13/09/2026
PABATID SA PUBLIKO
PARA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY CAMANACSACAN:
May kaugnayan sa mga katanungan tungkol sa RICE DISTRIBUTION NG BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG (10kilos na bigas), Rice Distribution Project sa ilalim ng Assistance to Indigent Individuals or Families β Food Assistance β Rice Distribution Project (AIIF-FA-RDP).
1. Sa kasalukuyan, WALA pang naibabang listahan o opisyal na abiso mula sa DSWD na natatanggap ang ating Tanggapan ng Punong Barangay hinggil sa nasabing ayudang bigas.
2. WALANG kinalaman o partisipasyon ang mga Barangay Opisyal, lalo na ang inyong Punong Barangay, sa pagpili, paglilista, o pamamahala ng nasabing Rice Assistance.
3. Ang sinumang indibidwal na kasalukuyang nag-aasikaso o nagpoproseso nito ay HINDI kinatawan o opisyal ng Barangay Camanacsacan.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at kooperasyon.
π’ RICE DISTRIBUTION PROGRAM | CITY OF SAN JOSEπΎπ
Tulong para sa bawat San JoseΓ±o!
Pormal nang sisimulan ng City Government of San Jose, sa pangunguna ng ating City Mayor, Hon. Josel F. Violago, katuwang ang Department of Interior and Local Government (DILG Nueva Ecija, ang pagpapatupad ng Rice Distribution Project sa ilalim ng Assistance to Indigent Individuals or Families β Food Assistance β Rice Distribution Project (AIIF-FA-RDP).
Ang programang ito ay ipinatutupad sa pamamagitan ng Local Government Support Fund - Financial Assistance to Local Government Units (LGSF-FA to LGUs) sa ilalim ng FY 2026 General Appropriations Act, alinsunod sa mga umiiral na guidelines ng pamahalaan.
Layunin ng programa na makapagbigay ng food assistance sa mga kwalipikado at natukoy na pamilya upang makatulong sa pagtugon sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa pagkain.
π NARITO ANG MGA ISKEDYUL NG PAMAMAHAGI:
π
SEPTEMBER 11, 2026
π
Morning Schedule
π Pagasa Gym, Brgy. Pinili
π£ 8:30 AM β 11:30 AM
π Afternoon Schedule
π Pagasa Gym, Brgy. Kaliwanagan
π 1:30 PM β 5:00 PM
π
SEPTEMBER 15 & 16, 2026
π
Morning Schedule
π E.R. Violago Pagasa Gym, Brgy. F.E. Marcos
π£ 8:30 AM β 11:30 AM
π Afternoon Schedule
π E.R. Violago Pagasa Gym, Brgy. F.E. Marcos
π 1:30 PM β 5:00 PM
Ang mga iskedyul na ito ay inilaan upang matiyak ang maayos, organisado, at mabilis na pamamahagi ng rice assistance sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Ang programa ay nakalaan para sa 17,241 benepisyaryo mula sa 38 barangay ng Lungsod ng San Jose, na natukoy at na-validate batay sa mga itinakdang pamantayan at proseso ng City Government of San Jose, sa pamamagitan ng kaukulang assessment at validation ng City Social Welfare and Development Office.
Para sa mga kwalipikadong benepisyaryo, ang mga nakatalagang coordinator at authorized representatives ng City Government sa bawat barangay ay mangangasiwa sa pamamahagi ng mga claim stub at sa pagbibigay ng kaukulang impormasyon tungkol sa schedule ng distribution.
π PAALALA SA MGA BENEPISYARYO:
β
Dalhin ang inyong Claim Stub sa araw ng distribution. No Claim Stub, No Release.
β
Magdala ng photocopy ng isang (1) valid ID bilang bahagi ng verification requirements.
β
Sundin ang itinakdang schedule at venue upang maging maayos at mabilis ang proseso ng pamamahagi.
Pag-asa - Mayor James Violago
Jose City, Nueva Ecija