.Pascual- 28
▫️San Mauricio-29
▫️Sto.Tomas-35
▫️Caanawan-73
▫️Tulat- 13

​Patuloy ang ating lokal na pamahalaan sa pagtugon upang tiyaking ligtas at naaalagaan ang bawat San Josenio. Stay safe, San Josenios! ❤️

Lungsod Pag-asa - Mayor James Violago

𝗟𝗚𝗨, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦𝗦𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗡𝗔 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬𝗠𝗔𝗬Nagsagawa kahapon, Agosto 6, ng assessment ang Lo...
07/08/2026

𝗟𝗚𝗨, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦𝗦𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗡𝗔 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬𝗠𝗔𝗬

Nagsagawa kahapon, Agosto 6, ng assessment ang Lokal na Pamahalaan sa mga lugar na binaha at naapektuhan ng magkasunod na nagdaang bagyong Luis at Maymay.

Unang inikot ng mga kinatawan ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), City Social Welfare and Development Office (CSWDO) at Community Affairs Office ang Bisaya Village upang alamin ang kalagayan at pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha.

Kasabay ng assessment, nagpamahagi ang Pamahalaang Lungsod ng paunang 73 relief packs sa mga apektadong residente bilang agarang tulong.

Samantala, magpapatuloy ngayong araw ang assessment at relief operation sa mga barangay ng Caanawan, Sto. Tomas, F.E. Marcos, A. Pascual, San Mauricio at Camanacsacan.

Address

Social Service Compound, Brgy. Sto. Niño 1st
San Jose
3121

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CSWDO San Jose City Nueva Ecija posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category